Xia's Pov......
Ngayong araw ang sabi ni Tita na aalis kami. Iwan ko kung saan pero sabi niya magugustuhan ko daw dun. Tsk, bakal sa mental. Nakakairita lang kasi lahat ng nakita ko sa panaginip ko ay may totoong nangyayari o mangyayari pa. Yung tinatawag na royalties, familiar sila kasi nakita ko na sila sa weird na panaginip ko. At yung powers thingy na yan, arghhhh kaka stress tsk.
Sabi rin ni tita sa mga makikita ko at madidiskubri dun ay totoo lahat kaya hindi na daw ako dapat maguluhan, edi wag tsk. Sabi pa niya masusunod lang daw siya kasi may nakalimutan siyang gawin sa school namin at mauna na raw kami. Oo kami kasi kasama ko ang mga transferee o tawagin nalang natin na royalties kasi yun ang narinig kong tawag sa kanila ni tita. Hindi talaga inumin ang royalties kasi tao sila, tao tsk.
"sweetie bumangon kana jan. Kakain na tayo, nasa baba narin sila" sabi ni tita sa labas ng kwarto ko. Ready na naman ako, maaga akong nagising ehh. Kinuha ko na ang dalawang maleta ko ng nilalaman ng mga gamit ko. Sa panaginip ko back pack lang dala ko kasi may mga gamit na daw ako dun tsk. Bat ko ba iniisip pa yun.
" coming" tipid na sagot ko sabay bukas ng pinto. Ngumiti naman si tita at kinuha ang isa kong maleta at bumaba. Susunod lang daw siya at iwan kung kailan pa kami magkikita muli kasi dederetso siya sa kaharian namin daw. Tsk kakahilo ang buhay namin noh? Tsk.
"ohh Xia hali na kayo at kumain na, nandun na ang lahat pwera sating tatlo haha. At Xia kami na ni ti-mommy mo ang magsasabay papunta run ha" pa alala ni tita Rea sakin kaya tinanguan ko lang siya at dumiretso na kami sa kusina.
Pagdating namin dun ay nakaupo lang sila at naghihintay samin. Kaya Pagdating namin ay nagsimula na kaming kumain. Pandesal at gatas lang kinuha ko kasi wala akong gana. Kung panaginip na naman to sana magising na ako, para kasi akong mababaliw na eh, lalo na mamaya tsk.
___________________________________
Tapos na kaming kumain at pumunta kami sa underground kasi dun daw kami dadaan. Eh pano kami dadaan dun kung lupa na tabi ng dingding tsk. Sa totoo lang matagal na akong naninirahan sa bahay na to pero hindi pa ako nakakapunta sa underground kasi binabawalan ako ni tita. Tsk siguro nga tama siya, siguro bawal kasi maraming nakatago dito.
Pagpasok namin sa underground ay pinailaw agad ni tita rea ang ilaw at dun ako namangha. Ang linis ahh at parang library siya sa rami ng libro. Nagningning naman ang mata ko, huhu how I love books.
Pumunta kami sa pinakadulo at may malaking frame dun na kasing laki ng pintuan at ang nakaukit dun ay pabilog na iba't ibang kulay. Nakakahilo nga kung titingnan mo ehh. Ngumiti naman si tita sakin bago humarap sa frame at may pinindot siya sa gilid nito at bigla namang lumiwanag ang frame. Napatakip kami sa mata sa silaw.
Pagkawala ng ilaw ay dinilat ko na ang mata ko at tumambad sakin ang frame na para na siyang portal kasi gumagalaw na talaga pabilog ang iba't ibang kulay. Tiningnan naman nila ako lahat at ngumiti habang si Tai ay nag smirk lang kaya napa roll eyes naman ako.
"okay sweetie, bye for now huh? Susunod rin ako. Mag-iingat ka, kayo. Behave ha wag maghahanap ng away hehe" paalala niya sabay yakap sakin kaya yinakap ko rin siya. Tsk kung hindi ako uunahan, wala talagang away. Ganyan talaga ako, papatol at papatol sa nauuna sakin tsk sarap kaya manapak.
"tsk I know" ikling sagot ko sabay kalas sa yakap bago umiyak tong tita ko tsk.
"troublemaker pala tong anak niyo tita len? Hahaha" sabi naman ni Vans sabay tawa nila tatlo ni Bang at Mike kaya nabatukan naman sila sa mga babae tsk bagay nga.
"sige mga bata, humayo na kayo at alagaan niyo ang alaga namin" paalala ni tita rea at nginitian ako kaya tinanguan ko lang. Kukuhanin ko na sana ang maleta ko ng kinuha na ni Tai ito kaya napataas ang kilay ko.
YOU ARE READING
WINTEROUS KINGDOM : The Long Lost Powerful Goddess (COMPLETED)
FantasyA respectable Queen Catherine Adams who ruled the powerful Kingdom of all Kingdoms, given birth a twin Princesses. They are Princess Lykio Amethyst Sapphire Adams a Earth, Air, Water, and Fire Elementalist, and Princess Hoaxia Amethyst Sapphire Adam...