[Kabanata 26]
TW: Mention of gang rape and suicide. Readers discretion is advised.
Hello, this is Ria. I know it doesn't sound right to make this topic as a plot device just to justify the horrifying, terrific, system of comfort women during World War 2. Reading the stories of these women during their time intrinsically wrenching my heart. I always think about this for several, perhaps million times if I should put Cirila's scene. She's one of the side characters I adored so much. A goofy yet sweet girl to all.
But I have thought about the reality of what they've endured, and it should be written authentically, even the cost of it is my despondent. This is what Cirila's character should embody.
If it happens that the first scenes is disturbing enough for you, you can skip it. Just know about the context so you can't be misled with the sequence of the plot.
Thank you.
***
KAKATAPOS lamang ni Laura at Cirila bumisita sa ward nila Leonardo, Leandro, Gabriel, Fidel, Sebastian, at Ernest. Habang kausap ni Laura si Gabriel ay nagpahatid si Cirila papunta sa ward ni Leonardo. Mabuti na ang lagay ni Leonardo kahit pa na may bali ito sa tuhod.
"Sa tingin mo, may namamagitan kay Leonardo at Cirila. Kasi kung oo, pabor na pabor ako! Bagay sila." Ngisi ni Laura habang nakatanaw sa hindi kalayuan kung saan nag-uusap din si Leonardo at Cirila. Maingat na hinahawakan ni Laura ang kamay ni Gabriel lalo pa't may swero ito. Ang kabilang braso nito ay nakasemento dahil may bali ito sa may siko.
Mahina namang natawa habang umiiling si Gabriel. Nakahiga na bahagyang nakataas ang kalahating bahagi ng kanyang katawan kung kaya't magkapantay sila ngayon ni Laura na nakaupo sa gilid din ng kanyang kama. "Nagkwento na ba sa iyo ang iyong kapatid? Ngunit kung sabagay, bagay sila. Parehas sila ng alindog sa pagpapatawa. Kung sila man ay may pagtitipan, marahil ay magmumukha lamang silang magkaibigan o mag-tropa. Sila rin siguro ang tipo na magtsi-tsismisan kapag may tao silang hindi nagustuhan ang pag-uugali."
"Totoo, mahal ko! Ngunit mas matamis pa sa pulot ang pagsasama kung sila ay nasa pribadong lugar. Tulad nito." Napatango naman si Gabriel. Kita nila na nakapatong ang kamay ni Cirila sa kama ni Leonardo at nakapatong naman ang kamay ni Leonardo sa kamay ng dalaga.
Sandali silang napatitig kay Leonardo at Cirila na masayang nag-uusap. Kahit pa na malalim ang mga mata ni Cirila ay hindi ito nabibigong kumislap habang nakatitig sa mga mata ni Leonardo habang nagsasalaysay ito na may kasama pang pagwasiwas ng kamay upang magkaroon ang kulay ang pinagkukwentuhan nila, kung kaya't hindi rin maiwasan ng dalaga na matawa.
Bumaling muli si Laura kay Gabriel. "Mamaya ay magpapakonsulta ako kay Doktora Marina. Dapat ay sa susunod na dalawang linggo pa ngunit gusto ko lamang makasigurado dahil galing ako sa bilangguan."
Kinuha ni Gabriel ang kamay ng dalaga at pinagsaklob ang kanilang mga daliri. "Kumain ka muna at inumin ang iyong mga gamot. O'siya, kapag bumuti ang aking lagay. Anong nais mong kainin? Ipagluluto kita bilang pambawi. Lalo pa't batid ko na marami ka ng pinaglilihian ngayon, tulad ng dati." Ngiti nito na siyang kinasaya naman ni Laura.
Humahanga na siya noon pa man kay Laura dahil isa itong matapang, may maganda at matatag na prinsipyo, at isang ulirang ina sa kanilang mga anak. Hinahangaan niya rin ang katatagan nito sa hamon ng tadhana. Para sa kanya, si Laura ay isa sa mga babaeng ipinagmamalaki niya dahil walang sinuman ang makakapantay sa lahat ng sakripisyong ginawa nito sa kanya at sa kanyang pamilya. Kahit na mismong buhay niya ang kapalit.
Ngayon, hindi rin siya binigo nito dahil kahit pa wala na halos ang kalalakihan sa kanilang samahan ay nagawa ni Laura at ng kanyang mga kaibigang babae na iligtas sila sa bingit ng kamatayan. Naniniwala siya na ang mga babae ay higit na mas matapang at matatag dahil wala pa man sila sa gitna ng kaguluhan ay may sari-sarili na itong digmaan sa pagitan pa lamang ng kanilang nga sarili.
BINABASA MO ANG
Endless Love
Historical FictionAfter pursuing her Nursing training abroad, Laura Rivera came back to the Philippines to set foot on her desire to become a nun. During her postulancy, she was appointed to fulfill her fellow nun's bow out duty-a school teacher to Subanen community...