CHAPTER 16 "HEART TO HEART TALK"

94 3 0
                                    


CHAPTER 14


" Naiintindihan ko Chari. Just give me time to process and accept the truth. Masyado lang akong na shocked sa mga nangyari..but im not judging anyone of you"

" I understand.. and thank you for understanding. You know it is hard for kuya Draco to trust people..and i was surprised that he easily trusted you".

Napatingin ako dito. Naisip ko kung kumusta na kaya si Draco at nasaan kaya ito pagkatapos nang mapang husga kong tingin at matapos ko syang katakutan. Pakiramdam ko sobrang guilty ako ngayon dahil sa nangyari.

" if your wondering where he is right now..i can only tell that he is hunting monster somewhere in quezon".

Natahimik ako at tila nakaramdam ng pag aalala. Nababasa ba ni Chari ang iniisip ko.? Bulong ko sa sarili.

" dont worry..Amos and Drake are with him right now"

napatango ako pero ang totoo nakakaramdam ako ng takot para kay Draco na masaktan ulit ito.

" I' ll go ahead Allina. Baka magising si Flavius" Napatango ako.

" goodnight Chari.."

" Goodnight Allina"

Nakaraan ang ilang oras ay ay hindi parin ako dalawin ng antok. Napaupo sa gilid ng aking kama at binuksan ko ang kurtina ng glass door. Matagal akong nakatayo doon at nakatingin sa kawalan, na tila ay may hinahantay na susulpot sa kung saan. Pero tahimik ang paligid. Imposibleng makauwi ngayon sila Draco kung halimbawang nasa Quezon man ang mga ito.
Gustong gusto ko syang makitang muli at humingi ng sorry dahil sa naging reaction ko sa Cebu. Pero sa totoo lang ay hindi ko alam kong papano ito haharapin..at kung papaano ko sisimulan ang sasabihin.
Bumalik ako sa higaan ng may lungkot sa pakiramdam. Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog ako..at hindi na rin namalayan ang ang pagdating ng isang pamilyar na bulto ng katawan na nakatanaw mula sa labas ng glass door sa naiwan kong bukas na kurtina.


DRACO'S POV

I was in Quezon with Drake and Amos for an hunting mission when I received a text message from Chari saying that she got it settled. It was a signal that she already talk to Allina and that I should give her time until she processed everything that has happened.
I was so damn worried for her and felt guilty for having her discovered what and who I am. I hurriedly back to Manila after I got the message and let Amos and Drake clean the job I finished that night. It was already 4 in the morning when I reached home and saw her laying in bed quietly beautiful.

Why is she sleeping with a curtains open? I furrowed my eyebrow. I cant close the curtain as her glass door was locked so I entered in my room and get out of my main door through the lobby inside the house and and carefully walked and slowly opened her room door. Did all I can to not wake her up while closing those glass door curtains and got back to my room and catch some sleep.

3RD PERSON POV

Nakangiting binabaybay ni Allina ang kahabaan ng makitid na daanan papunta sa bahay nilang napapligiran ng mga halaman at mga rosas na kulay pula at puti. Ngunit bago pa sya nakarating ng bahay ay dumaan sya sa maliit na tulay at tumigil doon para tapunan ng pagkain ang mga isda sa ilalim ng tulay.

Nagtalunan ang mga ito sa tubig sa pag aagawan ng pagkaing itinapon nya. Napangiti sya at biglang napalingon nang marinig ang mga boses sa loob ng kanilang tahanan. Malayo palang ay dinig na dinig na nya ang hagikgikan ng kanyang mag ama.
Ang mala anghel na boses ng kanyang anak at ang dumadagundong na boses n tila kulog mula sa kalangitan ng kanyang pinkamamahal na asawa. Nanggigil sya at napatakbo para makita ang dalawa. Nadatnan nya ang mga ito na naglalaro sa sala at kapwa nakatalikod sa kanya. Ngumiti sya ng pagkatamis tamis at tinawag ang kanyang mag ama..

" Celeste..Draco...im home!"

Dahan dahang lumingon ang dalawa at bigla syang napasigaw nang makitang pulang pula ang mata ni Celeste at may dugo ang mahabang mga koko habang nakangiti itong nakatingin sa kanya.

Hindi sya makakilos mula sa pagkakatayo at pakiramdam nya ay malalagutan sya ng hininga. Hanggang napabalikwas sya sa higaan at hawak ang dibdib habang naghahabol ng hininga.

" diyos ko...panaginip lang pala.."

sambit ni Allina sa sarili sabay tayo at kinuha ang tubig sa coffee table at tinungga ang laman niyon. Hanggang mapadako ang tingin nya sa kurtinang nakasara na sa glass door. Napakuno't noo sya. Hindi nya maalalang isinara nya ito kagabi. Lumapit sya sa may glass door at hinawi ng konti ang kurtina para tingnan ang labas na halos maliwanag na.
Napatitig sya sa relo..almost 7 na ng umaga kaya nagmadali syang pumasok ng banyo at naligo. Nagsuot ng color white na blouse at black trouser at nag wisik ng cologne bago lumabas ng kwarto.

Nadatnan nyang nasa hapag kainan na sila Klarisse , Tiyang Clara nya at Kieran ngunit wala si Chari.

" good morning po..si Chari?"

tanong ng dalaga. Biglang tumayo si Tiyang Clara at hinila si Allina sa sala.

" Nasa guest room si Chari at inaantay ka. Kailangan ka ni Amos at Drake"

nag aalalang napatitig si allina sa matanda at mabilis na tinungo ang guest room. Mabilis nyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang apat na pares ng matang biglang napako ang tingin Sa kanya.

" antayin nyo ako kukunin ko lang ang medical kit ko."

Anya at akmang tatalikod na sana nang pigilan sya ni Chari.

" no need Allina. Kumpleto dito sa loob ng mga gamit. Pumasok kana"

Naiilang syang pumasok habang nakatitig sa kanya ang isang pares na pamilyar na mga mata. Si Draco na biglang kumilos at iniabot sa kanya ang medical box na hawak hawak. Inuna nyang linisin ang mga sugat ni Drake sa leeg at braso habang tahimik lang sya. Tumulong naman si Chari at ginunting ang damit ni Amos para makita ang sugat.

Napangiwi ito nang tumambad ang dibdib na may mahahabang kalmot.

" My gosh! Ang laki mong tao Amos..ba't hinayaan mong sugatan ka ng mga halimaw na yun?"

Bahagyang napatawa ito sa sinabi ni Chari at si Drake naman ay napapalatak.

" So Allina. Hindi ka ba natatakot sa amin? After what you've discovered?"

Ani Drake. Napatigil si Allina at tiningnan si Drake na nakangiti, lumipat ang tingin nito kay Chari na nagkibit balikat lang at napataas ang ulo at tinapunan ng tingin si Draco na tila nag iwas naman bigla ng tingin.

" May dapat ba akong ikatakot Drake?"
Bahagya itong napatawa.

" I like you already. I hope I can find a girl who doesn't fear me when she discovered my monster feature.."

Napalunok si Allina sa sinabi nito. Hindi mo lang alam Drake kung papaano ko kinatakutan ang kuya mo. Na para bang sya na ang pinaka nakakatakot na nilalang sa mundong ito na pinagsisihan ko.bulong ko sa sarili.
Nang matapos kong linisin ang mga sugat nila ay nagpabili nalang ako ng pain reliever na kahit alam kong hindi tatalab sa mga katawan nila. Naunang lumabas ng kwarto si Chari dahil papasok pa ito ng trabaho..habang nanatili naman ang dalawang sugatan sa guest room.

Nagpaalam ako sa dalawa at akmang lalabas na ako ng pinto nang halos magsabay kami ni Draco. Napatigil ito at nagbigay daan para mauna akong lumabas at walang imik na sumunod ito sa likuran ko.

Pinakiramdaman ko kung magsasalita ito pero nanatiling tahimik. Gusto ko mang makausap sya ngunit parang biglang umurong and dila ko.
Lumiko ako pakaliwa para bumalik sa baba at makapag almusal. Inasahan kong susunod din sya sa baba ngunit dumiretso ito sa kanan nang lumingon ako at pabalik na sa kanyang kwarto. Til nakaramdam ako ng disappointment dahil sa pag aakalang kakausapin nya ako.

WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon