Chapter 11: He's jealous?

1.1K 20 0
                                    


Dahan dahang lumapit sakin si Jayden...

"Chantelle." Tawag niya sakin, he's inches away from me, he looked into my eyes.. "Chantelle." He called me again.

Slowly, he closed the distance between us.

Hinalikan niya ko, passionately, tumugon naman ako sa mga halik niya, hanggang sa napaupo kami parehas, napayakap ako sakanya. "Jayden." I moaned his name.

Sa sobrang intimate ng kissing scene namin ay gumapang na ang mga kamay niya, he made his way to my back, and down to my butt, hinawak hawakan niya yun..

"Ayaw mong gumising ha?"

Wait? Ano daw?

"Pag di ka gumising yang unahan mo na ang hahawakan ko!" Ha? Ano bang sinasabi ni Jayden?

"Jayden? Ano?" Tanong ko sakanya.. Tumingin ulit ako sa mga mata niya? Pero parang unti unti siyang nawawala? Hala? Bakit nagiging puti ang paligid?

"Anong jayden ka dyan! Gumising ka na nga. Didiinan ko talaga to!" Sabi nanaman niya. Biglang napahigpit ang hawak niya sa pwet ko. Ano ba talagang nagyayari? Nawawala na si Jayden, puro puti na lang ang nakikita ko! Asan ako?

"Puta! Gising na sabi e!" Naramdaman ko bigla na bumagsak ako!

"Aray!" Napasigaw ako. Ang sakit ng pwet ko!

Pagdilat ng mga mata ko nasa kwarto ko na ako, anong kaguluhan ba to?

"Punyemas! Napakahirap mo gisingin! Minanyak na kita't lahat lahat di ka parin nagigising! Kailangan pang ihulog sa kama! At sino si Jayden ha?" Nagulantang ako ng biglang may nagsalita, si Darwin pala. Teka? Ano ba talaga to?

Oh shet!! Nananaginip ata ako kanina!! Hala!! Ano bang napasok sa utak ko at nanaginip ako ng ganun?! Fudge! Patay.

"Ha? Ah eh. Anong sinasabi mo dyan?" Pagmamaang maangan effect ko, kunwari wala akong alam. Nakakahiya!

"Sus! Kunwari wala kang alam! Eh umuungol ka kaya kanina, tas binabanggit mo yung pangalang Jayden? Aaaahh! Nagwewet dreams ka no?!" Sabay nagsmirk siya,

Pusang gala naman oh!!

"Ho-hoy! Anong we-wet dre-dreams ka dyan! Hi-ndi no! Ah eh... Basta! At saka bakit ka ba nandito ha?!" Iniba ko na lang bigla ang topic.

"Bakit iniiba mo yung pinaguusapan? Hahaha. at saka hindi mo naman kailangan mag wet dreams pa. Pwede mo naman maexperience in real life e, nandito naman ako." Di ko alam kung bakit, pero namula ako bigla sa sinabi niya... Namula sa galit..

"MANYAK KA TALAGA! UMALIS KA NA NGA DITO! LABAS!!" Tas pinagbabato ko siya ng unan! Pervert talaga!

"Hahahahaha!' Tumatawa siya habang naglalakad papuntang pintuan, di man lang iniinda yung mga binabato ko.

Bago siya lumabas ng pintuan lumingon siya sakin, tinigil ko na ang pagbato, waepek din naman e.

"Magbihis ka! Pupunta tayong mall, wala ng pagkain sa ref. Takaw mo kasi e!" Lumabas na siya ng pinto, aayusin ko na sana ang kama ko ng bumukas ulit ang pintuan at sumilip siya. "Magsuot ka pala ng leggings ha?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya

"At bakit?" Tanong ko.

"Para mas ma-emphasize yung pwet mo, ang laki pala niyan?! i'm starting to love them." Tapos dali dali niyang sinara ulit ang pinto.

"DAAAARRRWWWWIIIIINNNN!!!"

-----

"Ayusin mo nga ang pagdadrive! Muntik na tayong bumangga oh! Sa daanan kasi ang mata! Hindi sa mga chix sa sidewalk!" Reklamo ko sakanya.

Nakakita lang ng babaeng malaki ang boobs, aba! Sinundan ng tingin! Napakagaling. Ayun! Muntik na kaming mabangga.

"Tss. Kasalanan ko pa? Yung babae kasi dumaan sa harap ko, kasalanan nung babaeng yun, di ako!" Sagot naman niya, hay nako! Di na lang ako nagsalita. Baka ano pang masabi ko e.

Obviously, nasa daan kami papuntang mall, mga 10 minutes din yung byahe, plus traffic kasi sunday ngayon.

Nahihiya parin ako dun sa nangyari kaninang umaga, buti nga di na minention ni Darwin e, pero napipikon padin talaga ako dun sa paghawak niya ng pwet ko! Napakamanyak talaga. Kaso ayoko ng iopen up ulit kasi mas nakakahiya yung panaginip ko. Asar :(

"Hello? Chantelle to earth?" Nagulat ako ng bigla na lang nagsalita si Darwin, nandito na pala kami sa mall.

Pumasok na kami sa mall at dumiretso sa grocery, ako ang nagtutulak ng cart habang siya naman ang kumukuha ng mga bibilhin, baliktad no? Hahaha, gusto ko kasi magtulak ng cart e, bakit ba? XD

"Hoy! Marunong kaba magluto?" Tanong niya sakin.

"Oo naman? Anong tingin mo sakin ha?" Sagot ko.

"Good! Pagluto mo ko nga kare kare ha?" Tumango na lang ako at di na sumagot pa,

Nagpunta kami ngayon sa junkfoods section,

"Kuha ka ng chippy! Saka clover chips!" Sabi ko sakanya, kinuha naman niya yung sinabi ko.

"Di yan! Ayoko ng red, gusto ko yung blue na chippy!" Pano kasi, yung red na chippy ang kinuha, favorite ko kaya yung blue!

"Parehas lang yan. Arte nito."

"Magkaiba yung lasa nun! Cheese yung blue tas-" Naputol yung pagrereklamo ko nung may sumigaw.

"CHELLE!" Wait? Parang kilala ko yung boses na yun a?

At siya lang ang tumatawag sa palayaw ko na yan! Lumingon ako sa likod ko para iconfirm, and tama nga ako!

"CHASE!"

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon