ABALA ang lahat sa kanya-kanyang mga gawain ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng Buklog. Ang nasabing pagdiriwang ay maaaring gaganapin sa loob ng ilang araw, linggo, o kahit buwan. Ngunit sa pagkakataong ito, ito'y gaganapin lamang sa loob ng limang araw.
Sila ay maggagawad ng pasasalamat dahil sila ay nakaahon sa bagyo. Nailigtas sa kapahamakan si Ursula. Nanumbalik ang sigla ng banwa. At nagkaroon muli ng magagandang ani sa mga pananim.
Kaisa sa paghahanda si Laura. Siya ang nanguna sa mga palamuti, katulong si Helga at ng dalawa pang kababaihan na isa ring Subanen. Pagkatapos niyon ay tumulong din ang dalaga sa pagluluto ng ilang putahe. Tumigil sa paghahalo ng gulay si Laura nang lumapit sa kanya si Helga. Marumi na ang pantalon at blusa nito dahil tumulong pa siya sa pag me-mekaniko ng sasakyan.
"Ako na muna rito, Laura. Kailangan ni Cirila ng katuwang sa paglalagay pa ng mga prutas at paghahanda ng ibang putahe sa lamesa." Pakiusap ni Helga.
"Cirila?"
"Oo, nars din siya mula sa ospital kung saan kami distino lagi ni kuya Fidel. Makikilala mo siya. Oh siya, magbibihis at maglilinis muna ako. Pagbalik ko ay saka ka na magtungo sa bahay ng Timuay Libon." Ngiti nito kay Laura.
Tumango lang si Laura at tinapos ang pagluluto sa isang putahe. Hindi niya iyon maaaring iwanan dahil sa pugon siya nagluluto. Si Helga na ang magluluto ng isa pang putahe kaya madali rin niyang inayos ang mga kagamitan at sangkap upang magluluto na lang si Helga.
Nang makabalik agad si Helga ay iniwan na niya ang kusina. Tunay ngang kailangan ni Cirila ng tulong mula sa paglalagay pa ng ibang ihahain sa lamesa. Masyadong abala ang lahat kaya ang dalaga lang ang umako sa gawaing iyon.
Pagkadating ay binati siya ng mga tao roon. Nandoon din ang Timuay nakaantabay sa mangkok na naglalaman ng dugo na dala-dala ng ama ni Paciano at Priscilla. Kasama niyon ang manok at kinuhang itlog, ang dugo ay galing sa kinatay na manok.
"Paka-ingatan ang mga iyan, 'yan ang ating gagamitin para sa Daga." Wika ni Timuay Alunsina.
Napalingon na lamang ito ng dumating si Laura at nagmano sa kaniya. "Tutulungan ko ho si Cirila.. 'yung nars din daw po sabi ni Helga. Nandito po ba siya?"
Tumango ang matanda, "Oo, hija. Sa katunayan, iyan siya. Iyang babaeng nadaanan mo." Lumingon si Laura sa likod nila at naroon ang babae na maingat na naglalagay ng ulam sa lamesa. Iyon ang lamesa kung saan sila lagi kumakain kapag dumadayo siya sa tahanan ng Timuay.
"Ikaw ba si Sor Laura Rivera?" Bati agad ng dalaga kay Laura. Lumapit naman si Laura upang makipagkamay dito. "Oo, Cirila?"
Ngumiti si Cirila, "Oo, Cirila Fuentes. Ako ay pamangkin ni Kolonel Fuentes."
"Nabanggit ka na ni Doktor Fidel at ng kaniyang pinsang si Helga sa akin. Nabalitaan ko ang pagpapalit ng guro rito matapos kong malaman ang tungkol kay Sor Celeste."
Malungkot naman na ngumiti si Laura, "Wala rin akong balita tungkol sa kapatid kong madre. Nawa ay ginagabayan siya ng Panginoon kung nasaan man siya ngayon."
Tumango ng tatlong beses si Cirila at ngumiti rin upang hindi bumigat ang kanilang mga nararamdaman. "Huwag kang mag-alala.. dahil hindi ko hahayaang malumbay ka. Sasamahan na lang kita minsan sa simbahan upang ipagdasal si Sor Celeste. Dahil ako rin ay nangungulila sa kanya. Wala rin akong ibang hinahangad kung hindi ang kanyang kaligtasan."
Hindi akalain ni Laura na may makakaintindi sa kanyang nararamdaman. Masaya siya na magkaroon ng bagong kaibigan na magbibigay ng kaginhawaan at tuwa sa kanya. Nakakatuwang isipin na hindi siya nag-iisa. "Ngayon ang unang araw ng Buklog, maraming ipinagpapasalamat ang buong tribo dahil sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanila ng mga Diyos at Diyosa."
BINABASA MO ANG
Endless Love
Historical FictionAfter pursuing her Nursing training abroad, Laura Rivera came back to the Philippines to set foot on her desire to become a nun. During her postulancy, she was appointed to fulfill her fellow nun's bow out duty-a school teacher to Subanen community...