XIV

4 0 0
                                    

Chapter 14 : Partner




"We found you a guitarist. He's a friend and a blockmate of mine sa isa sa mga major subs ko. Such a good guy and he loves to perform with a large crowd, so rest assured na magiging maayos performance niyo," sabi ni Doll nang kinamusta ko ang paghahanap nila ng guitarist sa akin.

"Oh, okay. When can we meet for practice?"

Iwinagayway nito ang kamay niya sa harapan ko habang hindi inaalis ang tingin niya sa kaniyang phone. Gustuhin ko mang sumilip ay hindi ko kaya. Magkaharap kasi kami kaya madali niyang naitatago sa akin ang phone niya.

"No need to bother for such trivial matters, my dear cousin. Papunta na si Chris dito. Nasa ASEC room lang daw siya at didiretso na dito." Tikom ang bibig ko habang pinagmamasdan ang pinsan na busy sa kaka-chat sa phone niya. Pero kahit gano'n, pakiramdam ko kahit anong itanong ko sa kaniya ngayon ay may sagot o 'di kaya ay solusyon siya sa lahat.

Which is actually surprising knowing na sobrang lutang niya madalas at go with the flow lang lagi. Pero iba ang aura niya today, para bang buong buhay niya, may plano talaga siya lagi. Like lahat ng mga ginawa niya sa buhay ay talagang nakaplano at may kasamang rason. Hindi ko alam pero ganoon talaga ang aura niya. Nakakapanibago.

"Hi, besties!" sigaw ni Liya na nagpabalik sa akin sa realidad. "Uy, kailan ka pa andito?" tanong ko rito kasi mukhang naka-lock na si Doll sa sariling mundo at oblivious na siya sa mga bagay na nangyayari sa paligid.

Hinawi niya ang kaniyang side bangs at padabog na umupo sa tabi ko. "Nakaka-stress sa VVET laboratory! Hindi ko alam kung anong relevance no'n sa program natin pero ewan ko ba. Wala ba kayong ganoon?" usisa nito sa akin.

Umiling ako at tinawanan ang pagdadabog niya. "Te, class niyo lang yata may ganiyan. Block namin, wala e."

Kumunot ang noo nito at hininaan ang boses bago pagigil na nagsalita, "Ang daya! Parehas lang naman tayo ng prgram pero bakit may pagano'n kami." nagkibit lang ako ng balikat at sinenyasan siya na tingnan si Doll.

"Bakit?" naguguluhan nitong tanong habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Doll. "Anyare diyan?" I waved both of my hands indicating that I don't know either. Sa mukha ni Liya halatang nararamdaman niya rin ang ibang aura ni Doll ngayon.

Kinalabit niya ito. Nang hindi ito kumibo ay inulit niya ang pagkalabit ng tatlong beses bago niya mahinang tinampal ang harapang mesa nito. Matapos hampasin ni Liya ang mesa ay saka lang natauhan si Doll at napaupo ng maayos.

"Uy, kailan ka dumating?" inirapan ito ni Liya. "Kanina pa! Nagdabog na nga ako dito at lahat-lahat pero wa epek ka pa rin diyan. Sino ba 'yang bago mong lalaki?"

Agad na nanlaki ang mga mata ni Doll sa sinabi ni Liya. "Excuse me, I am certainly offended! Wala akong lalaki!" agarang tanggi.

"Hoy Doran Llena, wala kang maloloko rito. Hindi ka magkakaroon ng sariling mundo kung wala kang lalaki." Namumula na ang buong mukha ni Liya sa kakaasar kay Doll,

"Wala nga! Chinat ko lang 'yong partner ni Ash para sa PATTSikatan."

"Sus, e isang chat lang naman isesend mo doon pero kanina ka pa type nang type riyan at halatang kinikilig. Hindi naman posibleng si Chris ang babahain mo ng chat at sesendan ng lsm hindi ba?"

"Hi, I heard my name," singit ng isang malamig pero friendly na boses sa likod namin ni Liya. Agad na kumapit si Liya sa braso ko at narinig ko pa ang bulong nito.

