CHAPTER 3 "MEETING WITH THE MAGNUS"

129 4 0
                                    


CHAPTER 3


ALLINA'S POV

Bigla kong pinatay ang telepono at napatakbo sa locker room na humahagulgol. Nasalubong ko ang ka trabaho ko at sinabing patay na ang nanay ko at pupunta ako ng hospital. Alam kong alam nya ang nagyayari kaya hindi na sya nagtanong pa sa akin. Nag taxi ako dahil gusto kong makarating agad ng hospital..patakbo akong pumasok ng ward ni mama ngunit wala na sya dun.

" Allina..."

malungkot na saad ng isang boses sa likod ko. Napalingon ako..hindi na ako nagtanong pa..alam kong si tiya Clara ang kaharap ko kaya bigla ko syang niyakap habang humahagulgol.
Maya't maya pa'y nasa loob kami ng morgue habang yakap ko si mama. Hinaplos haplos ko ang maamo nyang mukha at hinalikan sa magkabilang pisngi. Ganun din si Klarisse at tiya Klara..bago kami malungkot na lumabas ng morgue.
Nadatnan namin ang kasama ni tiya Klara na si Kieran sa labas ng morgue at nag aantay ito.

" Nay, can I speak to you alone?

Napatingin kami ni klarisse sa binata at mayat maya ay lumayo kami bahagya at naupo sa waiting area. Tinitingnan namin ang dalawa habang seryosong nag uusap.

"weird!" Sambit ni klarisse sabay irap.

" Ha?" nalilito kong tanong at tiningnan si Klarisse.

" Yung kasama ni tiyang na pogi.. ang weird..kanina pa yan naka salamin".

" sssshhh! Kung ano anong napapansin mo."
Sabi ko habang palapit sila tiya sa amin.

" Mga anak..tayo na muna umuwi sa inyo. Ihahatid tayo ni Kieran sa bahay nyo para makapagpahinga muna.

" Po? Eh aasikasuhin ko pa po yung katawan ni mama at burol nya at yung bills namin dito."
Paliwanag ko.

"Leave it to me Ms. Santos. I already arrange a funeral for you mom..and some people to assist..and ill take care of the hospital bills . I'll take you home guys and so you can have sometime before you go to the funeral."

Pinipilit kong intindihin ang sinasabi ni Kieran. Na sa isang iglap lang ay sasabihin nitong naka arranged na at uuwi kami para makapagpahinga. Gusto kong humagulgol ulit habang naaalala ko ang mukha ni mama at sa pagkakataong yun ay hinawakan ni tiga Clara ang kamay ko at pisil pisil.

" Sigurado ka..Mr....

" Magnus! But just call me Kieran" Sambit nya. Napatango ako.

" Ah..Mr. Magnus.. kasi nakakahiya sayo..ako dapat ang mag asikaso...

" Its really fine Ms. Santos. You don't have to worry about it. Just think about it as a return favor for nanay Clara as her never ending service to our family."

Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi nya. Nagpasalamat ako at kinamayan sya. Siguro nga mayaman ang pamilya nya. Isang tawag lang may mag aasikaso na nang pangangailangan. Sabagay, sa matagal na panahong hindi namin nasilayan si tiya Clara..ilang taon din yun na alam ng nanay kung nagtatrabaho sya sa isang prominenteng pamilya sa isang bayan sa Probensya ng samar.

Hindi na sya nag asawa pa. Patunay lang yun ng tapat nyang paninilbihan sa pamilyang Magnus at kayang nyang ipagpalit ang sariling kaligayahan keysa harapin ang personal na buhah at magkaroon ng asawa't mga anak. Kahit si mama ay natiis nyang hindi makita sa mahabang panahon. At ang malas pa na sa huli nilang pagkikita ay syang paglisan ni mama. Kaya siguro ngayon ay tumatanaw ito ng utang na loob.
Siguro nga hinhintay lang ni mama na dalawin sya ng kanyang nakakatandang kapatid bago sya lumisan sa mundong ito.

Malungkot kong tinitigan ang labas ng hospital bago sumakay sa magarang sasakyan ni Mr. Magnus. May driver pa ito. Napapagitnaan namin si Tiya Clara habang kapwa naming yakap ito. Habang nasa tabi ng driver si Kieran. Nakarating kami Centennial kung saan kami nakatira. Mabuti nalang nasa second floor lang kami kung hindi mahihirapan umakyat si tiya Clara.
Inalok naming pumasok si Kieran pero tumanggi ito at sabi ay babalik ng hospital para asikasuhin ang funeral ng nanay nya.
Saka nya naalala ang bills ng hospital.
Pero sinabi ng tiya nya na inasikaso na ito ni Kieran kaya wala na syang dapat ipag alala. Nagulat man ako sa sinabi ng tiyahin ay isinantabi ko muna.
Nang makapag tanghalian ay ipinakita namin ang mga larawan namin kasama si nanay. Panay ang hikbi ni tiya Clara habang malungkot na nakangiti.

WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon