NATUTUWA ang pamilya Rivera na magsalo-salo nang kumpleto, kasama ang buong tauhan ng mansyon. Kasama nila ang mga ito sa mahabang mesa. Ang pamilya ay nasanay nang isama ang kanilang mga trabahador kapag ganito ang okasyon.
Bagama't naiiba ang antas ng kanilang pamumuhay, para sa mga Rivera ay bahagi na sila ng pamilya. Kung hindi sa kanila, hindi lahat ng mga gawain ay mapapatakbo nang maayos at tama. Kailan man ay higit pa sa amo ang tingin ng mga trabahador sa mga Rivera.
Sila ang uri ng pamilyang mailalarawang hindi itinuturing mababa ang nasa mga laylayan. Hindi nila naramdamang maging iba dahil sa mabuti at pantay na tratong ibinibigay sa kanila. Ang kabutihang ito ay nagpapakita ng pagwasak sa estereotipo na nakasanayan at umiiral magmula pa noong panahon ng Kastila.
Napuno ng saya ang mansyon, kahit pa sila-sila lamang ang nagkakasiyahan. Kung ano-ano ring napagpag-usapan nila. Malaya ang bawat isa na ihayag ang kanilang mga nais sabihin dahil sa pagiging kumportable sa isa't-isa.
"Ngayon ka na lang ulit namin nakasalo Señorita Laura. Siguro ay nanngungulila ka rin sa amin doon sa Pransya, ano?" Kantyaw ng isa sa mga tagamaneho ng kotse.
Natawa naman si Laura, "Nako, Mang Esping. Nakakalungkot ho talagang kumain nang mag-isa lagi ro'n." Hinawakan ni Louise ang kamay ni Laura, "Babawiin natin ang mga taong nawala." Wika niya siyang sinang-ayunan ng lahat.
Dumating ang alas-otso ng gabi. Nagdesisyon nang umuwi ang mga trabahador. Tumulong si Alex sa pagbabalot ng pagkaing maiuuwi nila para sa kanilang mga pamilya. Nang silang pamilya at Manang Teodora na lang natira, nanatili sila sa lamesa upang kumain ng panghimagas. Nag-uwi rin sila ng ginawa ni Lauriana na cake na gawa sa kremang keso (cheese cream) at kakaw.
"Leandro, anak. May hindi ka sinasabi sa amin ng iyong Papa." Panimula ni Doña Alejandrina. Seryoso rin ang mukha ni Don Damian habang kumakain. Lihim na nagkatinginan pa ang magkakapatid dahil sa mga magulang.
"Kung hindi pa tumawag ang Santo Tomas. Hindi pa namin malalaman na ikaw ay isa sa magiging manlalaro ng sipa (football) sa UAAP." Saad ni Don Damian kaya gulat na nagkatingin sila Louise, Lauriana, Leonardo, at Laura. Napailing na lang si Leandro habang pinaglalaruan ang pagkain nito sa plato.
"Bunso, bakit hindi mo sinabi agad? Malapit na ang Season 4." Sapaw ni Lauriana. Maging si Laura ay hindi alam na kasali ang kapatid sa asosasyon ng atleta.
Bumuntong hininga si Leandro, "Sasabihin ko naman po. Matagal pa naman po iyon." Mahinang sagot niya. Balak naman talaga niya itong sabihin ngunit kapag nalaman ito ng kaniyang mga kapatid ay mas sabik pa ang mga ito kaysa sa kanyang manlalaro.
Noong una siyang sumali noong nakaraang tao, hindi magkamayaw ang tatlo niyang kapatid kakagawa ng plakard bilang paghahatid ng suporta. Ang kanilang magulang naman ay ikinansila ang mga gawain sa trabaho para makapanood at suportahan ang anak. Nang manalo ang Unibersidad ng Santo Tomas sa sipa at paglangoy, naging malaking karangalan ito sa pamilya at kay Leandro.
"Ako'y mananatili muna pala rito. Kaya ko naman ang magbyahe mula rito hanggang Malolos." Patuloy pa ni Lauriana. Tumango lang si Don Damian. "Siya nga pala. Leo, Louise. Bukas ay kasama kayo sa pagpupulong sa Gusali ng Tanggapan ng Gobernador."
"Ito ba ang proyekto para sa ospital na itatayo malapit sa nayon? Nasabi na rin po sa amin kanina sa opisina." Tugon ni Louise, tumango naman si Leonardo bilang pagsang-ayon.
Habang nakikinig sa iba pang usapin, lihim na napangiti si Laura dahil sa pagiging responsable ng kanyang pamilya pagdating sa paglalakad ng proyektong pakikinabangan ng lahat.
"THIS project is expected to cost 150,000 pesos, Your Honor. The inclusions are the building materials, blueprints, and the medical equipments." Wika ni Leonardo sa kanyang ama. Tumango naman ang Amerikanong isa sa sekretarya (assistant secretary) ng Komisyon ng Badyet dahil parehas sila ng kalkulasyon ng anak ng Gobernador.
BINABASA MO ANG
Endless Love
Historical FictionAfter pursuing her Nursing training abroad, Laura Rivera came back to the Philippines to set foot on her desire to become a nun. During her postulancy, she was appointed to fulfill her fellow nun's bow out duty-a school teacher to Subanen community...