[Kabanata 19]
NAGULAT ang lahat nang palihim na dumating si Don Alonso at ang bunso nitong anak na si Helena sa Banwa Suba. Kahit si Gabriel mismo ay hindi inaasahan ang pagdating ng kanyang ama at kapatid.
Nagsimula namang emosyonal na salubungin ng mga Rivera ang tinuturing nila ring isang pamilya. Mas higit na masaya ang magkakambal na si Leonardo, Laura, at Leandro dahil ito ay ang pinakamamahal nilang ninong. Masaya ang magkakapatid dahil unti-unti nitong nakilala si Don Alonso. Habang ang Don naman ay madamdaming yumakap sa mga anak ng yumaong mga kaibigan.
Matapos bumati ni Laura ay naramdaman niyang kanina pa nakatitig sa kanya si Helena. Naiilang naman siyang ngumiti sa dalaga. Hindi niya rin malaman kung bakit napako ang mata nito sa kanya.
Samantala, tuwang-tuwa naman si Louise at Lauriana pagkakita kay Helena na isa ng ganap na dalagita. Mag lalabing-apat na taon na ito ngunit litaw na litaw na ang angkin nitong kagandahan at pagiging mestiza. Para sa isang nagdadalagita, ang tangkad nito ay hindi naihahalintulad sa karaniwang tangkad ng isang babae. Habang lumalaki ay tila nagiging babaeng bersyon ito ni Gabriel.
Dumating ang Timuay Libon habang akay-akay ito ni Aviana. Nagbigay galang naman si Aviana bilang pagbibigay ng galang sa Don. Nagmano si Don Alonso sa Timuay Libon bilang pagbibigay galang sa pinuno ng mga Subanon.
Hinawakan ng Timuay ang pisngi ng Don gamit ang malamig at nangungulubot nitong kamay. "Ang gapu ng dakilang Balyan ng aming tribo. Kay tagal mong hindi nadaong-palad sa Banwang ito."
Bahagya namang napangiti ang Don at kinuha ang kamay ng Timuay Libon ay hinalikan ito sa likod ng palad at sa pisngi, tulad ng isang uri ng nakaugaliang pagbati sa Europa. "Nakakasigurado ho akong nagagalak si Loisa sa aking pagbabalik. Kasama ko ngayon ang aking dalagita na unang beses na makabisita rito sa tahanan ng kanyang hermano." Tumungo ang tingin nito kay Helena na ngayon ay nakakapit sa braso ni Lauriana.
Agad namang humakbang si Helena at humailk sa pisngi bilang pagbati. Nagigiliw naman ang matanda dahil sa pagbibigay galang nito sa kanya.
Si Don Alonso na lamang ang gumabay sa Timuay Libon kasama si Helena at Aviana. Sumama na rin sa kanila si Anita. Tumango si Aviana bilang pagsenyas kanila Gabriel.
Wala namang naging imik naman sila Helga, Sebastian, at Fidel. Nang makasakay sila sa kalesa patungo sa tahanan ng Timuay ay nagsimula itong umandar palayo. Tahimik lamang silang lahat.
"Bumalik na tayo sa trabaho." Utos ni Gabriel. Nagkatinginan pa sila sa isa't-isa. Batid nila na may tensyon sa mag-ama kung kaya't iba ang atmospera na bumabalot sa kanila. Kung hindi dumating ang Timuay Libon ay baka ano pang mangyaring hindi maganda.
Buwag silang naglakad pabalik sa kampo. Nahuli si Gabriel at Laura sa kanila. Nakita ni Laura na hindi pa naglalakad si Gabriel at nasa tabi pa rin niya ito.
Huminga nang malalim si Laura saka pinagdaop ang kanyang palad sa kamay ng binata. Marahan niyang inalo si Gabriel gamit ang kanyang hinlalaki. Tumingin siya kay Gabriel ngunit nakatitig na ito sa kanya. Hindi niya alam kung kakatingin lamang nito sa kanya o kanina pa.
Binigyan niya ito ng makabagbag-damdaming ngiti bago bitawan ang kamay ni Gabriel at nauna nang umalis. Hindi niya alam kung tungkol saan ang hindi pagkakaunawaan ng mag-ama, ngunit kahit anong mangyari ay ipaparamdam niya kay Gabriel na tulad nito, ay hindi niya ito iiwan lalo na sa mga oras ng kadiliman.
ALA-SINGKO na ng hapon nang umuwi si Gabriel sa kanyang tahanan. Siya ay abala sa pag-abot ng mensahe sa dating Gobernador ng Zamboanga dahil nabalitaan niyang dinakip ito ng mga Hapon. Ngayon ay sakop na rin ng mga Hapones ang Bahay Pamahalaan (City Hall) ng kanilang lungsod.
BINABASA MO ANG
Endless Love
Historical FictionAfter pursuing her Nursing training abroad, Laura Rivera came back to the Philippines to set foot on her desire to become a nun. During her postulancy, she was appointed to fulfill her fellow nun's bow out duty-a school teacher to Subanen community...