Chapter 5 : Cologne




"Hoy 'te, ano na?" kalabit ni Doll sa akin habang naglalakad papuntang canteen Bravo. Naibaba ko ang kanina pang kinakalikot na cellphone para lang maharap siya.

"Problema mo?" Pinagkunutan ko siya ng noo. "E kasi naman—"

Natigil ang sagot niya nang biglang may umakbay sa balikat sa balikat niya. "Hi! An'meron?" masayang bungad ni Liya. umirap si Doll sa akin at para bang magsusumbong kay Liya. "'Yang magaling mong bff kasi. Mula no'ng nagbigay ka ng impormasyon about kay Clay, ayan, hindi na matahimik. Kung hindi nagsi-search ng kung anu-ano, iniistalk naman ang profile ng lalaking 'yon. Ewan ko ba riyan at hindi nalang niya i-follow para updated siya sa ganap ng buhay no'n."

Tumawa ako ng malakas sa sinabi niya. Napatingin tuloy ang ibang taong naglalakad habang binigyan ko sila ng konting ngiti dulot ng kahihiyan. Pabiro kong hinampas si Doll. "Grabe ka sa akin! Hindi kaya ako nang-stalk. Well, bumibisita ako sa profile niya minsan pero hindi stalking 'yon!"

"Oh sige nga, ano tawag mo do'n?" hamon nito sa akin. Ngumuso ako at umaktong nagpapa-cute sa kaniya. "Humihingi ng updates." Napahampas si Doll sa noo niya habang tumatawa naman si Liya.

"Tigil niyo na 'yan." saway ni Liya sa amin. "Gutom na ako eh, sayang naman. Malapit na tayo sa canteen, gusto ko na bumili ng pagkain." Doll and I stopped. However, her glare remained on me. Sinundan namin si Liya na maglakad ng tahimik ngunit nang lalo na kaming papalapit sa canteen bravo ay agad itong nagbukas ng topic.

"Nga pala, Ash. Nakita kita no'ng isang araw sa isang GED sub, imbes makinig nagsi-search lang sa phone. Ano 'yong kantang inaaral mo? Nakita ko kasing chords 'yon. 'Di ko lang sure kung anong instrument nga lang."

"Ah! Wala 'yon. May inaaral lang akong kanta, pero 'di ko pa napa-practice. Fina-familiar ko muna sarili ko sa chords. Mas nakukuha ko kasi tamang transition ng kamay sa guitar 'pag medyo gamay ko na ang chords."

Tumatango naman ito sa sinabi ko, habang ang magaling kong pinsan ay mukhang chichismis na naman. "Uy, ano 'yan? Kanta? Sino nag-aaral?" tanong nito sa amin. Napakamot ako ng ulo at guilty na tumingin sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya at paa bang hindi naniniwala sa reaksyong nakikita niya sa akin,

"Weh? Ikaw, Ash, mag-aaral?" paninigurado nito. "Huwag ka na kumontra, oo mag-aaral ako ng chords." Sinubukan kasi naming tatlo ni ate at Doll no'n na mag-aral ng instruments kaya pinasok kami ng mga magulang namin sa lessons. Gusto kong matutunan ang guitar, habang piano naman si Doll at si ate ay piniling matutunan ang kahit na anong i-assign sa kaniya ng mentor. Sa huli, dahil parehas kaming bobo ni Doll ay wala kaming natutunan kung hindi puro paisa-isang notes lang, habang si ate ay natuto ng ilang instruments. Kaya hindi naniniwala si Doll na mag-aaral ulit ako ng guitar.

Mabuti nalang din at hinayaan na ni Doll. Hindi na siya kumontra pa sa akin. Nang sa wakas ay makabili na sa canteen Bravo ay nagbukas si Doll ng usapin. "Nga pala Liya, nagdududa na ako a! Paano mo nalaman mga information no'ng crush ni Ash?" nang-iintriga nitong tanong. "Crush mo rin ba 'yon?" dagdag pa nito at tumingin sa akin na nang-aasar. "No offense, Ashiecakes, baka lang shared crush niyo siya."

