CHAPTER 14 "DISCOVERING THE TRUTH"

96 4 0
                                    

CHAPTER 13 CONT.

ALLINA'S POV

Kinabukasan dinala ako ni Draco sa Tumalog falls dalawang oras ang layo mula sa hotel namin. Napaka mystical ng lugar an tanging mga huni ng ibon lamang , lagaslas ng tubig na nagmumula sa falls, at ibang pang hayop ang iyong maririnig.

Nabighani ang mga mata ko sa ganda at taas ng kaharap kong berdeng berde na tubig na umaagos mula sa talon. Napapalibutan ito ng malalaking punong kahoy kung saan nakalambitin ang mga malalaking baging na lumalaylay pababa sa tubig.
Tila nag aanyaya sa sinumang nilalang na lumusong dito.
Napatingin ako sa dako ni Draco na nagbaba ng backpack na dala. Kaagad kong hinubad ang suot na sweatpants at t'shirt at itinira ang two piece swimsuit. Dahan dahan akong lumusong at napaiktad ako nang maramdaman ang dampi ng napaka lamig na tubig sa aking balat. Napatili ako ng bahagya kung kaya't napalingon si Draco.

" Don't go far sweetheart..malalim ang tubig!
Sabi nito habang naghubad narin ng pantalon at pang itaas na t'shirt. Maya maya pa'y lumusong na ito palapit sa akin. Para akong batang naglambitin sa likod nya habang sinusubukan nitong lumangoy.
Bigla itong sumisisid kasama ako habang nakasampa sa likod ngunit nagtagal ito ng ilang minuto kung kaya't nauna na akong umahon dahil hindi ko na kinaya at hindi ako makahinga.

Namangha ako sa itinagal nito sa ilalim ng tubig at nang umahon ay pabugang ginulat ako. Para kaming mga batang nagtampisaw sa tubig..nagtatawanan at nagsabuyan sa isa't isa nang biglang may narinig kaming ingay sa di kaluyuan. Parang sagitsit na ingay na naggagaling sa mga dahon. Bigla akong natahimik at napakapit sa sa braso ni Draco.
Humarap sya sa akin at hinawakan ako sa mukha

"Eche check ko lang sa taas..magbihis ka na at antayin mo ako dun sa bandang may bag natin okay? "

Kaagad akong tumango at at mabilis na kumilos. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil medyo malayo ang lugar na to sa kabihasnan at dalawa lang kami ni Draco. Baka may mga masasamang loob ang naligaw dito at pagdiskitahan kami.
Halos kinse minutos na ang nakalipas ngunit wala parin si Draco kaya nag alala na ako. Kaagad kong isinilid sa bag ang mga damit ni Draco at tumingin tingin sa paligid . Kumuha ako ng kahoy na tuyo just incase may makasalubong ako masamang loob. Dahan dahan kong binaybay ang daan sa taas at nagpalinga- linga pero wala akong nakitang Draco.

May narinig akong mga ingay kung kaya't napalingon ako at pinakiramdaman kung saan ito nagmumula. Napalingon ako sa bandang kaliwa ko nang biglang may parang natumba. Lalong dumagundong ang kaba sa aking dibdib.
Sabay lingon nang tila lumipat sa kanan ang mga ingay na yun at biglang may narinig akong parang boses na umaagikgik tulad ng sa baboy. Nanlaki ang mga mata ko at dahan dahan kong tinungo ang pinaggalingan ng ingay sa isiping baka napaano na si Draco. Habang papalapit ay narinig ko bigla ang isang ungol na tila nagdudusa sa sakit.

Nagkubli ako sa puno ng isang malaking kahoy at dahan dahan akong sumilip. Tumambad sa akin ang isang malapad na katawan na halos maskulado ang bawat pulgada ng balat nito. Mahahaba ang mga kuko na basang basa ng dugo, at may mga matang mapupula, at itim na itim at malalagong mga kilay.

Tila namanhid ang buo kong katawan at tuluyan nang hindi makakilos lalo nang makita ko ang isa pang halimaw na nakahandusay sa damuhan. Hati ang katawan nito at parang may mga ugat nang kahoy ang bawat pulgada ng mga kalamnan nito.
Bigla naging alerto ang nakatalikod na halimaw at napalingon ito sa pinagkukublihan ko. Gusto kong sumigaw pero tila walang lumalabas na boses mula sa aking lalamunan. Gusto kong tumakbo ngunit parang may pumipigil sa aking mga paa. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mainit na likido na nagmumula sa aking mga mata.

" Al...Allina?

Naigalaw ko ang mga mata at kumurap- kurap nang marinig ang boses ni Draco na lumabas galing sa bibig ng halimaw. Nasaksihan ng dalawa kong naglalakihang mga mata kung paanong nagbago ang anyo ng halimaw at naging si Draco. Napapikit ako ng makita ko ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Hubo't hubad ito.
Napaiktad ako sa gulat nang maramdamang marahan nitong kinuha ang bag sa aking likuran at hindi ko na namalayang nakabihis na pala ito. Kapwa kami walang imik at malayo ang distansya ko sa kanya habang tinatahak namin ang daanan pabalik. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng patay at biglang nabuhay.

Ayaw tanggapin ng isip ko kung ano ang nasaksihan kong pangyayari kanina kahit na anong pilit kong i absorb . Ayaw kong tanggapin na si Draco yun.
Hanggang makabalik kami ng hotel ay hindi ko sya inimik at nanatili lang ako sa coffee table habang nakatanaw sa kawalan. Hindi ako kumain ng lunch narinig ko nalang ang saad ni Draco na babalik na kami ng maynila.
Kumilos ako at sumakay ng sasakyan habang malayo ang distansya sa kanya. Hanggang makarating nang maynila ay hindi din sya nagsalita at tahimik lang na nakamasid sa akin.

WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon