Hanggang makabalik kami ng hotel ay hindi ko sya inimik at nanatili lang ako sa coffe table habang nakatanaw sa kawalan. Hindi ako kumain ng lunch narinig ko nalang ang saad ni Draco na babalik na kami ng maynila.
Kumilos ako at sumakay ng sasakyan habang malayo ang distansya sa kanya. Hanggang makarating nang maynila ay hindi din sya nagsalita at tahimik lang na nakamasid sa akin.
Dalawang sasakyan ang sumundo sa amin sa NAIA. Sina Amos at Owen at kay Owen ako napasakay. Napansin kong sumakay si Draco sa isang sasakyan na minamaniho ni Amos. Nagtaka man ako sa isip ko..ay lubos akong nakahinga ng maluwag at ipinagpasalamat ko sa sarili na magkahiwalay kami.Ayokong makita ang mukha nya na alang alala sa akin at parang ang bigat ng dinadala nya habang magkasama kami kanina. Gusto kong bigyan ng linaw ang isip ko at magkaroon ng time para ma process lahat sa utak ko ang mga naganap.
Inaamin kong natakot ako bagaman may hinala na ako dati pa ay nawala na iyon sa isipan ko at hindi ganito ang inaasahan ko.
Nang makapasok ako ng mansion ay nadatnan kong nag aantay sina Chari at Tiyang na tila balisa at hindi mapalagay. Pero wala ako sa sarili para makipagkuwentuhan. Mataman nila akong tinitigan." Allina.." Bungad ni Chari
" Not now Chari."
Wala sa sariling sagot ko at dire direto na umakyat ako sa kwarto. Naupo ako sa isang sulok habang nakatulala. Maya't maya pay namalayan kong nasa banyo na ako at nakatingala habang sinasalubong ng mukha ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower.
Matagal yun bago ako nagpasyang lumabas at bahagyan pa akong nagulat nang madatnan kong nakaupo si Tiyang sa gilid ng kama ko.
" Ilang taon din kayong nanungkulan sa pamilyang Magnus..kaya sigurado akong alam mo din ang sekreto nila".
Wala sa sariling saad ko. Napatango si Tiyang ng ilang beses.
" Oo..alam kong sobra kang natakot pero mukha nya lang ang halimaw at may mabuti syang puso. Ang pamilyang Magnus ang nagligtas sa amin ng mama mo. Mga Magulang sila ni Draco... at sa pangalawang pagkakataon Allina.. ay muli akong niligtas ng mga Magnus, at iyon a sina Draco at Chari.
Kaya ko ibinigay ang buong tiwala at serbisyo sa kanila."Bigla akong napatigil at tuluyan akong napaupo sa gilid ni Tiyang..at nakinig sa kuwento nya hanggang sa lumabas na si tiyang. Nahiga ako sa kama habang hindi maalis sa isipan ko ang mukha ni Draco. Hanggang sa hindi kona namalayang nakatulog na pala ako.
Hindi ko namalayan ang paglipas nang oras at nagising ako ng mag a alas nuebe na ng gabi.Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura kaya napahahawak ako ng tiyan.Hindi ako nananghalian pagka alis namin ng Cebu dahil sa di inaasahang pangyayari kaya pakiramdam ko nanginginig ako sa gutom. Bumaba na ang blood sugar kaya ako nakaramdam ng ganito.
Nagpasya akong bumaba para makapag hapunan. Paglabas ko ng kwarto ay nagpalinga- linga ako sa mga katabing mga kwarto ngunit tahimik na. Tulog na ata ang mga kasama ko sa bahay. Lalo na si Klarisse dahil may pasok pa ito.
Maingat kong binaybay ang hagdan pababa, ngunit nang tuluyan na akong makababa ay nabungaran ko si Chari sa kitchen counter. Nakasuot ito ng roba at may hawak ng redwine glass. Bumati ito sa akin ." I guess you feel hungry now." Bahagyang nakangiting saad nito.
" Yeah I guess so.."
At kasabay nun ay parang multong nagparamdam ang aking tiyan ng pagka gutom. Napatawa ito ng tuluyan.
" You guess so huh? Talagang paparusahan mo ang sarili mo sa gutom dahil natakot ka sa kuya ko?"
Inirapan ko sya at walang imik na tinalikuran para mag init ng pagkain..at nang ok na ay napaupo ako sa katapat na stool sa kitchen counter na inuupan ni Chari..at walang sabi sabing sumubo dahil sa sobrang gutom.
" I know he really looks scary onced he turned into a monster form..but he is not bad as you think Allina."
Bigla akong napatigil sa pagsubo at tinitigan si Chari na seryoso ang mukha.
" He helps people in his fucking entire life Allina. I almost called him God of help. Dahil hindi lang yung mga bibiktimahin ng mga monster killer ang tinutulungan nya kundi nagpatayo pa sya ng mga charity foundation."
Patuloy na saad nito habang sumisimsim ng redwine.
" Alam ko...."
Tipid na saad ko na ikinagulat nya. Nagningning ang mga matang napatitig sya sa akin.
" Really?! Pero...pero natakot ka pa rin sa kanya kahit alam mo?"
Parang may lungkot sa mga matang tanong nito." For godsake Chari! First time kong makakita ng halimaw sa buong buhay ko! Ano sa palagay mo ang magiging reaksyon ko? Matawa? Hindi ba normal lang na matakot ako?"
Tila napakunot noo ito at nasaktan sa sinabi ko..at huli na para bawiin ko pa ang salitang " halimaw".
" Im...im sorry..i just meant that..halimaw na mukha.."
Napalunok kong saad." Its okay! That's the truth..halimaw ang mukha namin..."
Tila mas lalo yata itong lumungkot ang mga mata nito.
" Cha..Chari...pati ikaw?! Gulat kong tanoong. Hindi makapaniwalang napakunoot noo ito na tila sinasabing
" seriously? Allina..iisang magulang lang kami..at iisang dugo lang ang nananalaytay sa mga ugat namin. What do you think I'll be become? Mars Alien ako habang filipino monster ang kuya ko.? You're unbeliebable! Dismayadong saad nito.
"Im sorry...malay ko ba naman...."
" You don't know how worry he is for you Allina. First time ko syang maringgan ng ganung pag aalala".
Pagpapatuloy pa nito. Kaya mas lalo akong na guilty.
" Chari..si Kieran.."
" Yes Allina..he is a rookie that is why he has difficulty in controlling his body and mind. Lalo na't may kakaiba syang taglay na gift."
Napakuno't noo ako. Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin.
" He can read minds Allina.."
Nagulat man ako ay sinarili ko na lamang. Hindi ko akalaing sa movie lang nangyayari ang mga ganito..and worst kasama ko pa at nasa iisang bahay lang kami. I meant not worst..maybe I am bit lucky.Sabi ko sa sarili.
" Chari..anong...anong kinakain nyo?"
Bigla itong napatingin sa gawi ko. Tila nagbago bigla ang kulay ng mga mata nito..mula sa brown ay naging black. Napatakip ako ng bibig. Nagalit ko ba si Chari? Kinakabahan kong saad. Nakaramdam ako ng takot ngunit bigla itong napabunghalit ng tawa ng makita ang reaksyon ng mukha ko.
" Seriously? You really scared of me?
Mataman ko syang tinitigan at nagpakurap kurap ako.
" And you're .. taking advantage of me.."
sabi ko habang hawak ko ang dibdib.
" Gaya ng nakikita mo..kumakain kami ng normal food although abnormal ang katauhan namin. Nabubusog kami pero hindi yun nagbibigay ng lakas sa mga katawan namin allina."
Sa sinabi nyang yun ay napatigil ako. Kung ganun kumakain sila nang....oh my...! Ayaw kong isipin. Napapikit ako nang hindi ko namamalayan.
"We don't suck human's blood or eat human flesh Allina..kung yan ang iniisip mo."
Napatingin ako sa mukha nya..at pilit ko syang iniintidi.
" We satisfy our cravings and feed ourselves with animals blood and flesh..we were trained when we were young, by our parents."
BINABASA MO ANG
WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)
VampireSi DRACO MAGNUS at ang kanyang pamilya ay sinusubukang mamuhay ng normal kasama ang mga normal na tao so lipunan. Kumakain ng pagkaing tao,nakikihalubilo at nakakaramdam ng pag ibig gaya ng iba. Pero ang hindi alam ng karamihan sila ay may itinata...