[Kabanata 17]
Malapit nang magtakipsilim nang marating ni Gabriel ang bayan ng Sta. Maria. Dadaan siya ng Hacienda Rivera upang kausapin si Lauriana tungkol kay Celeste. Kinabukasan naman ay babalik siya upang makausap nang pormal si Don Damian tungkol sa pagpunta ni Laura sa Zamboanga upang maging kapalit na guro sa Banwa Suba.
Bago siya magtungo sa mansyon ng mga Rivera ay may isa ring dahilan ang pagpunta niya rito.
Pagkatapos bumili ng kumpol ng Daisy ay agad na nagtungo si Gabriel sa sementeryo. Papalapit na sana siya sa puntod na kanyang dadalawin nang may matanaw siyang babae na nakatayo sa tapat niyon.
Nang makalapit siya ay tumabi siya sa babae at saglit na pinagmasdan ang piguro ng maliit na monumento ng dalawang sanggol na may pakpak sa likod. Tila mga batang maagang naging anghel. Naroon din ang pangalan na nakalagay sa lapida.
Eliana & Felicita
Nuestras queridas la niñas. Por siempre en nuestros corazones.
"Hindi pa nakakadalaw ang aking mga kapatid sa mga bata. Mabuti na lamang at nakadalaw ka na ngayon." Wika ng babae. Nilapag niya ang kumpol ng mirasol at inayos iyon.
Tinanggal ng babae ang sombrero. "Nitong nakaraang buwan lang nakadalaw ang magpipinsang Alcantara." Maliit na ngumiti ito, "Ikaw lang ang hindi pa nakakadalaw dito."
Inilapag naman ni Gabriel ang bulalak. Hinawi naman niya ang mga dahon na nakapatong sa pangalan ni Eliana. "At si Laura."
"Kami lamang ni Leonardo ang laging naglilinis ng puntod nila. Minsan lang din kasi umuwi si Lauriana ng Sta. Maria."
Sandaling natulala si Gabriel sa puntod. Hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha. Naramdaman niya ang marahang paghagod ni Louise sa kanyang likod. Agad namang pinunasan ni Gabriel ang kanyang mga luha at pilit na pinipigilan ang pagbugso ng kanyang damdamin dahil sa trahedya noon.
WALANG imik ang lahat habang nag-aasikaso sa maikling seremonya ng paglilibing kay Don Damian at Doña Alejandrina. Kasalukuyang nagpapagaling si Lauriana at Anita, kasama si Manang Teodora. Ang nagbabantay sa kanila ay si Leonardo dahil ito lang din ang maaaring magsisilbing nurse sa kanila. Mayroong doktor ang mga Alcantara kung kaya't sila-sila ang nag-asikaso sa mga sugatang Rivera. Sila ngayon ay namamalagi sa kagubatan malapit sa Norzagaray upang walang makatunton sa kanila.
Nabalitaan ng lahat na tunay na pumanaw na ang Gobernador ng Bulacan kasama ang asawa nito. Ngunit hindi nila batid na nakaligtas pa ang mga anak ng mag-asawang Rivera dahil hindi naman na mabilis lumaganap ang balita kung may nakita ba silang bangkay ng magkakapatid. Batid na rin ng lahat na hawak na ng mga Hapon ang buong probinsya.
Ang magkakapatid na Leandro, Laura, Louise, at Leonardo ang nag-asikaso sa libing ng kanilang mga magulang. Tutulungan sana sila nila Gabriel ngunit nais ng magkakapatid na bigyan muna sila ng pribadong pagdadalamhati, sila-sila muna ang magkakaramay sa ganitong panahon na kailangan nilang magbuklod bilang pamilya. Kasama nila si Aviana sa pag-aasikaso ng lahat.
Dahil na rin sa huling habilin ni Don Damian, ang kanilang bangkay ay sinunog upang maging abo (cremation). Kumausap na rin sila ng pari si Louise at Leandro upang manguna sa paglilibingan nila sa simbahan ng Santa Maria. Hangga't hindi pa natatapos ang digmaan ay ipinakiusap din nila na doon muna mamamalagi ang mga abo ni Don Damian at Doña Alejandrina upang kahit papaano ay magkaroon nang maayos na paghihimlayan ang kanilang mga labi bago ito ilipat sa mosoliem ng angkan ng mga Rivera.
BINABASA MO ANG
Endless Love
Historical FictionAfter pursuing her Nursing training abroad, Laura Rivera came back to the Philippines to set foot on her desire to become a nun. During her postulancy, she was appointed to fulfill her fellow nun's bow out duty-a school teacher to Subanen community...