Paris, 1940
HINDI na magkamayaw ang mga nurse at doktor ng Pitié-Salpêtrière Hospital sa sunod-sunod na pagpasok ng mga pasyente. Sunod-sunod na ipinasok ang mga sundalo na karamihan ay nababalot na ng dugo. Marami ring mga sibilyan, lalo na ang mga bata na siyang patuloy na inaalalayang ihiga sa kama.
Hunyo na. Patuloy pa rin ang pagpapasabog ng mga Nazi sa lupain ng Pransya. Halos isang buwan na ang nakakalipas. Patuloy ring humihina ang hukbo ng bansa dahil sa napakalakas na pwersang taktika na siyang ginamit din ng Diktador na si Adolf Hitler nang salakayin nila ang Warsaw sa Poland noong nakaraang taon. Nang dahil dito, Ang Britanya at Pransya ay nagdeklara ng digmaan laban sa Alemanya noong Setyembre 1939 bilang tugon sa pagsasalakay na ito.
Napahinga na lang nang malalim si Laura. Marami na ang namatay sa digmaan. Marami na ring mga kabahayan, gusali, at iilang bahagi mga kastilyo at palasyo ang nasira at nawasak dahil sa mga pagpapasabog at pagtama ng mga bala ng baril. Umiiral na rin ang taggutom dahil sa kakulangan sa mga suplay ng pagkain. Hindi pa nga tuluyang nakakabangon ang Pransya sa matinding krisis sa ekonomiya na siyang dahilan ng implasyon at pag-usbong ng Great Depression sa Pransya noong 1930s, dadaan na naman sa panibagong pagsubok ang bansa.
Napatingin na lamang siya sa kanyang asul na uniporme na siyang hanggang taas ng kanyang ankle, puting apron, at puting nursing cap na nababalot na ngayon ng dugo. Nang mapalingon siya ay naroon ang mga pasyenteng nagamot na at mga gagamutin pa lang.
Bakas kay Laura ang pagod at puyat. Pakiramdam niya ay nabawasan siya ng timbang. Sa halos isang buwang gyera ay wala na silang maayos na tulog o pahinga man lang. Kung meron man, halos isa hanggang dalawang oras lang. Idadagdag mo pa ang kanilang pangamba na baka sa paggising nila ay tuluyan nang sakupin ng mga Aleman ang Pransya.
Hindi na rin siya makatawag sa kanyang pamilya o kahit man lang makapagpadala ng sulat sa Pilipinas dahil sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng Alemanya at Pransya. Naputol ang linya ng mga koneksyon at mahigpit din ang pamahalaan pagdating sa mga ipinapadala sa koreo.
Nanunuot ang pangamba at takot sa kanyang buong sistema dahil matapos lamang ang halos dalawang dekada nang matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, malaking posibilidad na ito na ang simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bukod doon, nitong nakaraang araw lamang ay ginawa ng "open city" ang Paris. Para tuluyan nang makapasok ang mga Aleman sa loob ng siyudad nang walang nangyayaring digmaan at gulo.
Hinahatak pabalik ni Laura ang plunger ng hiringgilyang (syringe) nakatusok sa vial ng gamot na ihahalo niya sa IV fluid ng pasyenteng nakatalaga sa kanya. Nang maiturok ang gamot sa IV fluid ay natigilan siya nang lapitan siya ni Eleanor, isa sa mga kasamahan niyang nurse.
"Laura, le Maréchal Pétain ont quelque chose à annoncer. Tout le monde dit que c'est important. Allez." (Laura, Marshal Pétain have something to announce. Everyone says it is important. Come on.) Sabi nito at naunang naglakad.
Tumango si Laura, "Je suivrai." (I'll follow) Agad na tinanggal ni Laura ang kanyang gloves at sumunod sa kumpulan ng mga nurse na taimtim na nakikinig sa radyo.
"Des hommes et des femmes français. Nous sommes aujourd'hui le 17 juin 1940. Moi, le Maréchal Philippe Pétain, Chef de l'Etat français, j'ai déclaré me rendre à l'Allemagne nazie, sous la direction du Führer et du Reichskanzler Adolf Hitler. C'est parce que j'ai demandé à nos ennemis de cesser toutes les hostilités. Un armistice à signer qui cherche la paix. J'ai pris cette décision, dont je savais qu'elle était douloureuse pour le cœur de tous nos soldats. Parce que la situation militaire l'exige. Néanmoins, Je souhaite un État français prospère et suis témoin de l'effort de notre patrie." (French men and women. Today is the 17th of June 1940. I, Marshal Philippe Petain, Chief Head of the French State, declared to surrender to the Nazi Germany, under of der Führer und Reichskanzler Adolf Hitler. This is because I have asked our enemies to cease all hostilities. An armistice to sign that seeks for peace. I have made this decision, that I knew, is a painful one to every heart of our soldiers. Because the military situation demands for it. Nevertheless, I wish for a prosperous French State and witness the endeavour of our homeland.)
BINABASA MO ANG
Endless Love
Historical FictionAfter pursuing her Nursing training abroad, Laura Rivera came back to the Philippines to set foot on her desire to become a nun. During her postulancy, she was appointed to fulfill her fellow nun's bow out duty-a school teacher to Subanen community...