Xia's Pov...
Ngayong araw papasok na ako sa school, tsk ka boring. Si mommy maghahatid daw sakin para daw hindi ako ma bully kong malaman nila na anak niya ko. Ganyan na ba siya ka katakutan? Para ngang bata eh tsk.
Kring kring krin---
Tsk mas nauna pa akong nagising ehh?? Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo malamang. Mga 10 minutes tapos na ako, ano pa bang dapat gawin tsk. Lumabas na ako ng banyo at pumunta sa walk-in-closet ko pero pag tingin ko sa table ko may box na naka lagay. Tsk may uniform pala dito, kala wala.Kinuha ko na ang box at linagay sa kama, tutuyuin ko muna buhok ko.
Binuksan ko na pagkatapos ang box at tumambad sakin ang iksi iksing uniform, tsk wala na ba silang tela dito? Mas bet ko pang slacks ang uniform kaysa sa palda na ito na halos makita na ang kaluluwa.
White blouse na may golden linings sa kwelyo at necktie na gold rin. Habang ang paris ay, tsk. Palda na kulay black na may linings na gold sa baba. 3 inch away sa tuhod ang haba kaya parang luluwa na ang kaluluwa ko.
Ang sa paa naman ay medyas na taga tuhod na may linings rin na gold at sapatos na itim na parang boots siya na hindi mahaba, may 2 inches na taas ang heel. Pinotail ko ang buhok ko na hanggang pwetan ko ang haba. Ang labas, para akong manika tsk, naglagay lang ako ng kunting pulbo sa mukha yun lang pula na naman ang labi ko tsk.
Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na sa dining area. Dala dala ko na pala shoulder bag ko na color black. Favorite color tsk.
"o anak andyan kan----WOOWWW!!! Ganda mo anak para kang living barbie doll, kyahhhhh!!!" bungad sakin ng maganda kong tita-mommy tsk nakakarindi boses niya grabe.
"ganda mo xia sigurado akong maraming magkakagusto sa alaga ko hehehe" mahinhin naman na sabi ni yaya na tinanguan ko lang tsk matagal ko ng alam na maganda ako, don't have to repeat.
"kain na anak kong dyosa hehehehe" tukso ni mom na hindi ko na pinansin kasi gutom na gutom na ako.
__________________________________
Nasa byahe kami ngayun ni mom, nasa karwahe kami ngayon at ito siya ang higpit naka hawak sa kamay ko at kanina pa to naka ngisi tsk parang baliw na bata.
"alam mo anak ganyan rin ako nuon hehehe" sabi niya pa tsk.
"pero hindi nagka asawa tsk" sagot ko nang hina kaya nag puot siya tsk.
"andito na po tayo mga kamahalan" sabi ng kawal kaya bumaba na kami at bumungad sakin ang malaking golden gate na nak open na at marami ng estudyante sa loob na naka nganga tsk. Ngayun lang ba sila nakakita ng dyosa? Tsk..
Napakalaki ng eakwelahan nato dalawahin ang palsyo na tinutuluyan ko. White&gold ang theme. May matataas at malalawak na tatlong buildings, bali isa sa harap, isa sa kaliwa at isa sa kanan. Na papagitnaan ang malawak na parang gymnasium. Kaysa siguro lahat ng tao dito tsk. Sa likod naman ay nandun ang dorms. Dalawang builing, ang isa sa babae at isa sa lalaki mga 50 floors at sa gitna niya ay isang mansyon tsk sa royalties. At ang harap ng dorms ay malawak na plaza. May mga puno na iba't ibang kulay sa mga gilid at fountain sa gitna.
Nagsimula na kaming mag lakad papunta raw sa HM dito. At ang maganda kong mommy, ito seryoso na ang mukhatsk bipolar lang. Dorm pala dito pero sabi ni mom kagabi pa ang mga gamit ko mas nauna pa. Deretso na daw ako sa room ko ngayun pero punta muna sa hm para makuha ko id ko at dorm key saka schedule.
Bumungad sa amin ang malaking pinto na may nakalagay sa taas na Head Master Office. Kumatok naman ang kawal at biglang bumukas. Pumasok na kami at nadatnan namin ang lalaki na mid's 20??? Seriously???
YOU ARE READING
WINTEROUS KINGDOM : The Long Lost Powerful Goddess (COMPLETED)
FantasíaA respectable Queen Catherine Adams who ruled the powerful Kingdom of all Kingdoms, given birth a twin Princesses. They are Princess Lykio Amethyst Sapphire Adams a Earth, Air, Water, and Fire Elementalist, and Princess Hoaxia Amethyst Sapphire Adam...