XIII

4 0 0
                                    

Chapter 13 : Performance




"Uy, may plano na ba kayo sa foundation day?" out of the blue na tanong ni Liya habang namimili kami ng mga gagamitin para sa concert ng kani-kaniyang banda na sinusuportahan.

"Wala pa, pero balita ko bongga music fest nila ngayon a," pang-chi-chismis ni Doll. "Weh? Saan mo narinig?" Tumingin si Doll sa akin na para bang malaking kasalanan ang tinanong ko sa kaniya.

"Duh! Siyempre sa student counsil mismo! Ingay kaya nila do'n sa audio visual room kasi ang hirap daw at hindi nila mai-book ang Mayonnaise dahil sa conflict of sched. Pero huling rinig ko, nagawan naman daw nila ng paraan."

"Omg! Legit ba 'yan? Te, aasa na ako!" kinikilig na saad ni Liya. "Yup! Ako pa ba sasagap ng maling balita?"

Nagkibit si Liya ng balikat, "Sabagay..."

Hindi na natuloy ang usapan namin hanggang sa matapos kaming magbayad sa cashier. Bago umuwi ay napagdesisyunan muna naming kumain. Pagkaupong-pagkaupo ko palang sa upuan ng restaurant ay agad na akong binato ni Doll ng mga salita.

"Naalala ko lang, bakit kaya hindi ka sumali sa PATTSikatan this year? I'll find someone na willing kang samahan magperform," alok ni Doll sa akin.

"Oo nga 'no, hindi pa kita nakikitang magperform. Huwag mo na i-gatekeep ang talent mo!" dagdag pa ni Liya.

Tinaasan ko silang dalawa ng kilay. "Ano naman ipe-perform ko do'n? Giling at kendeng?" pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay muntik na akong hampasin ni Doll ng menu. "Ang pangit ng humour mo 'no? Nakakapikon minsan," asar na sabi nito sa akin.

"Gaga! Anong giling pinagsasasabi mo riyan? Kumanta ka kaya! Ilabas mo 'yang boses mo. kami na bahala maghanap ng makakasama mo magperform para hindi ka mahiya masyado. Kahit ikaw nalang sa vocals tapos 'yong hahanapin namin ay willing tumugtog for you."

Agad pumitik ang kamay ni Doll sa ere. "Alam mo, Liya, mas lalo yata kitang minahal ngayon beh. Ang ganda ng naisip mo!"

"Ano 'te? G ka na ba? May mga naisip na akong i-contact," pagpupumilit ni Doll sa akin.

"Oo nga, isipin mo, malapit ka na mag 3rd year at gagraduate na si Clay this year. Rinig ko pa naman na kaya pinilit ni Clay na isabay ang flight school ngayong 4th year niya ay para makapg-piloto agad siya. Since 2 years lang ang flight school, isang taon nalang hihintayin ni Clay pagka-graduate. Siguro kasabay na no'n ang board exams ng aeronautical. Ikaw din, mami-miss mo 'yong opportunity na magperform sa harapan niya."

Tiningnan ko ng masama si Liya na nakangising aso. Halatang nandedemonyo talaga sila para lang magperform ako. Saktong dumating ang waiter kaya hindi muna ako nakasagot at hanggang tingin lag sa kanila. Nang makaalis ang waiter ay saka lang ako padabog na nakasagot.

"Oo na! Oo na! Magpe-perform na ako. Palibhasa kasi alam niyo kahinaan ko kaya gamit na gamit niyo si Clay." Parehas napasigaw ang dalawa kaya naglingunan sa amin ang mga taong kumakain sa restaurant. Agad naman silang yumuko sa kahihiyan.

Inilingan ko nalang sila. "Sabihin niyo sa tutugtog na kakantahin ko 'yong The Ones We Once Loved."

Parehas nanlaki ang mga mata nila. "Ben and ben? E hindi ba panlalaki 'yon?" litong ani ni Doll. I smiled at her with full confidence, "My dear, wala ka bang tiwala sa akin? Edi gagawan ko 'yong kanta nila ng sariling version! Okay na sa akin kahit guitar lang ang instrument."

Umiling si Liya. "No. I mean, why did you choose that song? There's so many lively songs kaya!"

"E sa gusto ko maging broken kahit sa pagkanta lang," I argued back to her. "Still, there's a thousand songs to choose from! Like Getaway Car or whatever."

Sarkastiko ko siyang tiningnan. "Bakit ba ayaw mo sa The Ones We Once Loved? May naalala ka ba do'n? And anong gusto mo? Kumanta ako ng Champagne Problems? Nah, hindi pa ako naging mentally unstable na ex para makarelate doon."

Hindi siya sumagot kaya ngumuso ako. "Mas nakakarelate kasi ako doon e, kahit semi-broken lang ako ngayon dahil sa pinsan mo. plus, tagalog songs can be so heartfelt kaya!"

Agad namang nagtaas ng kamay si Liya na para bang nagsu-surrender. "Okay! Okay. Chill, bestie. Kami na ni Doll bahala maghanap ng guitarist mo. Hindi ba, Doll?" sabi nito kasabay ng paglingon namin kay Doll na nakatulala lang habang nakatingin sa hinahawakang phone.

"Huh? A, oo. Yeah whatever," wala sa sariling sagot nito. Agad kong hinawakan ang kamay niyang nasa mesa na nakahawak sa phone niya. "Okay ka lang?" tanong ko rito. Agad naman siyang bumalik sa sarili at hinila pababa ang kamay niya. "Oo, okay lang." ngumiti siya ng todo na para bang hindi nangyari 'yong kanina. In order to respect her, I did not press the matter further.

"So, settled na? Guitar nalang hahanapin natin. Champagne Problems, right?" tanong nito kaya agad akong nalungkot para sa kaniya. She seemed distracted but I can't point out where or why. She's really secretive when it comes to some stuff, and although I am her cousin, there are things where I should draw a line. I just can't invade her privacy.

"Uh, Doll, I am singing The Ones We Once Loved by Ben and Ben." nagitla siya sa sinabi ko at nagkukumahog na inopen ang phone niya.

"Oh shit, right. Sorry, just a little dishevelled. Anyway, I'll message some of my friends from the student council na kasali ka sa PATTSikatan."

"Wait, kailan ba 'yon?" tanong ni Liya kay Doll na nagpairap dito. "'Yong totoo? 'Te, yearly natin sine-celebrate 'yon! Anyway, March 17. One day activities lang mangyayari sa foundation day."

Hindi na muling nasundan pa ang usapan namin at tahimik nalang na kumakain. Kabado ako sa pagpayag kong magperform pero hopefully, everything will turn out right. Hindi lang para kay Clay, kung hindi para na rin sa sarili ko.

AVS 1: Catching FlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon