CHAPTER 4 "THE BURIAL"

129 5 3
                                    

CHAPTER 4

A

LLINA'S POV

Nailibing si mama sa maayos na libingan sa tulong ng pamilyang Magnus. Hindi na ako tumanggi bilang respito kay Tiya Clara na mabigyan ng maayos na libing ang kanyang kapatid.
Naroon ang buong pamilyang Magnus. Kasama ang driver ni Charisma na sina Owen at driver ni Kieran na si Amos. Nandon din ang bestfriend ni mama na si Tita Alice at anak nitong si Luisa na kababata namin ni Klarisse.
Nang matapos ang libing ay buong puso akong nagpasalamat sa pamilyang Magnus.
Nakakapanibago nang bumalik kami sa inuupahan naming bahay. Wala na si mama. Dalawa nalang kami n klarisse. Ibabalik namin ang dati sa normal na kahit wala na si mama ay patuloy parin ang buhay. Nadatnan kong umiiyak si klarisse sa loob ng kwarto kaya niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko hanggang sa makatulog ito.
Bukas babalik na ako ng trabaho ganun din si Klarisse sa kanyang pag aaral.
Gustong manatili ni tyang sa amin kahit isang buwan lang ngunit sinabi kong mag iisa lang sya sa bahay pag wala kami ni klarisse at sa halip kami nalang ang dadalaw sa kanya pag wala akong trabaho.
Napagpasyahan kong mag iipon ako ng pera para sa pang review ko at nang makapag take na ako sa board. Nang sa ganun maging ganap na akong nurse. Kailangan ko nang makapagtrabaho para sa pag aaral ni klarisse at gastusin namin sa araw araw.
Dalawang taon nalang ang gugugulin ni Klarisse at ga graduate na sya ng accounting at makakapagtrabaho na din.
Nakaraan ang isang linggo nang tumawag ulit si Tyang. Iniimbitahan nya kami sa bahay ng mga Magnus, ngunit dahil sa ilang araw kong pagliban sa trabaho ay sinabi kong hindi ako makakapunta bagaman si Klarisse ay pwede. Naintindihan naman ni tyang ang paliwanag ko.

Klarisse POV

Sunday ng 9 am. Nagulat nalang ako sa sunod - sunod na katok sa pinto ng bahay namin. Katatapos ko lang maligo at magbibihis na sana ako para umalis at dalawin si Tyang Clara sa bahay ng amo nya. Nagsuot uli ako nag bathrobe at mabilis na tinungo ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang mapag sino ang nasa pinto. Gaya ng dati ay nakasuot parin ito ng sun glasses.

" Kieran? Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha ko.

" I see..hindi ka pa pala nakabihis. So..how many minutes will it takes for you to get dress and all? Napataas ang kilay ko.

" Nandito ka para sunduin ako? Kasi wala namang sinabi sa akin si tiya na may susundo,dahil kung alam ko eh di sana inagahan ko."

" I volunteered!" Kaagad na sagot nito.

" Bakit? Nakakahiya naman sayo. Hindi naman ako ganung ka importante para sunduin pa. Actually hiningi kona ang address kay tiya at magtataxi nalang sana ako."

" You are important! " Mabilis na sagot nito.

" Ha? Napakunot noo ako sa sinabi nya.

" Yes,..you're so important...to nanay Clara." Tiningnan kong maigi ang kaharap ko at tila napakunot noo naman ito.

" Go and get dress!" Sabay pasok nito sa loob.

" Teka lang! Saan ka pupunta? Pigil ko sa kanya habang tuloy tuloy sa loob.

" Is that how you treat your visitor?

" Ha? Hindi syempre!

" Then can I sit here while waiting for you to get dress."
Tumango ako ng tatlong beses bilang pag sang ayon. Tumigil muna ako sandali at tiningnan ko sya habang nakaupo at hindi tinatanggal ang salamin.

" Gusto mo ng maiinom? ..juice..tubig..or.."

" Im fine. Just go and get dress..okay? Pilit akong napangiti at sinisipat ang kabuan niya.

WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon