[Kabanata 21]
MATAPOS mapakawalan ang mga dumating na mga nurse at doktor ay sapilitan silang pinapasok sa ospital. Pinagbantaan sila ng mga ito na kung hindi sila susunod ay papatayin ng kanilang hukbo ang mga nasa Banwa Suba.
Ngunit ang pagbabantang ito ay pinigilan ni Admiral Matsuzaki. Ani niya, kung patuloy silang mananakot ay baka mas lalo lamang maghimagsik ang mga ito at hindi sila tulungan sa paggamot ng mga sugatang sundalong Hapon.
Bumungad kay Laura ang mga nurse at doktor na nagtatrabaho na sa loob. Ang iba ay kanya-kanyang punta sa iba't-ibang ward. Karamihan ay mga Pilipino at Amerikanong nurse ang gumagalaw. Kalmado man silang nagtatrabaho ngunit batid ni Laura ang nakabakas na takot sa kanilang mga mukha. Natigilan pa sila nang may dalawang isinugod sa Emergency Room.
"Kumilos na tayo." Rinig nilang wika ni Fidel na agad naglakad papunta sa istasyon upang malaman kung sino-sinong mga pasyente ang kailangan ng agarang pagsusuri mula sa doktor.
At dahil pag-aatas iyon ng isang doktor ay wala silang nagawa kung hindi kumilos at maghiwalay ng landas upang mag-asikaso ng mga sundalo. Maliban kay Laura na kasama ni Marina.
"Nurse Evelyn," pagtawag ni Marina sa isang Amerikanong nurse. Agad naman siyang narinig at nilapitan. May dala-dala itong clipboard na maaring naglalaman ng chart ng isang pasyente.
"Doctor!" Pabulong nitong wika. Tila nagulat pa ang nurse na nakita nilang may mga nadagdag sa kanilang hanay ngayon.
"How's the nursery? The pedia ward?" Nag-aalalang tanong ni Marina. Hindi agad nakasagot ang nurse dahil tila nag-aalangan itong sumagot. Nagkatinganan naman si Laura at Marina dahil nababasa nila ang posibleng sagot dahil sa emosyon ng nurse.
"There were no babies, and children. They banished them all.. Even the mothers."
"But it's good they did that, Doctor. Because if they can't. They might get caught and make them as the Japs' comfort women. We made sure they were safe. We brought them to Brent to still accompany them for interventions. Ten of the student nurses are with them as well."
Tumango-tango naman si Marina, nakahinga sila nang maluwag. Bilang isang doktor na dalubhasa sa panganganak at sa kalusugan ng mga bata, iyon ang prayoridad ni Marina at Laura.
Nagtungo si Laura sa Nurse Station upang tignan ang mga chart ng pasyente. Maya-maya lang ay may lumapit na doktor sa kanya at inatasan siyang lapatan ng lunas ang isnag sundalo. Agad naman niyang tinanggap ang chart. Ngunit natigilan siya sa pangalan ng naroon.
Napatingin siya sa lalaki na tulalang nakatingin sa sugat nito sa mga palad. May sugat din ito sa braso, mukha, at binti.
Inihanda ni Laura ang cart na naglalaman ng mga gamit at gamot na gagamitin niya. Nagdala rin siya ng apron dahil hindi niya suot ang puting uniporme nila. Lahat sila nang dumating dito ay nakapang-sundalong uniporme ng isang nurse.
Nang makarating siya sa pasyente ay inayos muna niya nito ang IV na nakaturok sa sundalo. Inayos niya ang kurtina upang bigyan ng pribadong espasyo ang pasyente. Inayos niya ang posisyon ng sundalo. Nang matapos ay umupo siya sa kama nito at walang imik na sinimulang gamutin ang sugat sa mukha nito.
"Ipinakiusap ko sa doktor na ikaw ang maggamot sa aking sugat," panimula nito. Hindi siya pinansin ni Laura at nagpatuloy lamang sa paggagamot. Lingid sa kaalaman ng sundalo ay gusto rin siyang makausap ng dalaga.
"Patawad kung nagawa naming-"
"Batid kong hindi niyo gagalawin ang Banwa at ang mga doktor at nurse sa ospital na ito dahil ito ay nasa ilalim ng iyong mando." Pagputol ni Laura sa kanya. Ibinaba ni Laura ang hawak na forcep na may bulak na naka-ipit. "Bukod doon, alam kong nakikipag-ugnayan ka kay Heneral Suarez."
BINABASA MO ANG
Endless Love
Historical FictionAfter pursuing her Nursing training abroad, Laura Rivera came back to the Philippines to set foot on her desire to become a nun. During her postulancy, she was appointed to fulfill her fellow nun's bow out duty-a school teacher to Subanen community...