Chapter 31: Ace And Ice???

1K 30 0
                                    

Queen Lenny's Pov....

Napagplanuhan namin kahapon na kami ang mag eensayo sa mga estudyante sa academy. Para naman maturuan sila ng husto.

May iba akong nararamdaman. Feeling ko may mangyayaring iba, pero hindi naman siya masama, iwan ko ba basta kinakabahan ako...

"Len, tara na at nandun na ang lahat. Kaya sinundo na kita.... Haysss kahit kailan talaga ang bagal mo..." biglang sulpot ni Ate Cath sa terrace ng kwarto ko nakahawak sa bewang. Psh, parehang pareha talaga sila ni Xia..

"hahaha opo ate tara na.. Hehehe pareho talaga kayo ng anak mo, palagi akong pinapagalitan dahil amg bagal ko daw psh." nakasimangot kong sabi sabay sukbit ng kamay ko sa braso niya. Napatawa naman siya ng mahina at nag teleport na kami sa academy. At tama nga siya ako nalang ang hinihintay..

" gusto ko na talaga siyang makita lenny. Miss ko na ang isa ko pang anak.. Sana nga matapos natong lahat ng tohh" nasasabik na sabi niya kaya yinakap ko naman siya.

"tama na ang drama, baka magalit pa si bunso hehehe masungit pa naman yun" bulong ko kaya tumawa naman kami ng mahina.

"ehem ... Kahit kailan talaga ate lenny, ang bagal mo... At ate cath, bat ka tumatawa? Ako na naman ang topic niyo???" nakasimangot naman si bunso (hm) kaya yinakap namin siya.

"ehem... Nandito na ang lahat mga kamahalan" tikhim at paalala ni Kuya Javier kaya napabalikwas naman kami sa yakap at tumawa ng mahina. Hehehe titig na titig pa naman ang lahat sa amin...

"so... everyone... Group into six groups... According to five kingdoms... At ang pang anim ay sa grupo namin ni Queen Lenny.. Kaya magsigrupo na ang lahat..." nagsitunguan naman ang lahat sa kani kanilang grupo... Pati ang royalties ay pumunta sa kani kanilang magulang para makapag ensayo. Napatingin naman ako sa dalawang babae na nakangisi habang naka akbay sa isat isa. Nasa grupo ko sila.

Iwan ko pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanila. Para silang pinagbiyak kasi magkamukha sila at ang nakakaiba lang ay ang buhok nila.

"Ate. Baka matunaw yang dalawang yan" saway ni bunso sakin kaya napabalik ako huwestyo. Nagsimula na pala ang lahat sa pag ensayo. Kasya kaming lahat dito sa malawak ng plaza. At may barrier naman na naka palibot samin, si ate cath siguro ang may gawa.

"a-ahmm Queen Lenny... Ano po ang unang gagawin?" nahihiyang tanong nung isang babae na binatukan pa nung isa.

"ano kaba Mia, maghintay ka nga... Hehehe sorry po sa kakulitan ni Mia ganyan po talaga siya makuli---", "ui hindi kaya.. Ikaw kaya Julian ang makulit tsee" sita nila sa isat isa kaya napatawa naman ako na ikinatahimik nila.

"ang cute niyong tignan.. Kambal ba kayo?" nakangiting sabi ko kaya nagkatinginan sila at umiling iling.

"ayhh hindi po hehehe magkaibigan lang po kami..." sagot naman nung Julian daw kaya napatawa naman ang kapatid ko sa gilid ko.

"hahaha yan kasi ate ehhh hehe... So everyone, mag warm up muna tayo..." tawang sabi niya na pinandilatan ko ng mata.

Magsisimula na sana kami ng may biglang tumatakbo ng dalawang gwardya patungo samin.

"Headmaster... May naghahanap sa inyo.. Mga light mages sila..." sabi agad ng kawal at yumukod.

"sila? Ilan sila?" tanong naman ni bunso.

"dalawa hm. At nakatakip ang mukha, pero pag daan nila sa scanner ay hindi naman po sila masasama" paliwang nung isa... Yung scanner na sabi niya ay yun ang dadaanan ng papasok dito para malaman mo kung may masamang intensyon ang papasok o wala.

WINTEROUS KINGDOM : The Long Lost Powerful Goddess (COMPLETED)Where stories live. Discover now