MAUSISANG pinagmamasdan ni Doña Alejandrina ang litrato ng kanyang anak at ang kababata nitong si Celeste. Nahihigit ang kanyang dibdib sa nalaman nilang nawawala ito at namatay ang buong pamilya nito sa Cabanatuan. Sinasabing mabilis itong lumisan sa isang banwa kung saan ito nagtuturo.
Naghihinala siya dahil hindi binanggit ang pagkamatay ni Celeste at ang pamilya nito, kasama ang iilang mga katutubong namatay sa pamanang lupain.
Sila ng kanyang asawa na si Don Damian ang nagpaaral at nagsuporta kay Celeste simula nang aksidente nitong nakilala ang kanyang mga anak, na si Louise at Laura na noon ay tinakasan pa sila sa ginaganap na piging sa tahanan ng kanilang kaibigan na si Don Alonso. Sila rin ang tumutulong sa pamilya ni Celeste na siyang dating mga tauhan sa mansyon ng mga Suarez.
Sariwa pa sa kanyang alaala ang unang beses na nakita rin nila ito. Nang makita niya ang batang si Celeste ay may napansin na siya agad sa bata. Kahit pa na sa lumang kasuotan nitong baro't saya, mababakas naman sa mukha nito ang kagandahan at dugong mestiza, na siyang taliwas sa isang anak ng katutubo na galing sa probinsya.
Hindi rin niya nais manghusga ngunit iba rin ang katangian ng wangis ng mukha nito sa isang purong Pilipino. Pamilyar din ang mukhang iyon kay Doña Alejandrina, hindi lamang niya maipaliwanag ngunit isa lamang ang nasa isip niya ngayon.
Ang tinutukoy niyang pamilyar na hitsura ay ang kanyang Tiyo na si Haring Carlos II. Naging Tiyo niya ito dahil ang kanyang ina at si Haring Carlos II ay kambal, ang kanilang ina ay si Prinsesa Adelina. Ang napangasawa ni Prinsesa Adelina ay si Duke Leonel, na siyang Duke ng Cataluña. Nagkaanak sila ng dalawang babae, si Señora Catalina at Señora Alejandrina. Si Catalina at Alejandrina ay may isang taong pagitan lamang. Minsan naman ang dalawang magkapatid ay tinuturing na Prinsesa ng Espanya dahil sila ay apo at pamangkin ng dalawang Hari.
Kahit pa na dumadaloy ang dugong-bughaw sa kanya, dahil na rin sila ay galing sa pinagpasa-pasahang mga lahi ng mga Hari at Reyna noon pang panahon ng Renacimiento. Hindi pa rin sila nakakaligtas sa maiinit na mga mata ng tao. Lalo pa't maraming nabuong mga haka-haka at usapin sa mga taong nakapalibot sa kanila.
Ibinalik niya ang litrato sa photo album at tumungo sa kinauupuan ng telepono. Pagkatapos ikutin ang mga buton sa telepono, narinig niya agad ang agarang pagsagot mula sa kabilang linya.
"Ninang? Napatawag mo kayo?"
Huminga muna nang malalim ang ginang saka pinagmasdan ang photo album na nilapag niya kanina.
"Hindi ba't may inaanalisang eksperimento at pananalisik si Fidel tungkol sa paglaman kung sino ang nawawalang kadugo ng isang tao?"
"Opo, ninang. Bakit po?"
"Nasa Maynila ba si Fidel? Ang alam ko ay nakikipag-ugnayan siya sa mga doktor at mga imbestigador sa mga kasalukuyang kaso ng mga krimeng pagpatay sa loob ng bansa. May nais sana akong ipasubok."
Bahagyang kumuyom ang kanyang kamay bago ituloy ang sasabihin. "Nahanap na ba ang bangkay ni Celeste?"
Hindi agad nakasagot si Gabriel sa kabilang linya ngunit batid niyang naghihintay din ng sagot ang ginang dahil mukhang may kailangan itong malaman. Nakapikit lamang ang mata ng Doña at hinihiling na sana ay mapagbigyan siya lalo pa't malakas ang intuwisyon niya sa kanyang sapantaha.
"Ano pong kailangan ninyo? Isasangguni ko po ito kay Fidel ngunit nasa Davao siya ngayon."
"May kailangan akong malaman tungkol sa pagkatao ni Celeste."
BINUKSAN ni Don Alonso ang kanyang mga matang nakapikit. Bumyahe pa siya ng Santa Maria upang kamustahin ang kanyang kaibigan na si Don Damian at pati na rin ang asawa nito. Kung may pagkakataon ay sana nandiyaan din ang isa sa kanyang mga inaanak. Halos dalawang taon na rin ang huli niyang bisita.
BINABASA MO ANG
Endless Love
Historical FictionAfter pursuing her Nursing training abroad, Laura Rivera came back to the Philippines to set foot on her desire to become a nun. During her postulancy, she was appointed to fulfill her fellow nun's bow out duty-a school teacher to Subanen community...