CHAPTER 2
KLARISSE POV
Nagsabi ako kay ate Allina na liliban muna ako sa klase para pumunta ng hospital at abangan ang pagdalaw ng tiya Clara dahil hindi pwedeng lumiban si ate sa trabaho sapagkat kailangan namin ng pambayad sa hospital at gastusin ko sa school.
Mga bandang alas nuebe pagkatapos kong punasan si mama ay nahiga ako sa kanyang tabi. Nang marinig ko ang boses ng isang babae sa aking likuran." Noime..."
Nanginginig na saad ng babae na ipinagtaka ko. Napabangon ako at hinarap ang isang matandang babae na sa tantiya ko ay nasa 60 years old. Nakatungkod ito at may kasamang lalake na nasa 20 to 22 years old. Ang babae ay may hawig sa nanay ko. Kaya napangiti ako bigla.
" Tiya..tiya Clara?
Tumango ito ng ilang beses at yumakap sa akin habang umiiyak. At ilang sandali pa'y bumaling sa aking inang nakaratay sa kama. Yumakap ito at umiiyak habang kinakausap ang kapatid nya. Marahan kong hinimas himas ang kanyang likod at makaraan ang ilang minuto ay pinaupo ko sya sa upuan na nasa tabi ng kama ni mama. Dumako ang tingin ko sa kasama nya na nakasandal sa pader malapit sa bintana.
" So..sorry..isa lang kasi ang upuan dito". Nahihiya kong saad sa naka sun glasses na lalake.
" Its fine"
sagot nito na hindi nakatingin sa akin.
Sinipat ko ang kabuuan nito. Naka wranco na t' shirt, mukhang mamahalin na pantalon at sapatos. Busy ito sa pagpindot ng mamahaling cellphone. Hindi ko makita ang mga mata nya pero masasabi kong sa kinis ng balat nya ay galing sa yayamaning pamilya. Nagtaas sya ng tingin at nagkunwari naman akong napatingin kay tiya Clara at kinausap sya." Tiya, san po ba kayo nakatira at bakit ngayon ko lang po kayo nakita? At..sino po...sya?
Inginuso ko ang lalake na ngayo'y nakatuon na ang tingin sa amin." Ah, siya si Kieran, bunsong kapatid ng amo ko. Mabait na bata yan..nag pumilit siyang samahan ako dito sa hospital. Parang anak na din ang turing ko dyan...dahil halos ako na ang nagpalaki dyan..at nagsilbi sa kanilang magkakapatid."
Bahagya kong nginitian ang gwapong kasama ni tiya at.." Maraming salamat Sir sa pagsama dito sa tiyahin ko..ngayon nagkita na sila ni mama."
Nakangiti kong saad. Bahagya itong ngumiti na para bang sinasabi na dollar ang ngiti nito. Tsaka ang weird din nya..nasa loob sya ng hospital pero naka sun glasses pa din. Hay...makaporma lang eh. Sabi ko sa sarili." Ah..sya nga po pala..maiwan ko po muna kayo sandali..bibili lang po ako ng snack nyo. Malapit lang po ang canteen dito."
Akmang kukunin ko na ang shoulder bag kung nasaan ang pera kong pambili nang biglang magsalita si Kieran.
" Don't bother.! We had breakfast before we left."
Agad naman tumango ang tiya Clara bilang pag sang ayon. Kaya hindi kona itinuloy pa ang paglabas. Nakatayo ako sa harap ng tiya Clara habang nagkukuwintuhan kami nang biglang gumalaw ang katawan ni mama na parang nangingisay. Namilog ang aking mga mata at bigla akong napasigaw at nataranta. Nataranta narin si Tiya Clara at ang mga katabi naming pasyente.
Nagsisigaw ako ng Doktor sabay lingon sa pinto at napansin kong wala na dun si kieran. Napasigaw ulit ako ng isang beses at hinahawakan ang kamay ni mama at sa pangalawang pagkakataong nilingon ko ang pinto ng kwarto ay nakita kong nagtakbuhan ang dalawang nurse at doktor papasok kasama ni Kieran. Saka namang nag flat ang monitor. Napayakap ako kay tiya Clara habang panay ang iyak ko. Chineck lahat ng doktor ang dapat e check kay mama at ni revived nila ng paulit ulit ngunit flat parin ang screen." Time of death..10: 02." Anang Doktor na napatingin sa akin. Bigla akong kumalas kay tiya Clara at napayakap ako kay mama. Humahagulgol at niyuyogyog sya..ngunit wala..wala na syang buhay at hindi na sumasagot. Nakatingin sa akin ang lahat habang yakap ko pa din si mama. Hinahaplos ni tiya Clara ang aking likod habang sya ay umiiyak din. Saka ko naalala si ate. Dapat kong tawagan si ate. Pero hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kanya. Sa huli namalayan ko nalang kausap kona sya.
" O! Andyan naba si Tiya Clara? Tanong ni ate Allina.
" hmm..andito na sya. Ate..."
sabi ko na hindi ko mapigilang tumulo ng aking mga luha at napahagulgol narin."...ate...si mama..wala na si mama"
sabi ko nang walang tigil sa pag iyak. Hanggang maramdaman kong naputol na ang linya. Alam kong papunta na si ate dito. Malapit lang ang pinagtatrabahuan ni ate dito kay maaabutan pa nya si mama. Ngunit maya't maya pa ay may dalawang lalakeng dumating para kunin ang katawan ni mama at sinabi nilang sa morgue nalang daw puntahan ng mga kamag anak na gustong makita si mama.
Wala kaming nagawa dahil yun ang patakaran ng hospital. Nagliligpit ako ng mga gamit ni mama habang si tiya Clara ay binabantayan ako. Si kieran ay nasa labas ng pinto at may kausap sa telepono." Klarisse..pamangkin ko. Huwag kayong mag alala..hindi ko kayo pababayaan habang nabubuhay pa ako. Sayang ngalang hindi ko nakausap ang mama nyo."
Nasa ganun kaming sitwasyon nang biglang dumating si ate na humahangos at basang basa ang mukha ng luha. Bigla nya akong niyakap at kapwa kami napahagulgol.
Want kilig? This is for you..
True love behind beauty..
BINABASA MO ANG
WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)
VampireSi DRACO MAGNUS at ang kanyang pamilya ay sinusubukang mamuhay ng normal kasama ang mga normal na tao so lipunan. Kumakain ng pagkaing tao,nakikihalubilo at nakakaramdam ng pag ibig gaya ng iba. Pero ang hindi alam ng karamihan sila ay may itinata...