CHAPTER 19 "The Supreme people"

101 5 0
                                    

CHAPTER 16


8 O'clock ang meeting ko sa kausap sa online para makuha ang biniling reviewers. Dati din daw syang nag aral sa Saint Fatima at ahead lang daw ito sa akin ng isang taon.

Ipinilit ni Draco na ihatid ako sa pupuntahan ko ngunit mariin akong tumanggi dahil narin ayaw kong makaabala dito sapagkat masyado itong busy sa trabaho.
Sa isang coffee shop na kami nagkita at ang kausap. Nauna ako ng ilang minuto at ilang sandali pa ay dumating din ang kausap ko. Hindi ko inaasahan pero gwapo ang kaharap ko ngayon. At hindi ko gawaing mang obserba ng hitsura ng mga taong nakakaharap ko pero sa pagkakataong ito ay tila may kakaibang taglay na hipnotismo ang lalake.
Sa tantiya ko ay nasa trenta palang ito. Tila laging nakangiti ang mga mata nito na kapag tumitig ka ay animo'y manunuot sa iyong kaibuturan ang gusto nyang ipakahulugan sa bawat titig niya. May fair complexion ito at nasa 5'8 ang tangkad. Pwede mong maihalintulad kay Jake Cuenca ang hitsura nito sa biglang tingin..ngunit kapag natitigan mo na ay mas gwapo ito keysa inaakala mo.
Hindi ko maiwasang mapangiti at napangiti na rin ito na hindi ko mawari kung gumaganti lang ito o baka may ibang ibig ipakahulugan.

" So..here's the reviewer."

Iniabot nito sa akin ang mga reviewer na naka paper bag pa..at iniabot ko na rin ang bayad at nagpasalamat dito.

" Goodluck with your review..at sana makapasa ka agad in just one take"

at binigyan sya nito nang pagkatamis tamis na ngiti. Tila nalaglag ang panga ni Allina sa mga ngiting yun.

" So Allina..since we're in a coffee shop..would you like something to drink?"

nagulat pa ako nang mag offer sya bigla..pero naisip ko si Draco kaya hindi ko na tinanggap at sa halip ay naisip ko nalang magpaalam para umuwi.

" sorry Mr. Guevarra..may trabaho pa kasi ako ngayon eh. Isiningit ko lang ito sa schedule ko" Paliwanag ko.

" Ohh i see..maybe next time? Who knows magkita ulit tayo"

Matamis parin itong nakangiti sa kanya. Hindi ko malaman pero parang gusto kong magbago ng isip at tanggapin ang offer nito pero sa huli sinaway ko ang sarili nang maisip si Draco.

"Yeah..who knows..so thank you and i'll go ahead now "

Paaalam ko dito

Lumabas na ako ng coffee shop at tumayo sa gilid ng sidewalk para mag book ng Angkas nang sa ganun ay makaiwas sa traffic..pero naisipan kong dalhan si Draco ng lunch nya kaya dumaan na ako sa isang Filipino restaurant at bumili ako ng isang kare-kare at sinigang na bangus and rice saka ako nag book ng Angkas.
10:30 palang naman ng umaga at siguradong hindi pa nakakabili ng lunch si Draco kaya sigurado akong makakain nya to.
Nang makarating ako sa building ni Draco ay lumapit ako sa information desk at sinabi kong maghahatid lang ako ng pagkain ni Draco galing sa kapatid na si Charisma. Dahil siguradong hindi naman ako papasukin kong pangalan ko lang ang gagamitin.

" Ah ma'am..tatawagan ko lang po yung secretary ni Sir Draco."

" Okay lang Miss."

Sagot ko sa babae. At ilang sandali pa'y sininyasan nito ang guard na papasukin ako.Agad kong tinungo ang elevator at umakyat sa pinakataas ng building kung saan ang opisina ni Draco. Paglabas ko ng elevator ay agad bumungad sa akin ang napaka gandang secretary ni Draco. Nanliit tuloy ako dahil hindi lang ito basta maganda..kung di napaka ganda din ng hubog ng katwan nito.

" Ah, good morning miss...miss Rivera"

Agad kong tiningnan ang name plate niya kung saan nakaukit ang kanyang pangalan. Ngumiti naman ito sa akin. Alam kong natatandaan niya ako nung unang beses naming pagpunta ni Charisma dito.

WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon