IX

3 0 0
                                    

Chapter 9 : Girlfriend




"Hi!" bati ko kay Clay sa tuwing makikita ko siya sa campus. After that confrontation at Liya's house, he had finally accepted my persistence. Nga lang, he doesn't seem to love that idea, I on the other hand loved it. Na kahit paunti-unting interaksyon lang kasama siya ay masaya na ako. Pero kahit ganoon, hindi pa rin siya responsive sa akin, but I guess I shouldn't ask for more. Malaking bagay na nga ang pagpayag sa akin na bwisitin siya, not that he could stop me either.

"Beh, ano na? Tigil na, gayahin mo si Doll, 'di na tanga. Ikaw nalang natitira." Siko ni Liya habang kumakain kami sa may basketball court. "Speaking of, ayan na siya oh," dagdag nito sabay nguso sa isang direksyon. Doon nakita ko si Clay na nakikipagtawanan sa isang babae,

Ouch.

How I wish I could be a girl that he could look into and give a fair treatment. Not the girl that he feels the need to be on his guard. Kakatitig ko sa kanila ay hindi ko napansing dumapo ang mga mata niya sa kinaroroonan namin. And there, in the midst of playing and passing students. In the sea of people wearing a white uniform, my gaze only focused on him. His green eyes that captivated me at the first glance have been staring at me piercingly despite the 20-metre distance between us.

Ngunit, sa kabila ng lahat ng 'yon, nakita ko rin paanong unti-unting nawala ang kaninang ngiti dulot ng pagtawa. Mula sa pagkakatawa sa babaeng kausap ay dahan-dahang napalis ang ngiti nito nang bumaling sa akin. Hindi ko nakayanan ang mainit niyang titig kaya napaiwas lang ako ng tingin.

"Tara na! May dadaanan pa ako sa lib," pag-uudyok ko sa dalawang busy kakatingin sa mga players. Mabilis naman silang kumilos at agad isinukbit ni Liya ang mga kamay niya sa kaliwang braso ko. Habang naglalakad, pakiramdam ko ay lumulutang ako. Magaan ang bawat hakbang ko kakaalala sa mainit na tingin ni Clay sa akin kanina. Hindi ko namalayang nahila na pala ako ni Liya at Doll na dumaan malapit kay Clay at sa babaeng kausap niya.

"Oh! Andito ka rin pala, Clay!" halatang-halata ang pagka-exaggerated ng reaksiyon nito dahil sa halos pasigaw na sabi nito. Nagkukunwari pa rin siyang nagulat habang sinasabayan ni Doll. Hindi ko kaya ang kahihiyang dulot ng dalawa kaya napilitan akong ngumiti at bumati sa kanilang dalawa.

"Sino siya?" Madiin kong kinagat ang panloob kong labi dahil kay Liya. Talagang tinanong niya 'yon na para bang wala sa harapan namin ang tinutukoy niya. Pinipigilan ko ang sariling kurutin si Liya dahil sa pinaggagawa niya.

Masungit kaming pinasadahan ni Clay ng tingin niya na para bang tumitingin lang sa tatlong batang paslit. "It's none of your business," malamig nitong tugon. Agad namang bumitaw si Liya sa pagkakahawak sa akin na siyang ikinaalarma ko.

"Of course, it is! Alam mong cru—" agad kong tinakpan ang madaldal na bunganga ni Liya bago pa man siya may masabi. Rinig na rinig ko ang pagpipigil ni Doll ng tawa sa nangyari kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Agad niyang sineryoso ang mukha kahit na may ngisi pa ring nagtatangkang lumabas.

"A-ah, pasensya na kayo kay Liya. kung anu-ano talaga nasasabi niya minsan hehe, sige, mauna na kami," awkward kong sabi at pilit na ngumiti habang nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa bibig ni Liya na ngayon ay pinipilit magsalita. Wala akong choice kung hindi hilahin siya sa pamamagitan ng mga kamay na nakatabon sa bibig niya. Ayaw kong i-risk na bitawa ang bibig niya, baka manglaglag pa ito e.

Habang pumihit paalis habang bitbit ang nagpupumiglas na Liya sa kamay ko ay nakita ko pa ang seryosong mukha ni Clay na tinitingnan kami habang confused na confused naman ang kasama nito. Hindi niya siguro alam na magpinsan si Liya at Clay, kasi nalala ko base sa kwento ni Liya ay iilan lang ang may alam na magpinsan sila. Kaya siguro nagtataka ang babae kanina kung sino ang nag-approach kay Clay.

But with that thought, a question suddenly popped in my head. Based on observing him for over a year and several months now, he doesn't behave that way around people, especially women. And for him to act that way around a woman, something must be going on between thwm. It makes me wonder kung girlfriend niya ba 'yon.

Kasabay ng pagkirot ng puso ko ay ang pagbitaw ko kay Liya. Agad nitong inayos ang sarili niya. Hindi ko na nasundan pa ang kasunod na ginawa niya dahil nalulunod na ako sa mga naiisip.

Well, if she's his girlfriend, then I guess, I can do nothing but accept it. She's definitely the most lucky person in the world if it is true, and I'd be at the side looking happy for her. Sure, it hurts like hell right now, but then hindi ko hawak si Clay, ni hindi ko nga siya masabihan na nasasaktan ako kasi bukod sa pinapatigil nya ako no'ng nakaraan ay wala rin siyang pakialam sa akin at sa nararamdaman ko. Alam ko, halatang-halata ko.

I swallowed the bitterness forming in my throat and held back the tears that have started to surround my eyes. The best I can do for him if my thoughts were true is to keep distance and be happy for him. Kahit pa mahal ko siya ay hindi naman pwedeng lapit pa rin ako nang lapit sa kaniya. Respeto ko nalang 'yon sa girlfriend niyang mukhang mabait at mahinhin naman. It's the least I can do, ayaw kong masira sila dahil sa akin, though alam kong hindi hahayaan ni Clay 'yon, pero mabuti na rin at magkukusang-loob akong lalayo sa kaniya. Para hindi na siya mahihirapang i-assure ang girlfriend niya.

Nagsasalita si Lliya sa gilid ko pero I can't force myself to listen to her when I am in this state, wrecked and broken. Akalain mo 'yon, hindi kami pero kung masaktan ako wagas na wagas. tumawa ako ng konti sa sariling kabaliwan. If this is what I'll feel whenever he finds love, then I'd pray and wish hard that what he said to me was right. That this is just a phase and I'd grow out of it. Hopefully, when that time comes, I'll be able to look at him, directly in the eye, and thank him for making me realize that everything is just a phase and I'll soon snap out of it.


AVS 1: Catching FlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon