Ano bang ine expect mo Allina? Pagkatapos mong matakot sa kanya natural na iiwasan ka niya. Bulong ko sa sarili. Naupo ako sa hapag kainan habang patayo naman sila Klarisse at Kieran.
" papasok kana ba nyan?" usisa ko kay Klarisse.
"oO ate.."
" wait..may pera ka pa ba?"
" meron pa..pero next week bibili ako ng libro."
Paalala nito sabay tango ko naman. Bumalik si Klarisse sa taas at ganun din si Kieran at makalipas ang kinse minutos ay naunang bumaba si Kieran suot ang black sun glasses at hawak ang susi ng sasakyan. Tila inaantay nito ang pagbaba ng kapatid ko. Napakuno't noo ako.
" Kieran..may inaantay ka ba? Hindi na nakatiis na tanong ko.
" Ahh.. si Klarisse..i'll bring here to school.."
Tila nahihiya nitong saad.
" Naku! Hindi mo sya kailangan ihatid regularly..nakakahiya naman sayo at tsaka may "Angkas" naman" paliwanag ko.
" Hmmm Allina.. hayaan mo na. Maganda ngang safe ang kapatid mo pag si Kieran ang maghahatid."
Singit naman ni Tiyang Clara.
" That's right! Tsaka para walang boys na makalapit"
Halos pabulong na saad nito na ikinataas ng kilay ko. Ilang sandali pa'y bumababa na si Klarisse at nagpaalam sa amin habang mabilis itong naglakad palabas ng bahay habang humahabol si Kieran.
Mukhang umatake na naman ang katarayan ni bunso. Ni hindi nito inantay si Kieran..baka hindi pa sila okay. Sa isip ko." Allina..nag usap na ba kayo ni Draco?"
napatigil ako sa pagsubo dahil sa tanong ni tyang.
" Hindi pa ho eh..mukhang iniiwasan nya ako at hindi ko din alam kung papaano sisimulang kausapin sya."
" Naniniwala akong kaya mo yan. Subukan mo lang dahil alam kung umiiwas sya sayo dahil baka binibigyan ka lang ng oras hanggang sa handa ka nang kausapin sya." Napatango ako.
Nang araw na yun ay hindi ko sya nakita. Hindi ko malaman kung nasa kwarto ba sya, nasa trabaho o nasa opisina. Nang tingnan ko ang garahe ay wala ang sasakyang lagi nyang ginagamit kaya nasisiguro ko na nasa trabaho na sya. Siguro mamaya nalang nya ito kakausapin pag nakita nyang muli.
Ngunit lumipas ang gabi nang pag aantay ay walang Dracong dumating. Wala ito sa hapag kainan at mukhang wala din sa opisina nito. Maging si Samuel ay hindi ko din nakikita. Pero nang tanungin si Tiyang ay nasa ibang bansa daw ito para sa business na inaasikaso.Nang matutulog na ako ay may mga katok akong narinig sa pintuan at nang pag buksan ko ito ay nakita ay nabungaran ko si Chari.
" Hey..may kailangan ka?'"
" Yeah, I was just wondering if you can accompany me tomorrow? Im gonna bring Flavius with me dahil may pictorial sya para sa bagong baby clothing na ilalabas sa magazine. Day off ang yaya nya..so maybe I could bring you with us?"
Nakangiting saad nito.
" Ofcourse! Anytime. Magmo model din ba si Flalvius?" Natutuwa kong tanong.
" Saan pa ba magmamana"
sabay tawa n I Chari."... so we will leave at 8am tomorrow." Anito
" Okey..may time pa akong e check yung dalawang pasyente bago tayo umalis."
Nang makaalis si Chari ay nahiga sya sa kama habang okupado ang isip nya tungkol kay Draco. Sabik na syang makita ito. Ngunit paano naman mangyayari yun kung patuloy itong iiwas sa kanya.
BINABASA MO ANG
WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)
VampireSi DRACO MAGNUS at ang kanyang pamilya ay sinusubukang mamuhay ng normal kasama ang mga normal na tao so lipunan. Kumakain ng pagkaing tao,nakikihalubilo at nakakaramdam ng pag ibig gaya ng iba. Pero ang hindi alam ng karamihan sila ay may itinata...