Kabanata 24

85 2 0
                                    

[Kabanata 24]

BUONG lakas na nagpupumiglas si Cirila nang dakpin siya habang nagtatapon ng basura sa likod na bahagi ng ospital. Nagkalat ang laman ng basura. Hindi na siya nakasigaw pa nang may panyong may pampatulog na itinakip sa kanyang ilong. Walang nakapansin kay Cirila dahil wala namang tao nang mga oras na iyon.

Nakarating sila sa isang abandonadong mansyon na malapit lang sa ospital. Nagising si Cirila nang buhusan siya ng malamig na tubig. Nakahiga siya ngayon, ililibot na sana niya ang kanyang paningin nang may marinig siyang pagkalas ng sinturon.

Tuluyan nang nagising ang kanyang diwa ay sumigaw ng tulong ngunit isang malakas na suntok ang natanggap niya sa kanyang mukha at tiyan. Alam na niya ang mangyayari. Naalala niya na lagi siyang balisa dahil noong nilusob ang base na pinagtutuluyan nila ay natunghayan niya mismo kung paano gahasain ng isang Hapones ang kasamahan niyang nurse.

Siya'y nanlaban muli kaya nakatikim ulit siya ng suntok. Nagmamakaawang huwag dumihan ang kanyang pinakaiingat-ingatang puri. Kaya niyang tanggapin ang mga pananakit nito at mga salitang nagpapababa sa kanyang dangal bilang babae. Ngunit ang yurakin ang kanyang puri na siyang nilalaan para sa kanyang magiging asawa ay isang hindi katanggap-tanggap na parusa para sa katulad niyang inosente at walang laban.

"P-pakiusap! Huwag... h-huwag!" Pagsusumamo niya ngunit parang bingi ang sundalong Hapon na nasa harap niya ngayon na wala ng saplot pang-taas. Sisigaw sana siyang muli ng may isang lalaki sa may pinto ang nagsalita.

"Huwag ka nang manlaban kung hindi mo nais na mapaslang ang iyong tiyo." Nanlaki ang mata ni Cirila.

Magsasalita na sana siya nang wala ano-anong hinubad ang kanyang uniporme. Nanghihina na rin ang kanyang katawan kung kaya't hindi na siya nakapanlaban pa. Wala siyang nagawa kung hindi umiyak sa sakit na nararamdaman niya. Higit sa lahat, ang katotohanang nakuha na ang lahat sa kanya.


MATAPOS ang kasal sa simbahan ay tuwang-tuwa ang mga Subanen na sa wakas ay kasal na ang kanilang Heneral sa babaeng buong akala nila ay ilalaan ang kanyang buhay bilang mongha sa simbahan.

Bilang si Gabriel ay salinlahi ng Banwa Suba, nagsagawa ng pagbabasbas ang Babaylan at Timuay sa kanya at kay Laura. Ito rin ay upang dakilain ang ina ni Gabriel na si Loisa, na siyang dating Babaylan ng kanilang tribo.

Maliit na pagdiriwang lamang ang kanilang nagawa dahil sa limitadong kagamitan, rekados, at halos lahat. Sinabi na lamang ng Timuay na kapag natapos ang okupasyon ng mga Hapon ay doon na lamang sila magsasagawa ng mas pormal na kasal sa tradisyunal na pamamaraan ng mag Subanen. Hindi naman kaso iyon kay Laura at Gabriel dahil ang importante sa kanila ay naikasal na sila.

Muling nagkasama-sama ang magkakapatid na Rivera at Manang Teodora. Hindi na makasama si Anita sa mga pagpaplano at pagpupulong dahil ayon kay Fidel ay lumalala na ang kondisyon nito. Matanda na si Manang Teodora kung kaya't normal na manghina na ito. Si Anita ang nag-aalaga sa kanya dahil may mga kanya-kanyang gawain din ang magkakapatid. Paminsan-minsan ay dinadalaw naman siya ng mga ito kahit hindi sila kumpleto na magsabay-sabay sa pagdalaw sa matanda.

Natutuwa naman si Manang Teodora dahil parang mga anak na rin niya ang magkakapatid. Kay tagal din niyang inasam na maalala na ni Laura ang sinisinta nito. Lalo pa't saksi siya sa pagiging lugmok ni Gabriel noong namatay ang kanilang kambal. Nadudurog ang kanyang damdamin para sa dalawa, ganoon din ang kanyang pagkahabag kay Doña Alejandrina dahil lagi rin nitong iniiyakan ang mga yumaong apo.

Samantala, kinasal na noon si Aviana kay Ernest bago siya tumapak ng Pilipinas. Hindi niya lang ito maamin agad lalo pa't nasa gitna sila ng suliranin. Bago siya umalis ay ipinagtapat ng binata ang paghanga nito sa kanya na hindi niya inaasahan ganoong alam ng Prinsipe kung anong klaseng delubyo ang pamilyang pinagmulan niya. Hindi niya pinagdudahan ang pag-ibig ng binata sa kanya, sa hindi malamang dahilan ay hinayaan niyang buksan ang kanyang puso kay Ernest. Kanyang nararamdaman na hindi magiging mahirap sa kanyang mahalin ito.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon