Kabanata 1

258 9 0
                                    

[Kabanata 1]

Philippine Islands, 1941

MALAPIT nang magbukang-liwayway, ang Punong Madreng Maestra ng mga Postulante ay nagsimula nang maglibot sa bawat silid upang gisingin ang mga ito gamit ang dalang maliit na kampanilya. Halos balikwas na bumangon sa kama ang mga mag-aaral na madre. Ang iilan ay naghahabol pang magdasal ng rosaryo at gahol sa pagbibihis ng itim na habit.

Ang ganitong uri ng mga kilos ay salungat kay Laura. Masinop niyang itinirintas at pinusod ang hanggang balikat niyang buhok. Kulot ang dulo nito at ang kulay ay maihahalintulad sa tsokolate. Isinuot niya rin ang mahabang kwintas na may kasamang krus na nakasabit dito. Hinuli niyang isuot ang kulay itim na belo na hanggang bewang ang haba.

Kumpara sa mga postulanteng kasamahan niya, siya ang naturang may disiplina, mayumi, at kagalang-galang ang tindig. Mas maaga siyang nagigising dahil maaga rin naman siyang natutulog dahil sa gabi ay madali naman niyang matapos ang kanyang mga gawain. Mas gugustuhin niyang maging maagap kaysa sa gahulin sa oras na ginising na sila ng kanilang Maestra.

Sabay-sabay na nagsasalo ng almusal ang mga aspirante, postulante, nobisyano, mga madre, mga Punong Madreng Maestra, at ang Punong Madre ng Beaterio Santa Potenciana y Lucia na nasa loob ng Intramuros. Sa bawat bagong araw na dumadating, iba't-ibang gawain din ang nakaatas na kailangan nilang gawin.

Bilang isang postulante, ang kaniyang talakdaan sa isang araw ay puno. Isa na roon ang pagiging guro niya sa mga batang bahagi ng ampunan ng kumbento. Ang kumbento ay hindi lamang nag-aalaga sa mga batang ulila kung hindi sila rin ay pinag-aaral. Maliit lamang ang paaralan, isang gusali na katabi lamang ng kumbento

Malaki ang naitulong ng pundasyon at pagkakawanggawa ng mga boluntaryo na nagbibigay ng pera at donasyon. Malaki rin ang ipinagpapasalamat ng mga madre para sa mga taong taos pusong tumutulong para sa kapakanan ng mga bata.

Dala ang gitara at isang bag na naglalaman ng kagamitan sa pagtuturo, kasama ang dalawang libro na kaniya ring bitbit. Nakangiting naglalakad si Laura papasok ng paaralan. Ito ay may dalawang palapag at katabi lang ng kumbento, hindi rin nalalayo sa simbahan.

Hindi mapawi ang ngiti ni Laura, hindi niya maiwasang humuni. Magiliw din niyang tinitignan ang hardin sa kabilang banda ng paaralan. Nakatanim sa hardin ang mga bulaklak na daisy at rosas. Siya ang isa sa mga madreng nagtanim no'n at nag-aalaga magpasa hanggang ngayon.

"Magandang umaga po, Maestra Laura!" Natauhan si Laura nang may mga batang nagsitakbuhan papalapit sa kaniya. Ito ang mga estudyante sa kanyang klase. Napangiti naman siya at marahang kinurot ang pisngi nito.

"Magandang umaga, Pedro. Magandang umaga rin mga bata. Oras na ng klase kaya kailangan na natin pumasok." Pagbati rin niya. Tuwang-tuwa naman ang mga bata.

Malapit si Laura sa mga batang ito kahit ilang buwan pa lamang siyang nananatili sa kumbento. Matagal na siyang magiliw sa mga bata dahil kahit noong naninirahan pa siya sa kanilang tahanan sa Bulacan ay tumutlong na rin siya sa mga pagkakawanggawa. Ang kanyang pamilya mismo ay isang isponsor sa mga pundasyon.

Ang isa ay nag boluntaryo pang dalhin ang libro ng kanilang Maestra. Pagdating sa klase, agad niyang sinimulan ang unang asignatura. Bilang isang guro, hangga't maaari ay ginagawa niyang kawili-wili at mas makabuluhan ang tinuturo upang hindi maburyo ang kaniyang mga estudyante. Isa rin sa kanyang layunin na hindi umikli ang tagal ng atensyon ng mga bata sa kanilang aralin.

"Hindi ba mahirap ang aralin ngayon?" Tanong ng Maestra. Bagsak ang balikat ng isang batang babae na siyang pinakabata sa kaniyang klase, "Mahirap pa rin po ang Matematika, Maestra." Nakangusong wika ni Ana.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon