CHAPTER 8ALLINA'S POV
Pasado alas onse na ng gabi pero tila ayaw akong dalawin ng antok. Hinawi ko ang kurtina ng pinto ng aking kwarto at binuksan ang sliding door. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang simoy ng hangin. Kinuha ko ang maliit na metal na upuan sa ilalim ng coffee table at inilabas ko ito sa may pinto..umupo ako at nag muni- muni nang makarinig ako ng kaluskos sa espasyong pumapagitan ng mga bulaklak na roses at palmera.
Napatayo ako at tiningnan ng maigi ang makapal na puno ng mga palmera..baka pusa or anuman. Nasisinagan ito ng kaunti sa ilaw na nagmumula sa poste ng gate. Umatras ako pabalik sa pinto at hinawakan ko ang switch ng ilaw. Pinakiramdaman ko ang paligid. Tila may mga yabag ng paa na palapit.
Namilog ang mga mata ko..sinong poncio pilato ang dadaan dito.sabi ko sa sarili. Palapit ng palapit ang mga yabag ng bigla kong pinindot ng switch ng ilaw. Nanlaki ang mga mata ko nang mapag sino ang nasa labas ng kwarto ko. Napako ang tingin ko at hindi ako makakilos.
Si Draco, hawak hawak ang brasong may mahahabang galos. Nagdudugo ang mga ito." Allina? Why are you still up at this hour?"
Matiim nitong tanong sa akin. Niluwagan ko ang bukas ng sliding door at umatras ako ng kaunti. Bigla akong nataranta sa nakitang mga sugat." Pasok!" Sabi ko.
"Ha? Gulat na tanong nito.
" Pasok! Sabi ko ulit na ikinalito nito lalo.
" Why the hell I am going in there? Pagalit na tanong nito.
" And why the hell you have wounds and its bleeding!?
Pagalit ko ring tanong. Bigla kong hinila ang isa pang upuan malapit sa coffee table at walang sabi sabing hinawakan ko sya sa braso na ikinagitla nya at iginiya ko sya para umupo.
Para itong robot na sumunod at umupo habang kinukuha ko sa drawer ang first aid bag ko. Naglabas ako ng povidone- vitadine, tweezer, sterile gauz dressings and at iba pang kailangan sa paglilinis ng sugat. Kinuha ko ang upuan na kaninay inilabas ko at umupo ako sa tapat nya. Dahan dahan kong hinawakan ang kanang braso nya at at ipinatong sa coffe table. Marahan ko itong nilinis at napansin kong wala ni anumang bakas ng sakit na maaaninag sa kanyang mukha. Tahimik ito habang nararamdaman kong nakatitig sa akin. Nag angat ako ng mukha at nagtama ang aming mga mata.Pakiramdam ko para akong napaso sa matiim nyang mga titig. Bakit ang misteryoso ng mga mata nya? Malalim ito at tila hindi mo maipaliwang kung anong klaseng emosyon meron sya sa mga oras na yun. Ibinaba ko ang tingin sa kanyang matipunong braso nang matapos kong linisin. Kinuha ko ang gauze pads at tinakpan ang sugat nya.
" May sugat ka pa ba bukod dito?
Napatingin ulit ako sa kanya. Marahan itong tumango at walang imik na itinaas ang t'shirt na suot at nakita kong may mahabang kalmot sa bandang tagiliran.
Napakunot noo ako.saan nya nakuha ang mga sugat na to?imposible namang sa pakikipag suntukan..dahil mga pasa lang dapat yun..unless bakla ang kalaban nya at mahahaba ang kuko at pakalmot ang trip Or kalmot ng babae! Bigla akong napalunok at tiningnan sya sa mukha na tila naghihintay na linisin ko ang kanyang sugat." Can you please take off your shirt and lay down in the bed? Pakiusap ko..
" What?! Kunot- noong sagot nito na tila nagulat sa sinabi ko.
" Sabi ko hubarin mo ang t'shirt mo at humiga ka sa kama..patagilid".
" Why? Tanong nito habang dahan dahang ibinababa ang t'shirt na para bang pinoprotektahan ang sarilii sa kapahamakan.
" Para malinis ko ang sugat mo. Alangan namang luluhod pa ako para makita yang sugat mo."
Biglang nagbago ang expression ng mukha nito nang maintindihan ang mga pinagsasabi ko. Dahan dahan nyang hinubad ang suot na t'shirt at humiga patagilid. Napalunok ako ng makita ang mga pandesal sa tiyan nya. Hindi na yata tiyan ang aking nakikita kundi bato.Hinila ko ang upuan para ipatong ang mga panglinis doon.
Dahan dahan kong ipinatong ang aking mga kamay sa matigas na tagiliran ng Greek God na nakahiga sa aking harapan. Marahan ko itong nilinis habang pinagyayaman ko ang aking mga mata sa parteng mabato. Ano kaya ang pakiramdam ang mahawakan ang ganitong ka well toned na abs.
Pinilig ko ang aking ulo at sinaway ang sarili. Ang totoo ay hindi pa ako nagkaka boyfriend sa buong buhay ko..kaya malamang wala pa akong nahahakang abs ng lalake. Hindi dahil sa walang nagkaka interest sa akin, ngunit nakasubsob ako sa pag aaral dahil sa totoo lang ay mahirap ang kursong nursing...at kahit gustuhin ko man ay wala talagang time para isingit ang pakikipag relasyon.
BINABASA MO ANG
WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)
VampireSi DRACO MAGNUS at ang kanyang pamilya ay sinusubukang mamuhay ng normal kasama ang mga normal na tao so lipunan. Kumakain ng pagkaing tao,nakikihalubilo at nakakaramdam ng pag ibig gaya ng iba. Pero ang hindi alam ng karamihan sila ay may itinata...