📍📍📍
This story is a work of fiction.
Names, characters, places, and events are made by yours truly.
Any resemblance to real persons, living or deads, and actual events is purely coincidence.All rights reserved.
Plagiarism is a crime.Please support and vote my story.
Love lotsssss❤️📍📍📍
17 years ago.....
Naghahanda ang lahat sa nalalapit na kaanakan ng kanilang reyna na si Queen Catherine Adams. Hanggang sa....
"argh mahal kong hari" dumadaing na sigaw ng reyna sa kanyang asawang hari na si King Javier Ashanti Adams.
"bakit mahal? Na pano kana? Saan ang masakit? Anong kailangan mo? Sumagot ka" tarantang sagot ng hari sa kanyang asawa na namimilipit na sa sakit kaya nabatukan siya nito.
"masakit ang tiyan ko mahal ahh manganganak na ako ahh" daing ulit ng reyna sa kanyang asawa.
Hindi na sumagot ang hari at natatarantang tumakbo sa mga kawal na nasa labas ng kanilang kwarto sa palasyo.
"mga kawal, tawagin ang pinuno ng mga babaylan at pakisabing manganganak na ang inyong reyna" maotoridad na utos ng hari sa isa kawal.. "at kayong mga dama, ihanda ang mga dapat gagamitin at bantayan ang labas ng pintuan" tawag niya sa mga dama(maid) na nasa labas at yumuko ito bilang pag sunod sa utos.
Habang ang kawal na inutusan ng hari ay dali daling pumunta sa silid kung saan pinatuloy muna ang babaylan na mag papaanak sa reyna.
"manang Rosa paumanhin sa irturbo sapagkat pina patawag kayo ng hari kasi manganganak na ang mahal na reyna" tawag niya sa pinuno ng mga babaylan at agad agad na pumunta sa silid ng reyna.
Pagdating sa silid ay handa na ang lahat ng kagamitan at ang hari nalang mag isa kasama ang reyna na nag nahihirapang huminga.
"Umiri ka mahal na reyna pag sinabi ko" tumango nalang ang reyna kasi hirap na siyang magsalita. "eri mahal na reyna, eri." sabi ng babaylan.
"Hmmm" eri ng reyna habang hawak hawak ang kamay ng hari na nasa kanyang gilid..
"sige pa po mahal na reyna nakikita ko na ang ulo" sabi pa ng babaylan.
"Hmmm" huling eri ng reyna hanggang sa maka labas ang kanyang anak.
"babae mahal na reyna, isang napagandang prinsesa ang inyong anak mahal na hari at reyna" sabi ng babaylan at agad inasikaso ng kanyang kasama na babaylan ang sanggol. Pero makalipas ng isang minuto biglang sumakit ulit ang tiyan ng reyna.
"argh ang sakit pa ng tiyan ko mahal ahh" asik ng reyna sa hari at nataranta na naman ang dalawang babaylan at inaabangan ang pag labas ng pangalawa..
"eri mahal na reyna malapit na" sabi ng babaylan...
"Hmmm hmmm" eri ng reyna at lumabas ang mala dyosa na prinsesa na may dalang napakalakas na enerhiya na napahinto sa lahat ng tao sa buong kaharian..
"uwahh uwahh uwahh" iyak ng unang prinsesa habang ang panghuli ay parang wala lang at seryoso lang ang mata na napagandang tingnan..
"napakalakas at napagandang prinsesa mahal na hari at reyna... Kambal ang inyong anak, kambal na magbibigay saya at liwanag ng ating mundo." nakangiting saad ng babaylan na ikinatahimik ng hari at reyna.
"anong iyong ibig sabihin manang rosa?" tanong ng Reyna kay rosa na may naguguluhan na mukha.
"ang unang prinsesa ay may marka sa kanyang braso ng apat na elemento, habang ang panghuli naman ay meron din ngunit may marka rin siya sa kanyang batok na pormang snowflakes at korona, mas malakas ang kanyang presinsya at nakakaintimida." sagot ng punong babaylan na si Rosa.
Natulala naman ang reyna at hari sa kanyang sagot....
Napalingon naman sila ng may biglang malakas na kumakatok sa pinto.
" mahal na hari at reyna! "tawag ng isang kawal sa labas kaya lumabas ang hari at agad itong hinarap.
" bakit kawal" tanong ng hari at biglang nagulat sa nakita sa likod ng kawal "mahal na Prophecy Kepper, ano ang iyong kailangan at napadalaw ka?" tanong nito sa bagong dating ang tagabantay ng aklat ng propeseya.
"mahal na hari andito ako dahil may importanti akong sasabihin tungkol sa pagbukas ng propeseya" sagot nito.
"bago yun pumasok ka muna at sa loob tayo mag uusap." aya ng hari papasok ng silid at nadatnan nila ang naka upo na reyna na pinag mamasdan ang dalawang prinsesa sa kanyang gilid na tumahan na.
"mahal na reyna" sabay yuko at tingin sa dalawang sanggol "totoo nga ang propeseya, napakalakas niya at napagandang bata" sambit niya habang nakatitig sa pangalawang bata... "ano ang kanilang mga pangalan mga kamahalan?" tanong pa niya.
"Lykio Amethyst Sapphire Adams ang panganay habang Hoaxia Amethyst Sapphire Adams ang bunso *smile* bagay ba mahal ko?" Sagot ng reyna habang may malaking ngiti sa labi at lumingon sa asawa na napangiti din ng marinig ang pangalan ng kanyang munting kambal na prinsesa.
"oo mahal ko, hello Princess Lykio at Princess Xia, ako ang inyong ama" sagot ng hari at hinimas sa ulo ang kanyang mga ito.
"ano ang sabi ng propeseya ginoong Toni?" tanong ng hari dito kaya tumikhim naman ito bago magsalita.
"Sa araw na ito ay sinilang ang isang bata na magdadala ng napakalakas na kapangyarihan na ikinapagtiwala ng mga Diyos at Diyosa.
Ngunit siya ay mahihiwalay at maraming kakaharapin sa buhay pero sa pagbalik niya ay kaniyang gagampanan ang nakaasang katungkulan sa kaniya.
Siya ang nakatadhana,
Nakatadhanang magdadala ng kapayapaan ng ating mundo. "
Basa ng ginoo na kinagulat ng lahat lalo na ang reyna...Mas lalo silang nagulat ng may biglang sumabog na napakalakas sa labas ng palasyo.
.....................................................
Hi guys I hope you like and understand the prologue hehe this is my first story... Sorry for wrong grammar hope you like it ang vote...
Love lotsss❤️
(EDITED)
YOU ARE READING
WINTEROUS KINGDOM : The Long Lost Powerful Goddess (COMPLETED)
FantasíaA respectable Queen Catherine Adams who ruled the powerful Kingdom of all Kingdoms, given birth a twin Princesses. They are Princess Lykio Amethyst Sapphire Adams a Earth, Air, Water, and Fire Elementalist, and Princess Hoaxia Amethyst Sapphire Adam...