Chapter 21: Highest Level Of Power

1K 32 0
                                    

Xia's Pov....

Naglalakad kami ngayun papuntang fitting room o dressing room para magpasukat ano pa ba tsk. May mga estudyante na kaming nakikita na masayang nagbobonding sa garden at sa plaza. May ibang nagtatawanan at naglalaro ng apoy. Don't get me wrong, apoy as in power nila hindi yung nasa isip niyo, dirty minded tsk. Hindi nila kami nakikita kasi sa busy siguro sila at wala naman kaming kaimik imik kaya hindi kami napapansin. Mas mabuti narin yun noh.

"nandito na tayo xia hehe excited ka naba?" nakangiting tanong ni liit at inilingan ko lang ang tanong niya kaya ito nag puot. Kinurot ko naman ang pisngi niya kasi hindi ko na napigilan. Wala paring emosyon ang mukha ko, pumasok na agad ako sa loob at ilang sandali pa bago sumunod sila.

" ayeehhh cute ko na talaga at napansin ni xia hehehe" garbong sabi naman ni liit kaya napailing nalang ako sabay harap sa ginang na mg mid 30's na siguro. Ngumiti naman siya sakin at sa kanila sabay yuko.

"you must be the transferee. Halika iha para masukatan ka at ako nga pala si Ginang Gina. Manang Gina nalang" pakilala niya kaya tinanggap ko ang kamay niya.

"Xia Yzabelle Morata" cold na sagot ko kaya nagulat siy at yumuko.

"patawad kamahalan" naguluhan naman ako sa tinuran niya.

"why you're asking for sorry?" tanong ko kaya napaayos naman siya ng tayo.

"wala po hehe akala ko po kung normal lang na estudyante. Patawad sa aking inasal." paumanhin niya na naman.

"no. I hate attention. So it's okay" sabi ko kaya tumango lang siya at suminyas na sumunod sa kanya. Nagpaiwan sila sa munting sala at kaming dalawa naman ay lumapit na parang cabinet na kasya ang isang tao. Binuksan niya naman ito.

"pumasok ka dito kamahalan para masukatan ka at malaman kung anong klaseng myembro ang kapangyarihan mo" sabi niya at iginaya ako sa loob kaya pumasok nalang ako sa loob para madali na.

Pagpasok ko ay agad na isinarado ni Manang Gina ang pinto. May parang laser na iniscan ako mula ulo hanggang paa at unti unting umilaw ang katawan ko. Ilang sandali lang ay nawala ang liwanag at bumukas ang pinto kaya lumabas ako.

Sila 0_0

Yan ang reaksyon nila kaya naguluhan naman ako. Tiningnan ko si manang para magtanong ngunit pati siya ay gulat ang mukha.

"b-bakit v-violet yan manang? Eh diba dilaw, silver, at gold lang ang dapat na kulay ng linings sa itim na uniporme namin?" takang tanong ni lykio kaya nagtaka rin ako. Ehhh bakit violet? Baka abnormal ako tsk.

"kay lakas ng iyong kapangyarihan kamahalan. Ang violet na kulay ay ang pinakamataas na estado ng kapangyarihan prinsesa. Kaya akoy nagtaka rin kung bakit siya lang ang nakatungtong sa ganitong estado." sabi niya habang nakatingin parin sakin. May tinawagan siya sa kanyang telepono at ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at ilinuwa si tito na nagtataka sa katahimikan namin.

" anong problema dito gina? "tanong agad niya kaya nabuhayan naman si manang.

" hm. Ngayun lang po nagkaroon ng kulay violet na linings sa uniform at yun ang pamangkin niyo. "sabi niya kaya nagulat naman si tito at napangiti sa huli. Tsk pati ako naguguluhan na, hindi naman ganito sa panaginip ko ehh. Akala ko hindi na ako maguguluhan pa ngunit mali ako, may marami pa lang bago tsk.

" may kapantay na pala ang nawawalang susi natin. At pinsan niya pa. Hindi ko alam ngunit nakakasiguro ako na tanging mga diyos at diyosa lang ang nakakaalam sa mga nangyayari. Kaya kailangan mong mag-ingat xia. Maraming maghahabol sayo lalo na sa mahika mo. Mas mabuti narin yun para hindi ka mabully kasi malakas ha hehehe cgeh magpahinga na kayo at may aasikasuhin lang ako, paalam" mahabang sabi niya at nag paalam na sabay halik sa noo namin ni lykio.

"okay. Miss xia ito na ang uniforms mo at nasa kwarto muna ang sapatos mo. Cgeh paalam" huling sabi niya kaya tumango lang kami at lumabas na.

Nang nasa labas na kami ay tahimik parin ang mga kasama ko. Lumapit sakin si Tai ay kinuha ang uniforms ko. Tatanggi na sana ako ng tiningnan lang niya ako ng wala ring emosyon kaya hinayaan ko nalang. Lumapit rin sakin ang pinsan ko.

