CHAPTER 9 "MISUNDERSTANDING"

94 6 0
                                    


CHAPTER 9

ALLINA'S POV

Ang buong akala ko ay may masakit sa katawan nya kaya nag alala akong tinanong sya. Pero ganun nalang ang gulat ko nang bigla nya akong siilin ng halik.
Damn! That was my first kiss, at hindi ko boyfriend ang nakakuha ng una kong halik..but it was Draco. The hot and smoken sexy greek god, mabango at gwapo na aminin ko man sa hindi ay minsan kong pinag pantasyahan ng konti...este..ng ilang beses.
Kaya sino ako para magpanggap na hindi attracted sa lalakeng yun? Tanong ko sa sarili. Sinalat ko ang aking mga labi..pakiramdam ko kasi nakadikit parin ang labi nya sa labi ko. Naaamoy ko parin ang gamit nyang body spray na isa sa mga dahilan kung bakit ako naging marupok kanina.
Nararamdaman parin ng mga palad ko ang matigas na katawan nito..at ang misteryosong mga matang yun ay tila nakakatitig parin sa akin na sagad hanggang sa aking kaibuturan.

DAMN! Nababaliw na ba ako. Kailangan ko ng tulonggggg! Bulong ko sa sarili.
Napagpasyahan kong bumaba para mag agahan. Bagaman kinakabahan ako na baka magkita uli kami ni Draco ay wala akong maggagawa. Ganun nalang ang tuwa ko nang madatnan kong wala sina Draco, Drake at Samuel ganun din si Owen at Amos sa dining table. Atleat hindi ako maiilang dahil sa nangyari sa amin kani kanina lang.

" Ay, gising ka na pala Allina, halika na at saluhan mo kaming tatlo dito." Saad ni tyang Clara

" Good morning! Kanina pa po ako gising..nilinis ko lang po ang sugat ni...Draco".
Sabay sabay na napatigil sina Klarisse, Charisma at Tyang sa pagsubo at napatingin sa akin. Napatigil ako at nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.

" Sugat? Bakit nagkasugat? Nagtatakang tanong ni Klarisse.

" What did you just say? Did he let you cleans his wound? "
Tila nagtataka namang saad ni Chari..napakunot noo ako.

" Kumusta ang sugat nya? Hindi ba malaki?" Tanong naman ni Tyang.

" Klarisse..what time ang klase mo? Hindi ba 9:30 baka ma late ka.?

" Ahh..nag volunteer si Kieran na ihatid ako ate..may pupuntahan kasi sya kaya sasabay na ako"
Napakunot noo ako habang kumilos na ito para umalis. Naupo ako sa mesa habang curious na nag aantay ng sagot ang dalawa.

" Well...? Hindi makapag antay na saad ni Chari.

" Eh bakit naman sya hindi papayag na linisin ko ang sugat nya? Eh hindi ba family nurse nyo ako?" Naguguluhan kong baling kay Chari.

" Well ..im just surprised kasi dati ayaw nyang magpagamot."
Tipid na sagot ni Chari sabay hawak sa basong may lamang orange juice.

" Ah ok. At medyo malalaki yung sugat. Ang pinagtataka ko lang ay mahahaba sya na parang kalmot ng kuko ng agila."
Nagkatinginan sila Tyang at Chari.

"... hobby ba nya ang mangaso? Biglang naibuga ni Chari ang iniinom na orange juice at napaubo ito ng sunod sunod. Maagap ko syang naabutan ng tissue paper para ipang punas at nang maka recover ay tawa ng tawa. Nagkatawan na rin kami ni Tyang.

" Paano mo nasabi yun?" Ani Chari

" well..kung nagpupunta sya ng gubat malamang na may mga mababangis na hayop doon na kung saan pwede nyang makuha ang sugat nya."
Napangiti si Chari.

" Or maybe he had an encountered with a monster last night"

Namilog ang mga mata ni Tyang Clara sa sinabi ni Chari..napatawa lang si chari. Hindi nya akalain na sa likod ng gandang yan ay may naitatago pala itong sense of humor.
Umalis si Chari papuntang trabaho afted mag agahan at naiwan si Flavius sa amin ni Tyang kasama namin ang yaya nitong si Irena.

KLARISSE POV

Nakangiti ako sumampa sa likod ng sasakyan ni Kieran, habang sya naman ay sa driver's seat dahil wala si Amos at nagda drive para kay Draco. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita kong nakatingin sya sa salamin..at kahit may sun glasses sya ay alam kong sa akin sya nakatingin. Napakunot noo ako nang hindi pa nya pinapaandar ang sasakyan.

" Hindi pa ba tayo aalis Kieran? Baka kasi ma late ako sa klase eh"
Nag alala kong saad.

