Chapter 16: The Beginning

1.2K 35 0
                                    

Xia's Pov.....

Pagkatapos kung maligo ay bumaba na agad ako kusina para kumain. 6 am pa naman at 8am ang pasok namin. Pagdating ko sa kusina ay nandun na si tita kumakain.

"nandyan kana pala xia. Halika na kain na at susunduin tayo ng tita Rea mo. Papasok na rin siya agad. Tigas nga ng ulo ehh kagaling galing nga lang sa london tapos pag dating duty agad psh" daldal niya habang ako ito kumakain lang.

Beep beep

"oh nandyan na pala siya puntahan ko lang tapos narin ako kumain hintayin ka lang namin sa sala, okay?" paalala niya tapos takbo tsk. Close na talaga yan sila simula daw Pagdating ko, tinanong ko nga kung bakit ako napunta sa kanya tapos sasagot lang ng "malalaman mo rin sa tamang panahon" tsk marami na silang naadik sa kalyeserye, tsk.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang mga pinggan at kubyertos bago lumabas ng kusina. Naabutan ko silang seryoso na nag-uusap.

"what you're guys talking!?" tanong ko sabay kuha ng bag ko sa couch.

"ahh wala xia nagkumustahan lang haha.. Hello dear kumusta na ha!?" sagot ni tita rea sabay kumusta at yakap sakin kaya yinakap ko rin siya.

"I'm okay. So let's go?" sagot ko at umuna na sa paglabas. Baka hindi pa ako makapasok sa daldalan nilang dalawa tsk.

_____________________________________

Rea's Pov............

Sinabihan na ako ni lenny tungkol sa lahat lahat kaya excited na akong malaman niya ang katotohanan pero may halong kaba baka kasi magalit siya samin at patay talaga psh..

"wag kang mag alala rea, tiwala lang tayo" paalala ni lenny sakin. Psh.nandito kami ngayun sa loob ng kotse ko at si xia ayun sa motor niya nakasakay kasi feel niya lan daw.

Ilang minuto lang ay dumating na kami sa paaralan. Isa akong laboratory teacher dito habang si lenny naman ay ang head. Kami ang may ari ng school nato. Naipundar namin nung nag negosyo kami ng ginto. Oo ginto kasi yung tanging dala namin sa pag alis sa palasyo.

"una na ako rea. Mamaya nalang tayo mag usap. At punta tayo mamaya sa mall lunes naman ngayun wala masyadong ta haha. Bye" paalam ni len sabay paalala. Bond na talaga namin pag lunes kaming tatlo ang mag mall, kasi wala masyadong tao hehe. Nasa harap na ako ng laboratory kaya pumasok na ako.

____________________________________

Xia's Pov.....

Nasa harap na ako ng eskwelahan at ayun sila tita iniwan ko na ang babagal eh. Pinark ko agad ang motor ko tapos ini-scan ng guard bag ko, pinakita ko id ko saka ako naka pasok. Tumango ang guard kaya tumango rin ko. Pagpasok ko nakita ko ang maraming estudyante na kanya kanyang grupo, ako lang siguro ang wlang grupo dito.

"nandyan na siya guys"

"hi miss X, ganda mo talaga

" always kaya noh, kaya insecure si Bitch hannah hahaha

"kahit anong titig niyo pre hindi yan magkakagusto sa inyo

" ehh kanino naman!?

"malamang sakin, sa gwapo kong to

" pre mama mo lang ata nagsabi na gwapo ka hahaha

Tsk mga baliw. Nagpatuloy lang ako sa pag lakad papunta sa room namin tsk. Grade 12 na ako ngayung year at ngayun ay first day of school. Kaya siguro nag chi-chismisan muna ang lahat bago pumasok.

WINTEROUS KINGDOM : The Long Lost Powerful Goddess (COMPLETED)Where stories live. Discover now