"nasa lahi na talaga natin ang malakas xia pero ikaw pa lang ang mas pwera sa kambal ko. Sana nga nandito siya ehh." naging malungkot na sabi niya kaya naawa naman ako. Iwan pero gusto ko siyang yakapin. Yinakap ko talaga siya kaya napahinto naman sila.

"don't worry. Hahanapin natin siya" sabi ko sabay kalas sa yakap at ngumiti ng tipid. Napangiti naman siya ng malapad at tumango tango.

"alam niyo, para kayong hindi lang magpinsan kasi magkamukha talaga kayo, parang magkambal. Body size lang ang naiiba hehe" sabi naman ni ziby na sinang ayunan ng lahat kaya nagkibit balikat lang kaming dalawa at tumawa naman ako ng mahina kaya napa atras naman sila habang gulat na gulat.

"tsk. Stop that. Para kayong timang" sabi ko na iling iling at ngumiti. Nagtalon talon naman sila sa saya habang si Tai ay napangiti rin.

"ang ganda mo talaga pag ngumingiti lalo kung tumatawa parati hehehe" suhestyon ni liit na sinang ayunan ng lahat tsk.

"pano ba yan xia Hanggang dito nalang kami kasi nandito ka na rin haha" patawang paalala ni mike kaya nagtawanan ang lahat. Nakitawa rin ako, ang saya pala noh. Pag may tumuring sayo na kaibigan, sana hindi magkakatoo ang panaginip ko na mawawala sila dahil sakin. Ayoko, ayoko at napamahal na sila sakin.

"ouh bakit naging malungkot ka jan xia?" tawag pansin sakin ni Bang kaya napatingin sila sakin na nag-aalala. Iling-iling lang ako at tumango bago pumasok sa gate papunta sa girls dormitory. Nag paalam n ako at ganun din sila. Gaya ng sa panaginip ko, napapagitnaan ng dormitory ng boy and girls ang royalties dorm na parang mansion. Duon nga lang sa panaginip ko, magkaibang magkaiba kasi duon ako tutuloy. Tsk bahala na nga. Mas mabuti na yun para iwas dimalas tsk.

Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 4th floor kasi nandun ang dorm ko.

Dorm 24

Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto at hinanap ko ang number ko. Nasa kwarto ko na pala ang dalawang maleta ko nauna tsk. Bali ang dala ko nalang ngayun ay dalawang paper bag na laman ang uniforms ko. Nasa dulo na dorm naka ukit sa pinto ang dorm number ko kaya agad akong kumatok. Ilang sandali lang ay bumukas at tumambad sakin ang pamilyar din na mukha.

"hiiiiii. You must our new roommate hehehe ako nga pala si Mia Garcia hehehe. Hali ka pasok at sa loob na tayo mag tsismisan hehe" mahabang sabi niya na nakangiti pero napawi yun ng nakita niyang walang emosyon ang mukha ko. Pumasok na ako at inisirado niya ang pinto. Nadatnan namin ang isa na namang pamilyar na tao, ang traydor sa panaginip ko. Ang nerd.

"hello hehe ako nga pala si Julian. Julian Montes Shadow manipulator at my ability is to to make clones" sabi niya na nahihiya. Mukha at pangalan pareho pero iba ang apelyedo sa panaginip ko. Tsk walang kwentang panaginip naman ohh.

"ay oonga pala hehe nakalimutan ko. Plant manipulator naman ako at ang ability ko ay speed at reading mind pero ikaw pa lang hindi ko nababasa ang isip hehe" nahihiyang sabi niya rin kaya tinanguan ko lang sila.

"Xia Yzabelle Morata. Unknown" pakilala ko na nag kibit balikat. Tumango lang sila at ngumiti ng hanggang tenga tsk mga isip bata na naman.

Sa tingin ko hindi naman siguro traydor si Julian baka may ibang ibig sabihin ang panaginip ko. Tsk para na akong imbistigador nito. Pero okay lang, yan naman gusto ko tsk.

"xia nasa dulo ang kwarto mo. Pumasok kana tatawagin ka nalang namin pag maghahapunan na ha" sabi niya kaya pumunta na ako sa taas may second floor naman pero hindi masyado mataas. Nakita ko ang puti n kwarto at paghawak ko sa door knob ay nag iba ang kulay nito kaya pumasok na ako.

Pag pasok ko biglang umilaw at naging black violet ang tema ng kwarto which is katulad ng uniform ko. Tsk unbelievable, iba na naman sa panaginip ko. Mas mabuti pang matulog muna at nakakapagod ang araw nato tsk.

-________________________________________-

Sorry for late and short update hehehe bawi ako sunod hehehe.

Love lotsssss ❤️

WINTEROUS KINGDOM : The Long Lost Powerful Goddess (COMPLETED)Where stories live. Discover now