CHAPTER 1
Clara's POV
DESYEMBRE 20, TAONG 2000.Kailangan kong magmadali at makarating ng bayan bago magsara ang post office. Kailangan kong maihulog ang sulat kong hawak- hawak para sa kapatid kong nasa Maynila.3:30 ng hapon at sabi ng kaibigan kong sa Felina ay 4:30 daw nagsasara ito.
Meron pa akong isang oras. Halos 20 minutos ang byahe papunta doon at mag aantay pa ako ng jeep at sana meron dumaan.
Kailangan kong makabalik dito sa San Jose bago magdilim. Ayaw ko mang aminin sa sarili ay alam kong may nangyayaring kababalaghan sa maliit na bayan na ito ng San Jose. Bagaman hindi ko pinapansin ang mga usap- usapan ng mga tao sa palengke tungkol sa sinasabi nilang tiktik ay ramdam ko sa aking sarili na totoo ito.Paano ko nasabi ito? Yun ay dahil nakita mismo ng aking mga mata nung ako'y musmos pa.
Hindi lang pala ako kung hindi ng buong pamilya ko.15 taong gulang palang ako noon at sariwa pa sa king alala at hindi ko kailanman makakalimutan kung paano nawala aking mga magulang.
Bahagyang naputol ang aking pagmumuni-muni nang may tumigil na jeep sa aking harapan. Sumakay ako at iniabot ang pamasahe sa kundoktor. Hindi nito tinaggap ang aking bayad dahil nakilala nya ako." Tiya Clara. Saan po ang punta nyo? Usisa ni Caloy. Anak ni Felina na may ari ng tindahan na kapit-bahay at kaibigan ko.
" Maghuhulog ako ng sulat sa kapitid kong nasa maynila Caloy." Nakangiti kong saad.
" Po! Eh malapit na po ang gabi. Dapat po ipinagpabukas nyo na ang paghuhulog. Alam nyo naman po ang panahon ngayon. Lalo na po sa atin, yung usap usapan tungkol sa tik..."
" Sus ang batang ito! Walang dapat ikatakot. Magdasal kayo at maging matapang at laging handa kung totoo man yang usap usapan."
Napatango lang ito sa sinabi ko.Dahil alam kung hindi magatatagal ay mayroon na namang susunod na mabibiktima pagkatapos ng karimarimarim na pangyayari tatlongput- tatlong taon ang nakalipas.
Pababa na ako ng jeep nang may sabihin ulit si Caloy." Tiya antayin nyo po kami dito sa gasolinahan..isasakay ko po kayo pabalik dahil mahihirapan na po kayo mag abang ng sasakyan paglipas ng alas kwatro."
" Naku! Malaking abala yan at nakakahiya sa may ari ng jeep. Huwag kang mag alala may massasakyan pa ako. Hala sige larga na at nang makadami kayo ng pasahero pabalik.
" mag iingat po kayo"
Mabilis kong nilakad ang post office dalawang kanto ang layo mula sa binabaan ko. Sinalubong ako ng guwardiya at sinabing mag antay daw ako sandali at nasa banyo pa ang bantay ng opisina. Ang inakala kong limang minuto na pag aantay ay umabot ng halos
Labin- limang minuto. Nag aalala kong tiningnan aking ang lumang relo..4:15 na nang hapon at kailangan kong makabalik bago magdilim. Nagulat pa ako ng may biglang magsalita." Maghuhulog po ba ng sulat?"
Seryosong saad ng matandang lalake. Iniabot ko ang hawak kong sobre at nagbigay ng pambayad. Mga halos sampung minuto din bago matapos dahil mukhang malabo na ang mga mata ng matanda na sa tantiya ko ay nasa sitenta na ang edad. Nang sabihin nitong ok na at ibinigay ang sukli ko ay kaagad akong nagmadaling umalis papuntang gasolinahan para mag antay ng masasakyan.
Malapit nang mag alas singko ng hapon.
Kinakabahan ako na baka hindi ako makasakay pabalik. Siguradong nakabalik na ng San Jose sila Caloy. Halos kinse minutos din syang nag antay nang may dumaang truck na may mga gulay. Nagpa gasolina ang driver nito nang mamukhaan ni Clara." Andoy?
Tawag ko dito. At bigla naman itong napalingon sa kinaroroonan ko.
" Clara? Anong ginagawa mo dito?
Nagpalinga linga ito para tingnan kung may kasama ako.
" Naghulog ako ng sulat para sa kapatid ko na nasa Maynila. Pabalik na ako ng San Jose kaso wala pang dumadaang jeep eh" Sagot ko dito.
BINABASA MO ANG
WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)
VampireSi DRACO MAGNUS at ang kanyang pamilya ay sinusubukang mamuhay ng normal kasama ang mga normal na tao so lipunan. Kumakain ng pagkaing tao,nakikihalubilo at nakakaramdam ng pag ibig gaya ng iba. Pero ang hindi alam ng karamihan sila ay may itinata...