"Speak of the devil and he shall grant you his presence." Siniko ko pa ito dahil sa sinabi niya. Pero ang gaga, mas lalo yata naging provocative habang tinitingnan si Chris.

Ngumisi ito at taas noong tinawag 'yong sinasabi nilang partner ko raw. "Christian." tinanguan niya pa ito na parang barkada nila ang isa't isa.

"Got a problem with my presence, Arya?" tanong nito. "Oh I certainly do have a problem with your bothering presence. Care to do something about that?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko nang niyakap patalikod si Liya para lang matakpan ng dalawa kong kamay ang bibig niya. "Amaccana beh. May pasok ka pa 'di ba? Pasok ka na sa room niyo, magagalit na naman sa 'yo 'yong instructor mo."

Pilit nitong kumawala sa mahigpit kong hawak sa bibig niya. Nang magtagumpay ay matalim niya akong tiningnan. Tumingin din siya kay Chris na nanonood lang sa amin bago niya ito inirapan at padabog na umalis. Narinig ko pa ang pahabol nitong, "tse!" bago tuluyang umalis.

I scratched the back of my head and smiled shyly at Chris. "Pasensya ka na sa kaibigan ko. Hindi ko alam bakit siya biglang nagkagano'n but I hope you won't take it to the heart..." I offered my hand. "...I'm Aisling grace, Ash for short. Fancy meeting you despite the small dispute earlier."

He chuckled and accepted my hand. "Kage Christian, Chris nalang, nice meeting you rin. And oh, don't worry. I won't take any offence of the incident earlier at heart. Our performance will not be ruined. I perfectly know why she acted that way earlier."

Ibinaba ko ang kamay ko at kuryosong tumingin sa kaniya. "Talaga?"

"Yup!" he said while popping the 'p'. "Mind if I sit?" I ushered him to sit down. "She hates my existence. I am her living pet peeve. Hindi ko alam bakit. Bff mo 'yon hindi ba, Doll? Bakit kaya pikon 'yon lagi sa akin?"

"H-huh?" lutang na sabi nito habang inaangat ang ulo mula sa phone niya. "A! Hindi ko alam. Tanungin mo siya, kayo naman frenemies no'n."

"Sino ka-chat mo? Siya ba? Ikamusta mo ako."

"Ulol, anong siya? Hindi!"

I looked at them confused. Mukhang may alam si Chris sa mystery man ni Doll. nanatili akong nakatayo habanng tinitingnan silang dalawang magtalo. "Uh, may kailangan ba akong malaman?" singit ko sa gitna ng pagtatalo nila.

Tumingin si Chris sa akin na may halong gulat sa mga mata. "O? Hindi mo alam?" Tumayo si Chris at lumapit sa akin. "Shit! Chris, no—"

Bago pa man matapos magsalita si Doll ay agad akong umalis doon. Nakita ko kasing dumaan si Clay sa student's area kanina kasama mga kaibigan niya at saktong nakita niyang lumalapit si Chris sa akin.

Nakita ko siyang papaliko sa east wing ng school building. "Clay!" sigaw ko habang hinahabol siya. Nakita kong napalingon sa akin ang mga kaibigan niya at tinapik ng mga ito ang balikat ni Clay at nagpatuloy sa paglalakad. Habang si Clay ay naiwan kung saan siya huminto kanina nang tinawag ko. 



--------------------------------------------------

Author's note: 

Hi! It feels exciting to once again write an author's note, because I feel like I am not deserving enough to write one but here I am pushing out my luck.

I just want to inform that I might go slower with the updates given the jam-packed schedule I have recently because of the midterm exams last week. But rest assured I'll do my best to write whenever I can.

And to that 2 silent readers that I had, thank you so much! I really really really appreciate you for staying at my side and for appreciating my work when I know it's not as good and as amazingly written as others. I am hoping that I could you would feel my deepest gratitude. 

AVS 1: Catching FlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon