Kabanata 23

56 4 0
                                    

[Kabanata 23]

Tinawagan si Laura ng Punong Madre patungkol sa pagpapalit ng guro sa Banwa Suba na naiwan ni Celeste. Sa linggo na ang balik niya sa kumbento. Ipinaliwanag sa kanya ng Punong Madre ang mga unang hamon sa kanya ng pagmamadre. Sa pamamagitan ng paninirahan sa totoong mundo para sa mga karanasan na dapat maranasan at makita ang kahalagahan ng ano mang mangyayari o kahihinatnan ng mga bagay na kontrolado man o hindi ng isang tao.

Papasok na sana siya sa opisina ng kanyang ama nang may marinig siyang nag-uusap sa loob. Marahil ay may panauhin silang muli na hindi niya lang nakita na pinaunlakan papasok sa kanilang mansyon. Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit sa hindi malamang dahilan ay nais niyang pakinggan ang usapin mula sa loob.

"Malaki pa rin ang tiwala ko sa iyo, kahit naglihim kayo sa amin. Anak na rin ang turing ko sa iyo. Kung kaya't sana'y hindi mo ako biguin ngayon."

Nanlaki ang mata ni Laura. Hindi niya batid kung sino ang tinutukoy ng kanyang ama sa kanilang magkakapatid. Nakasara ang pinto kung kaya't hindi rin niya makilala kung sino ang kausap ni Don Damian.

"Ito na lang din ang nakikita kong paraan upang hindi biglaain si Laura sa pag-alaala niya sa iyo. Para mapalapit ka sa kanya muli. Nawa ay hindi ka magsawang maghintay kay Laura. Dahil wala naman akong ibang hinahangad kung hindi ang kasiyahan niya, ninyong dalawa."

Mas lalo siyang naguluhan sa sunod na sinabi ni Don Damian dahil malinaw niyang narinig na ang pangalan niya ang binanggit nito.

"Sinabi ng doktor na himalang naalala niya ang lahat na nasa paligid niya... maliban sa iyo."

Naramdaman ni Laura ang panghihina ng kanyang tuhod. Hindi niya maintindihan. Naguguluhan siya. Pinipilit niyang alalahanin ang nangyari pa sa kanyang buhay. Kung may nakalimutan ba siya? Kung may tinatago ba ang kanyang pamilya sa kanya at hindi nila ipinagtapat na may dapat pa siyang malaman?

Na ni kahit sa panaginip ay hindi niya masilayan ang alaalang nabaon na sa limot.


HINDI na nakagalaw pa si Laura nang magbalik lahat ng alaala na nagpakita muli sa kanyang isipan. Ngayon ay naiintindihan na niya lahat. Na ang mga panaginip na akala niya ay isa lamang panaginip ay totoo palang nangyari. Ang lahat ng nangyari at pinagdaanan nila ni Gabriel ay totoo.

Nakapikit ang kanyang mga mata nang maghiwalay ang labi nila ni Gabriel. Nang dumilat siya ay bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay pahawak sa mukha nito. Hinawakan naman ni Gabriel ang kanyang kamay na nasa pisngi ng binata. Nagsimula siyang lumuha kaya naman marahan siyang niyakap ni Gabriel.

"H-hindi ko batid... p-paano ko nagawang k-kalimutan..." Hindi na alam ni Laura kung paano bubuoin ang kanyang mga salita. Bumalik lahat ng kanyang alaala, ganoon na rin ang sakit, pagsisisi, at panghihinayang sa mga taong nasayang. Sa mga taong naghihintay si Gabriel. At sa mga pagkakataon na nasasaktan na pala niya ito nang hindi niya nalalaman.

Marahang hinaplos ni Gabriel ang buhok ni Laura. "Tumahan ka na, mahal ko. Hindi mo sinasadya. Wala kang kasalanan." Humiwalay siya sa pagkakayakap nila ni Laura. Pinunasan niya ang mga luha nito. "Ang mahalaga ay naalala mo na ako. Ngunit, huwag mong pilitin masyado ang iyong sarili na alalahanin lahat."

Hindi sumagot si Laura, tanging pagluha lamang muli ang nagawa niya. Yumakap siya muli kay Gabriel upang damhin ang pangungulila sa mga panahon ng pagdurusa.


"ALAM mo bang ipinagdadasal ko na sana ay dumalaw ang dalawang anghel natin sa iyong panaginip?"

Nakababa na sila ng ferris wheel. Nakaupo na lamang sila ngayon sa bench na nangangalawang na ang hawakan. Nakaharap ang bench sa ferris wheel na sinakyan nila.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon