Xia's Pov.......
Unang araw ko ngayun. Kagabi sa dinner nagluto si Mia kaya hindi na kami pumunta pa sa cafeteria. Nakakapagod daw, ako rin naman tinatamad tsk.
Kringg kringg krin---
Ingay naman ng alarm clock pero yun naman talaga hinihintay ko makapag ligo na nga tsk aga ko kasing nagising. Dapat kasi 5 am ako gigising eh papano 4 am ako nagising ehh sa ingay ba naman ng hilik ng katabi ng kwarto ko tsk parang barko.
Pumunta na ako sa cr para maligo malamang. Malaki pala ang kwarto ko may dalawang pinto sa magkabilang side ng kama, ang walk in closet at ang cr. Malaki ang cr merong bath tub, shower kaya pili ka lang tsk.
Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa closet kasi nandun ko nilagay ang uniform ko tsk sana hindi maiksi. Tiningnan ko ang kabuoan ko sa salamin. Hindi pa pala nila nakikita ang totoo kong kulay na buhok. Parati kasi akong nakasuot ng wig sa totoo lang. Baka mapagkamalan pa akong baliw sa buhok kong puti at may apat na ibat ibang kulay sa baba nito.
Dito sa nakita ko iba iba rin ang kulay ng buhok nila. Yung sa royalties ay black pa ang nakita kong buhok nila, mamaya siguro malalaman ko na kung anong kulay. Pagkatapos kung magbihis sa uniform ay ang iksi talaga tsk.
Two inch above the knee ang palda diyos ko nasaan ang hustisya. Hindi ba pwedeng slocks nalang ganun? Mabuti nalang at may medyas na taga tuhod kulay black at Violet na linings sa ibabaw. Terno talaga sa uniform ko at itim na sapatos na may pagka boots, basta yun na yun.
Baka pag naglakad ako sa hallway pagkamalan akong taga ibang eskwelahan kung meron man kasi iba kulay ng linings ng black uniform ko pero bahala na sila mamatay sila sa titig. Hindi na rin ako nagsuot ng contact lenses na itim. Black naman talaga ang mata ko pero nung nagalit ako sabi ni mom naging gold ang mata ko kaya nung pagsabi niya nagulat ako at nagalit sa sarili ko kasi akala ko maligno ako, magandang maligno ka mo tsk. Naging golden red kasi daw ang mata ko basta yun daw.
Tumingin muna ako sandali sa salamin. Bagay pala sakin ang normal na buhok ko at mata sa uniform ko ganda tignan, pwedeng pwede na gawing statue sa gitna ng hallway tsk.
Tigil ng daming satsat, lumabas na ako, alas says na naman,. Pagdating ko sa baba may naamoy na akong pagkain. Tsk nakakahiya nga eh, sa panaginip ko ang lakas kong kumain at sa totoo pala hindi. Vegetarian ako kaya ganito ako ka liit, ay hindi pala, ganito ako la SEXY! Yan tsk.
"Wow!!!! Diyosa!!!! Julian!!!! May bumisita satin na Diyosa!!!!" napatakip ako sa tenga ng biglang sumigaw si Mia sa harap ko na may dalang sandok pero naka bihis na siya.
"Saan yang!!!!! Wahhhhh!!!! Ano po kailangan niyo mahal na Diyosa" tili naman ni Julian sa gilid ko sabay yuko silang dalawa.
"tsk. Idiot" singhal ko sa kanila at umupo na. Ready naman ang pagkain eh mabuti naman at may veggie.
"hala ka yang, nagalit ang diyosa" sisi naman ni Julian kay mia na kumakamot na sa ulo.
"ehhh nagulat ako ehh. At mahal na Diyosa, kamukha niyo po yung ka room mat-----wait lang, Xia!!!" gulat na sigaw ni mia kaya napatakip na naman ako sa tenga. Habang silang dalawa ay nang lalaki parin ang mga mata. Binaba ko muna ang kubyertos at tumingin sa kanila.
" sa tingin niyo? Tsk, yuahh it's me the one and only Xia Yzabelle" cold na sagot ko kaya nagkatinginan sila at biglang,
"wahhhhhhhhhhhh!!!!!! Ganda mo talaga Xia!!!!!!" tili na naman nila kaya napatakip na naman ako sa tenga. Parang dun sa kabilang bayan pa umabot ang boses nila parang nakakain lang ng megaphone tsk.
YOU ARE READING
WINTEROUS KINGDOM : The Long Lost Powerful Goddess (COMPLETED)
FantasyA respectable Queen Catherine Adams who ruled the powerful Kingdom of all Kingdoms, given birth a twin Princesses. They are Princess Lykio Amethyst Sapphire Adams a Earth, Air, Water, and Fire Elementalist, and Princess Hoaxia Amethyst Sapphire Adam...