CHAPTER 6
Hi guys, did you like what you're reading.?
Please vote if you think i deserve it.
You can also leave a comment and ill gladly read them.P.S the cover i used in this novel isnt mine. I found it in PINTEREST and credit to the owner. Thanks!
Allina's POV
Sunday afternoon. Nakahanda na kami para sa paglipat sa tahanan ng mga Magnus. Kitang kita ko ang excitement sa mukha ni klarisse. Nang tanungin ko kung bakit sya excited sabi nya dahil makakasama na nya ang Tiyang at makikita nya si Flavius ang cute na anak ni Charisma.
Naka dalawang tawag din si Tyang Clara para siguraduhing hindi magbabago ang desisyon ko.
Para namang wala akong isang salita. Nagdala lang kami ng mga personal naming gamit at pansamantalang inupahan ni Kuya Leon na kapatid ni Ate Alice ang apartment namin habang wala kami.
Nakahanda na ang lahat na mga gamit namin nang dumating si Amos at Drake. Ipinasundo kami ni Charisma sa dalawa at hindi pumayag na mag taxi kami. Nagyayakapan pa sila Luisa at klarisse na parang hindi na magkikita. Napairap ako." klarisse..hindi tayo pupunta ng ibang bansa..sa makati lang tayo"
Biglang sumimangot ang dalawa. Saka naghiwalay at bumaba na kami. Nang maisakay ni Drake at Amos ang mga bag namin ay pumasok na din kami sa loob ng sasakyan.
" Lets go! Saad ni Drake.
Masaya kaming sinalubong ng pamilyang Magnus at ni Tyang except kay Draco na hindi ko makita. Baka busy sabi ko sa sarili. Ipinakita sa amin ang mga kwartong bakante ni Charisma. Ang isa ay katapat ni Tyang Clara at ang isang bakanteng kwarto ay sa dulo ng hallway sa bandang kanan.
Gusto sana naming magkasama nalang ng kwarto ni Klarisse ngunit hindi pumayag si Chari dahil sabi nya kailangan daw namin ng privacy. Ang mga mayayaman nga naman.
Sa madaling salita pinili ni Klarisse ang kwartong katapat ni Tyang.Alam kung gustong gusto ni klarisse na magkaroon ng sariling kwarto kahit noong bata pa, kaya alam kong tuwang tuwa sya na mapag isa sa pansamantalang kwarto nya ngayon. Iniwan na kami ni Charisma para makapag ayos ng mga gamit sa aming mga kwarto. Namangha ako ng makapasok ako sa sarili kong kwarto. Sobrang laki nito keysa inaasahan ko. Mas malaki pa siguro ito keysa sa bahay namin ah! May dalawang sofa sa bandang kanan pagpasok ng pinto, isang single at at isang double at may cute na center table.
Isang queen size bed malapit sa malaking bintana at magkabilang side table with lamp shade, sa bandang , kanan ng binatana ay may dalawang cabinet na may sliding glass door. Sobrang modern naman ng mga cabinet na to. May napansin syang coffee table at maliit na sa pinakadulo ng may kurtinang puti..hinawi nya ang kurtina sa pag aakalang malaking bintana din ito..pero napangiti sya nang sliding door pala ito. Kita nya ang mga halaman sa labas.
Ang mga red roses na halatang alaga. Ang gaganda at ang tataba ng mga ito. Matagal ko itong pinagmasdan na tila napalis nito ang kung anumang lungkot at problema na
nararamdaman ko.Napakatalinhaga talaga kung anong saya ang naidudulat ng halaman sa isang
tao. Naisip ko.
Napabuntunghininga ako at saka ko napag pasyahang ayusin ang mga gamit sa cabinet. Napangiti ako ng isang side lang ng cabinet ang na okupa ng aking mga damit dahil sa laki nito. Nailagay ko naman ang mga under wear ko sa ibabang drawer, at sa kabilang drawer ang iba ko pang gamit.
Nang matapos ako mag ayos ay tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto..sobrang malinis ito. Talagang wala na akong dapat linisin pa..at talagang pinaghandaan ni charisma ang paglipat namin.
Napagpasyahan kong lumabas ng kwartao at nagtungo ako sa kwarto ni Klarisse at kumatok pero walang sumasagot. Nang pihitin ko ang siradura ay wala namang tao. Malaki din ang kwarto at medyo colorful. Bumaling ako sa kwarto ni Tyang at kumatok ngunit walang sumagot. Naisip konb baka andun sila lahat sa sala kaya bumaba na ako.
Nadatnan ko sila Charisma, klarisse at Tyang nagkukuwentuhan sa salas habang kalaro naman ni Kieran si Flavius.
BINABASA MO ANG
WHEN DEMIGODS FALL IN LOVE *COMPLETED)
VampireSi DRACO MAGNUS at ang kanyang pamilya ay sinusubukang mamuhay ng normal kasama ang mga normal na tao so lipunan. Kumakain ng pagkaing tao,nakikihalubilo at nakakaramdam ng pag ibig gaya ng iba. Pero ang hindi alam ng karamihan sila ay may itinata...