[Kabanata 2]
SINURI ni Helga kung maayos at malinis na ba ang lahat sa tahanan ng kanyang pinsan. Maliit lamang ang bahay ni Fidel sa Zamboanga at gawa ito sa bato na malapit lamang sa Banwa Suba. Dito nakikituloy si Helga dahil magkasama lang din naman sila ni Fidel sa trabaho sa nayon at ospital sa bayan.
Puting blusa na nakasuksok sa maluwag na pantalon na abot sa bewang hanggang sa talampakan ang haba (flannel slacks) at espadrilles na sapatos ang kanyang suot. Marunong siyang magmaneho ng kotse kung kaya't siya na ang magsusundo sa pinsan sa pantalan. Tamang-tama lang din sa oras dahil gabi pa ang pasok niya sa ospital.
"Helga!" Dali-daling tumakbo si Fidel sa pinsan saka yumakap at nagpalitan ng beso. Maya-maya lang luminga-linga siya sa paligid, umaasang makitang kasama na ng pinsan pabalik si Gabriel.
"Susunod siya." Natauhan si Helga sa sinabi ng pinsan. Ikinapit na lang ni Fidel ang kamay ni Helga sa braso niya habang naglalakad sila papuntang sasakyan. "Ano pang ginagawa niya-" Natigilan siya sa pagsagot kay Fidel nang maalala niyang may kailangan itong puntahan sa Bulacan.
"May pag-uusapan tayo tungkol sa pagdating niya rito." Saad ni Fidel kaya nanlaki bigla ang mata ni Helga dahil sa pagkalito. Hindi niya mapagtanto kung paano at kung anong ibig sabihin ng kanyang pinsan. Ngunit ano pa man iyon, batid niyang importante iyon.
HINDI magkamayaw ang mga kasambahay, serbidora, at trabahador ng Hacienda Rivera. Ang lahat ay abala sa paghahanda dahil sa pagbabalik ng isa sa pinakamahalagang miyembro ng pamilya. Maiging nilinis ang bawat sulok at nilampaso ang sahig. Ang mansyon ay sumailalim na sa pagsasaayos o renovation kaya may iilan nang nabago sa interiyor nito.
Ang mamahaling aranyas na nakasabit sa kisame na gawa sa kristal ay napaglipasan na ng ilang dekada, kaya naman maingat na nililinisan ito ng kasambahay na nakatuntong pa sa dobleng hagdang gawa sa bakal. Ang sahig ay yari na sa tiles, kayumanggi ang kulay niyon at checkboard ang disenyo. Habang ang mga pader ay nananatili pa ring gawa sa bato dahil mas matibay ito kaysa semento.
Gamit ang panglinis ng alikabok, nilinis din ang bawat malaking litrato na nakasabit sa dingding sa salas. Iyon ang pagkakasunod-sunod ng litrato ng limang magkakapatid na Rivera na sina Louise, Lauriana, Leonardo, Laura, at Leandro nang sila ay makapagtapos ng kolehiyo. Nasa baba niyon ang lamesang kahoy naman ang iba pang litrato ni Don Damian at Doña Alejandrina pati na rin ang litrato nilang buong pamilya.
Kinuha ni Doña Alejandrina ang isang sisidlan na naglalaman ng kulay kremang kurtina na siya mismo ang nagtahi at nagburda. "Anita, ito. Isabit niyo na rin ang mga kurtina." Utos niya sa isa sa kasambahay na kakatapos lamang magwalis. Agad naman nitong sinunod ang utos ng Doña.
Si Doña Alejandrina Rivera, o mas kilala bilang Condesa Maria Alejandrina Abrantes noong kabataan nito ay ang maybahay ng Hacienda Rivera. Nasa edad animnapu't-tatlo ngunit hindi mababakas sa kanya ang katandaan. Maganda, mestiza, matangkad, at posturang tindig. Siya ay isang Insurales noong panahon ng Kastila sa Pilipinas. Ipinanganak at lumaki sa Pilipinas ang Doña ngunit bumalik din ito sa Espanya para pangatawanan ang tungkulin bilang tagapagmana ng Nobleza ng kanyang ama.
"Ingatan ninyo ang mga pasong iyan." Istriktong wika naman ni Manang Teodora, ang mayor doma ng mansyon. Ang mga paso ay gawa sa porselana at may sariwang tulips at mirasol na kakapitas lamang mula sa hardin. Kasama ang mayor doma sa pagbabantay at pagtulong sa mga kasambahay.
Nakakaramdam na ng pagod si Doña Alejandrina, kaya naisipan nitong umupo muna sa sopang cabriole. "Manang, pakitignan po ang mga putaheng niluluto. Susunod po ako." Pakiusap niya sa matanda. Ramdam niya ang pagkahilo kaya napahawak na lang siya sa kaniyang noo.
BINABASA MO ANG
Endless Love
Historical FictionAfter pursuing her Nursing training abroad, Laura Rivera came back to the Philippines to set foot on her desire to become a nun. During her postulancy, she was appointed to fulfill her fellow nun's bow out duty-a school teacher to Subanen community...