Tumawa naman ng malakas si Liya sa sinabi nito. "Oh my gosh! I could never!" hinawakan pa nito ang tiyan niya sa sobrang tuwa. Pabiro naman itong hinampas ni Doll sa balikat. "Tawang-tawa 'te? Ano na? Dali, na-e-excite ako." tinaas baba pa ang kilay nito na para bang naghihintay sa malakas na pasabog.

Umubo pa ng malakas si Liya dahil sa pagtawa ng husto bago siya nahimasmasan. "Gaga ka, Doll! Natawa ako sa 'yo do'n a. And hindi ko siya crush jusko! Hindi kami talo no'n." tumawa ulit siya at tumingin sa akin.

"Chill ka lang Ash! Pinsan ko 'yon, kaya 'di niya akp fan. Sayong-sayo 'yon, ilalakad kita." Kumindat pa ito sa akin. This time, ako naman ang tumawa. "Sus, thank you nalang beh, ako na bahala sa sarili ko. No need for lakad, kaya ko na," confident na confident kong sabi.

"Oh sige, sabi mo e. Good luck nalang beh, basher din ako ro'n sa pinsan ko na 'yon kaya 'di ko maipapangakong hindi paninira ang ichi-chismis ko sa 'yo." Sabay kaming nagtawanan nang biglang kinalabit kami ni Doll.

"Pinsan mo talaga 'yon?" tanong nito kay Liya. "Sorry beh mabagal pick up response ko." Tumatawa si Liya habang kino-confirm kay Doll ang totoo. "Oo te, magkapatid mga nanay namin gaya ng sa inyo. Pero medyo magkakilala talaga kami since mas madalas mag-family reunion ang maternal side namin."

"Speaking off, ayan siya o!" turo ni Lliya kaya sabay kami ni Doll na napatingin sa tinuro ni Liya. Sa hindi kalayuan ay nakita namin si Clay kasama ang ilan sa mga kaibigan niya at mukhang papalapit sila sa kinaroroonan namin.

"Speak of the devil, and he shall grant you his presence," rinig kong bulong-bulong ni Liya sa tabi ko.

Napailing ako, mukhang may matinding hinanakit talaga siya sa pinsan niya. Hinugot ko ang aking hininga nang makitang malapit na sila sa amin. At dahil ako ang pinakamalapit kay Clay ay naglakas-loob akong kumaway at bumati, "hi!"

Nakita kong dumaan ang mata niya sa aming tatlo at tumingin ng matalim kay Liya na napagitnaan namin ni Doll bago bumalik ang tingin sa akin at tumango bago tuluyang lumampas. "Ang bango, shet," wala sa sariling saad ko.

"Tingnan mo! Tingnan mo! Hayop talaga 'yon. Kita mo 'yong malalim na tingin sa akin? Aawayin ko 'yon sa susunod na pupunta sila sa amin. Ang kapal niya!" inis na inis na mga saad ni Liya sa tabi ko. Narinig ko ba si Doll na inaalo na siya. "Te, ani? Tunganga ka sa halimaw na 'yon?" agad akong napabalik sa realidad sa sinabi ni Liya. umiling ako at naunang maglakad. Hindi ko namalayan na nakahabol na pala si Liya at nakita kong hindi na nakasunod si Doll sa amin.

Bago pa man kami makapasok sa susunod na klase ay bumulong ito sa akin. "Oud and Bergamot Cologne ng Jo Malone London," sabi nito bago naunang pumasok.

Napahinto ako sa may pintuan nang marinig 'yon. Shit, narinig ako ni Liya kanina, pero hayaan na. Konting kahihiyan kapalit ng impormasyon sa cologne niya. But on a serious note, everything is really worth it. Bukod sa naamoy ko ang cologne niya mula sa kaniya ay pinansin niya ako at natingnan pa ng malapitan. Hays, I'm such a blessed individual. Kinontrol ko muna ang sarili mula sa sobra-sobrang kilig na nararamdaman bago pumasok sa susunod na klase. Wala na, inspired na ako ng todo nito.

AVS 1: Catching FlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon