" Nope. I just arrived from work at nagpalit lang ako ng damit bago ka puntahan".
Bigla akong natahimik. Pakiramdam ko na blangko ang isip ko at wala akong maisip na sasabihin.
" So..are you ready to talk?"
Anito. Wala sa sariling napatango ako. Napasandal ito sa glass door habang naka sideview mula sa akin.
" Im sorry.." Simula ko. Napalingon ito at napakuno't noo.
" Sorry for what?"
" Sa naging reaksyon ko sa cebu nung araw na..."
" I was the one who supposed to say sorry..that you saw me like that..."
" No! I meant.. hindi mo ginusto yun. What I meant is..it doesn't matter whatever you look like. You're saving lives..and I admire that."
Bahagya itong napatawa.
" Really?"
Tumango ako ng ilang beses habang nakatitig sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili na yakapin sya at maramdaman muli ang init ng kanyang katawan.
" I have a monster face Allina.." Malungkot na saad nito.
" Mukha lang yun..at ikaw parin si Draco na may ginintuang puso at life saver"
Nakangiti kong saad. Matagal itong natahimik at pagkaraa'y napatitig sa akin.
" Kumain ka na ba?"
Naitanong ko. Napatango ito. Tila tahimik sya ngayon at tipid ang mga sagot nito. Umaasa akong may iba pa syang sasabihin bukod sa pagtango nya.
" I guess..i should let you go for now..para makapagpahinga ka na."
Saad nito. Nakaramdam ko ng pagkadismaya . Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin nya. Inis kong tinungga ang ang tsaang nasa table at hindi na ako sumagot pa.
" Goodnight Allina..lock your door".
Saad nito sabay labas sa glass door habang sinusundan ko ito ng tingin. Talagang yun lang ang sasabihin mo pagkatapos kong mag sorry. Ni hindi manlang nya ako na miss.!
Kinaumagahan ay wala si Draco, Amos at Drake sa hapag kainan. Samantalang pinakiusapan ako ni Chari na ako muna maiiwan kay Flavius na malugod ko namang sinabing Oo. Nasa harden kami at naglalaro ni Flavius nang dumating ang sasakyan ni Draco. Magkakasabay na iniluwa niyon sina Samuel at Amos.
Sinundo pala nila si Samuel sa airport. Anang isip ko. Biglang napatakbo si Flavius sa tito nya at tinawag ito.
Napalingon si Draco sa banda namin at lumapit ito habang sinasalubong ang nagtatakbong si Flavius." Uncle..wheres mommy?"
Mommy agad ang hinahanap nito na kaaalis lang. Natawa ako ng bahagya. Lumuhod si Draco sa bermuda grass at hinalikan sa pisngi si Flavius.
" Did you guys eat breakfast?"
Tanong ni Draco na nakatitig sa akin. Nakangiti akong tumango..nang biglang mag ring ang cellphone nito. Kaagad itong kinuha sa bulsa at sinagot.
" Yes Attorney Fuentes."
Dahan dahan nitong binitawan si Flavius at tumayo. Biglang nasira ang mood ko nang marinig ang pangalan ng attorney na yun.
Kaagad kong kinarga si Flavius at walang lingon lingon na dinala sa loob ng bahay. Umakyat kami ng kwarto at doon kami naglaro sa playing room nito. Almost lunch na nang makababa ako.
Napaliguan ko na si Flavius at mahimbing itong nakatulog kaya sumaglit ako sa baba para e check si Tyang. Busy ito sa pagmo monitor ng mga niluluto ng dalawang cook sa kusina. Nagtaka ako nang makita kong medyo madami ata ang inihahanda nilang pagkain.
" Tyang..may fiesta po ba?" pabiro kong saad.
" May bisita si Draco..kaya nagpahanda ng mga pagkain." Sagot naman nito.
" Sino po..?
" Si Attorney Fuentes"
Biglang akong napasimangot at tila nawalan ng gana. Nagpaalam ako kay Tyang na babalik sa taas baka magising si Flavius.
" Aba..kumain ka muna..saluhan mo na kami para makilala mo na din ang bisita natin"
" tyang..busog pa ho ako... at tsaka business associate yun ni Draco at wala naman akong kinalaman sa business nila kaya ok lang kahit wala ako."
Papalabas na ako ng kusina ng masalubong ko si Draco at tinatawag si Tyang Clara para sabihing ipahanda na ang mesa para sa lunch.
Hindi ko ito binati at nilagpasan ko ito at tuluyan nang napa akyat sa taas para tingnan si Flavius na natutulog sa kwarto ko.
Hindi ako mapalagay sa kwarto. Hindi ko malaman kung bakit pinupotakte ako ng panibugho.Gusto kong makikita kung anong nangyayari sa baba pero ayaw namang bigla nalang susulpot eh wala naman akong kinalaman sa pinag uusapan nila. Kaya minabuti kong tabihan nala si Flavius habang tulog ito. Napaidlip na rin ako.
BINABASA MO ANG
WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)
VampireSi DRACO MAGNUS at ang kanyang pamilya ay sinusubukang mamuhay ng normal kasama ang mga normal na tao so lipunan. Kumakain ng pagkaing tao,nakikihalubilo at nakakaramdam ng pag ibig gaya ng iba. Pero ang hindi alam ng karamihan sila ay may itinata...