CHAPTER 15Allina's POV
Matapos mag brekfast ay naghanda na si Allina para sa lakad nila ni Chari para sa pictorial ng cute na cute na si Flavius. I pwinesto ito ni Chari sa likod ng sasakyan sa booster seat nito habang sila naman ni Allina ay sa unahan.
" Would you mind if we stop by at kuya Draco's company? May ilang files lang akong idadaan sa kanya at dalhan na rin natin ng breakfast.."
Bigla akong kinabahan at the same time ay nakaramdam ng excitement nang sabihin yun ni Chari. Gusto ko ding makita si Draco at kumustahin.
" Sure.." Nakangiting saad ko.
"Okay dumaan muna tayo ng Subway at bibilhan natin sya ng breakfast"
Napatango ako at nang nasa subway na kami ay nag volunteer na ako para bumili para dina sya bumababa. Tinanong ko nalang kung anong breakfast ang gustong gusto kainin ni Draco.
Nang makabalik ako ng sasakyan ay dala kona ang Black Forest Ham, Egg and Cheese..at isang bottle ng Simply lemonade." Chari, hindi ko pa nakakausap si Draco. Parang umiiwas sya eh".
" No..he isn't. He is just waiting for you."
Nakangiting saad nito. Bakit pareho sila ng sinasabi ni Tyang?..eh halata kong ayaw akong kausapin nito. Anang isip ko.
Nag antay kami ng mga sampong minuto sa sa labas ng opisina ni Draco dahil meeting ito sa iilang client. Maya't maya pa'y bumukas ang pinto ng opisina nito at kasabay nun ay iniluwa ang tatlong kalalakihan na nakasuot ng mga suit habang si Draco ay kita naming may kausap pang matangkad na babae sa loob ng office nito.
Napataas ang kilay ko habang tawang tawa ang babae at panay ang hawak nito sa braso ni Draco. Ilang sandali pa ay naglakad ang dalawa palabas ng pinto. Doon ko mas na klaro ang hitsura ng babae. Nakapaka ganda nito at nakasuot din ng black pencil cut na office skirt at red hugging blouse at pinarisan ng napakatas na stiletto." Im looking forward for working with you again Draco. Just call me anytime you need me.."
Anito sabay halik sa pisnge ni Draco. Bigla ay tila parang gusto kong hilahin ang babae palayo kay Draco. Bigla akong nakaramdam ng panibugho.
" Yes Atty. Im also looking forward to it."
Sagot naman ni Draco na seryoso ang mukha..at tinapunan kami ng tingin. Ngumiti si Chari habang tinitigan ko sya at hawak hawak ang biniling breakfast para sa kanya at ilang papers na ibibigayni Chari.
" To my office ..please."
Anito na tila mailap ang mga mata at iniiwasang magtagpo muli ang aming mga titig. Sumunod kami doon ni Chari habang bigla nitong binuhat si Flavius at hinalikan sa pisnge.
Umupo kami sa mahabang sofa at sya naman ay umikot sa kanyang desk na tila may hinahanap.
" Kuya, Allina brought you breakfast."
Napatingin ako ke Allina habang sinesenyasan akong iabot ito. Napatayo ito.
" Can I use your bathroom?"
Ani Chari. Sabay tango naman ni Draco. Nang maiwan kami ay agad kong ini abot ang breakfast ng walang imik at bumalik ako kay Flavius habang may kinakalikot sa center table.
" Thank you for the breakfast.."
Anito at umupo ito sa harap ng desk nya.Napalingon ako..nagsalubong ang mga mata namin pakiramdam ko ay para akong napaso kaya bigla akong nagbaba ng tingin at ganun din sya kaya halos magkasabay kaming nagbaba ng ulo.
Pinakiramdamdaman namin ang bawat isa at nang hindi ko na matiis ay ako na ang naunang magsalita."D..Draco.." sabi ko sabay lingon sa kanya.
" Yes?!"
Mabilis nitong sagot at bahagyang napangiti.
"Ahmmm..gusto sana kitang makausap.."
simula ko nang biglang sumungaw si Chari kaya hindi na natuloy ang iba pang sasabihin ko sana. Nanatili namang nakatingin si Draco at tila disappointed sa naudlot naming pag uusap.
" Kuya, we need to go now. May pictorial pa ang gwapo mong pamangkin eh"
" Okay.."
Sabay tayo nito at nilapitan si Flavius para bigyan ng kiss at nang buhatin ito ni Chari ay napasulyap naman sa akin si Draco. Tsaka lumabas na kami ng opisina nya.
Nakarating kami ng BGC na halos maga alas 12 na dahil sa traffic kung kayat dumiretso na kami nag lunch sa baba ng opisina ni Chari. At may mga ilang tao syang tinawagn habang kumakain.
Natapos ng matiwasay ang pictorial although makulit si Flavius ay ulit ulit ang mga shots nito hanggang makuha ng photographer ang gustong anggulo para sa cover ng magazine. Tulog si Flavius pagdating naman sa loob ng sasakyan. Mukhang napagod ito ng husto sa pictorial. Mabuti nalang ay hindi ito iyakin.
Nang makauwi kamay ng bahay ay ako na mismo ang nagkarga kay Flavius habang tulog ito dahil akong pagod masyado si Chari sa pag aayos dito sa pictorial. Maagang ding natulog si Chari at hindi na ito kumain ng dinner.
Habang ang dalawang pasyente ay nagpanggap na mukhang okay sa hapag kainan at pasekreto kong nilinis ang mga sugat nito after ng dinner. Ayokong malaman ni Klarisse ang nagyayari sa loob ng bahay dahil hindi ko alam kung papaano magpapaliwag dito kapag sakaling may madiskubre ito.
Dahil hindi pa ako dalawin ng antok ay naisipan kong buksan ang glass door at umupo ako sa coffe table malapit sa pinto habang hawak ang tea mug. Tumingin ako sa kalangitan at pinagsawa ang mga mata sa nag nagniningning na mga tala sa kalawakan. Napapikit ako at napasinghap. Kay sarap at kay tahimik ng gabi. Bulong ko sa isip.
Nagulat pa ako nang pagbukas ko ng mata ay nasilayan ang taong kinasasabikan kong makausap." Draco? Kanina ka pa ba dyan?"
Nasa labas ito ng pinto habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay sa suot na sweat pants.
BINABASA MO ANG
WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)
VampireSi DRACO MAGNUS at ang kanyang pamilya ay sinusubukang mamuhay ng normal kasama ang mga normal na tao so lipunan. Kumakain ng pagkaing tao,nakikihalubilo at nakakaramdam ng pag ibig gaya ng iba. Pero ang hindi alam ng karamihan sila ay may itinata...