" Seriously? Are you gonna sit there? Tila naiinis nitong tanong.

" Ha? Bakit..saan ba ako dapat maupo.?

" You come and sit her by my side. You lady should learn where to sit okay? Coz am not your personal driver!"

Bigla akong nataranta nang bigla tumaas ang boses nya. Mabilis akong lumipat sa tabi para makaalis na kami. Hindi ko naman kasi alam na big deal pala sa kanya kung saan ako dapat umupo. Medyo feeling ko napikon din ako sa naging tono nya.

" Sorry..hindi ko alam kung saan dapat umupo."
Napa iling iling lang ito sa sinabi ko. Ipinihit ko ang katawan ko sa kanang bahagi ko at itinuon ko ang tingin sa labas ng bintana at nanatili akong nasa ganung posisyon hanggang makarating ng school ko.

Hindi ko sya inimikan at nagsalita lang ako para magpasalamat sa kanya bago bumaba ng sasakyan. Hindi na ako lumingon pa dahil parang gusto kong mapaiyak sa naging akto nya kanina.
Naramdaman kong nagtagal sya ng ilang minuto bago umalis..siguro na realized nya bigla ang ginawa nyang nakakapikon.
4 pm na ng hapon nang matapos ang klase ko..ngunit halos 6pm na ako nang makalabas ng school sapagkat tinapos pa namin ang research ng ka grupo ko na kailangang e'submit bukas ng hapon para sa last period na subject.
Nag text ako kay ate at nagpaalam dito kung anong oras ako makakauwi. Sobrang nainis ako nang umikot pa kami sa kabilang building para makalabas ng school dahil nakasara na ang entrance gate nang ganung oras.
Medyo naghahabol ako kasi ang hirap sumakay ng jeep o taxi sa harap ng school pagka rush hour at uwian na. At hindi nga ako nagkamali talagang agawan sa pagsakay ng jeep dahil sa dami ng mga estudyante.
Nang sipatin ko ang suot na relo ay 6:35 na ito. Kailangan kong maglakad ng mga dalawang kanto mula dito at doon ako mag aabang ng sasakyan sa unahan. Magta taxi nalang ako para mas mapa bilis..pero naalala ko ang sabi ni Luisa na mas mabilis kung mag angkas nalang.

Kasi nakakasingit ang motor sa maliliit na eskinita at mayron silang mga short cut. Agad kong kinuha ang cellphone sa bag para mag book ng angkas..and within 18 minutes dumating na nga ang motor.

Almost 8 nasa harapan na ako ng mansion ng mga Magnus..at nagpasalamat ako kay Mr. Angkas bago humarurot paalis. Nginitian ko si Kuya Leo..ang guard sa gate at bumati ako. Binuksan nito ang gate para makapasok ako. Nang makapasok ako ng pinto ay nabungaran kong nag uusap sila Tyang at ate Allina na tila nag aalala..nandun din si Kieran na tila galit ang mukha.

" Saang lupalop ka nanggaling Klarisse?
Bungad sa akin ni ate. Napataas ang kilay ko.

" Saan pa ba..sa school. Hindi ba nagtext ako sayo na malilate ako ng konti? "
Naguguluhan kong tanong.

" School? I was waiting outside the gate for 2 hours to pick you up but you never showed up!"

Sabad ni Kieran. Napakunot noo ako. Dahil wala naman syang sinabing babalikan at susunduin nya ako.

" Iha..nakailang tawag ang ate mo sayo...pati si Kieran pero hindi mo sinasagot kaya nag alala na kami kung nasaan kana".
Ani Tyang. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at tiningnan ito..may sampung missed calls galing kay ate at 6 missed calls sa unregistered na number at alam kong number yun ni kieran. May mga text messages pa.

" Im sorry..hindi ko na nabasa at nasagot ang mga text message nyo dahil nagmadali akong humanap ng masasakyan. Yung entrance gate ay nagsasara in 6pm kaya umikot pa ako sa kabila ng building at doon ako sumakay. Salamat sa pag aaalala ninyo at sorry ulit.
Aakyat na ako at masama ang pakiramdam ko".
Mabilis akong tumalikod at hindi ko na alam kung anong naging reaksyon nila. Basta ang alam ko ay gustong humulagpos ng mga luha na kaninang umaga ko pa pinipigil.
Bakit feeling ko lahat ay kasalan ko ngayong araw na ito. Pagod na nga ang isip ko sa pag aaral puro sigaw pa ang narinig ko at paninita na para bang isa akong paslit na nagkamali at sinisita kung anong ginawa ko. At ang kieran na yan..napaka sungit! Na para bang pasan nya ang problema ng buong mundo.

WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon