Chapter 12

1.1K 20 0
                                    


"Bakit ba para kang kabute? Sulpot ka ng sulpot! Kahapon dun sa grocery, tas ngayon sa school ko!" Tanong ko sakanya, nakakagulat naman kasi talaga, don't get me wrong. Masaya ako na nandito siya ngayon, pero, masama na ba magtanong? Hahaha.

"Eh kasi kung nasan ka, gusto ko nandun din ako." Dire-diretso niyang sabi bago kinain yung huling piece nung hotdog sandwich na inorder niya.

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at dito ka pumasok sa school na pinagaaralan ko?" Kumagat ako sa burger na hawak ko saka tinignan si Chase sa mata.

"Gusto ko lang? Bakit ba? Saka sayo ba tong school na to ha? Kung makatanong ka naman! Ayaw mo ba ko na nandito? Grabe! Nakakasakit ka ng feelings." Sabay hawak niya sa dibdib na umaacting na nasasaktan, hays. Eto na po siya, the playful Chase.

I rolled my eyes on him, kumagat ulit ako sa burger saka uminom ng orange juice. "Hay! Oo na! Di naman sa ayaw ko. Syempre masaya ako na kasama na ulit kita sa same school, classmates pa! Nagulat lang kasi ako, saka paano mo ba nalaman na dito ako nagaaral?" Pinunasan ko yung tumalsik na ketchup mula sa burger ko, ang dungis ko talagang kumain :(

"I have my ways Chelle, i have my own ways." Nagsmirked siya bigla, "Wala ka paring pinagbabago, napaka kalat mo pa din kumain." Then tinulungan niya ko sa pagpunas ng uniform ko, huhuhu. Puti pa naman to :(

Di ko na lang siya pinansin, mas nagfocus ako sa pagalis ng mantsa na iniwan nung ketchup, traydor yung burger ko. Asar.

"Eheeemm... I'm still here guys?! Don't make landian infront of me! I miss my babe na tuloy." Nagpout si Riana saka sumandal sa inuupuan niya, naubos na din niya yung kinakain niya.

Di ko alam kung anong irereact sa sinabi ni Riana, tinignan ko na siya tas nagsmile, and nagfocus na ulit sa pagalis nung mantsa, ayaw talaga niya matanggal!!

Tumigil na si Chase sa pagtulong sakin sa pagpupunas, "Pumunta ka na lang sa girl's room, banlawan mo na lang yan, basain mo. Or magpalit ka na lang ng uniform. Kahit kailan ka talaga. Ayos din kasi ng pagkain pag may time. Dungising bata." Pangaasar pa niya,

Chase is back, yung bestfriend ko, parang tanga lang no? Dati galit na galit ako pag inaasar niya ko, pero ngayon namiss ko yung mga asar niya, mga asaran namin. Kahit kasi tahimik siya dati, pag kaming dalawa lang ang magkasama, di siya tumitigil sa kakaasar sakin. Di padin ako makapaniwala, nagbalik na yung BBF ko.

Tumayo si Riana at hinila ako. "I'm coming with you bess! Baka babe will see me with Chase e, you know naman him!" Wala na kong nagawa kundi magpahila, nag sign na lang ako na babalik kami kay Chase. Nagnod lang siya.

-----

Paglabas namin sa canteen humiwalay si bess, may dadaanan daw muna siya sa library, tss. Palusot niya lang yun, baka pupuntahan niya lang yung boyfriend niya. Magpapalusot na nga lang halata pa. Pano ko nasabi? Eh baka magpupunta siya sa library? Galit kaya sa libro yun, tamad magbasa. Hahaha. Napangiti ako sa naisip ko.

"Ang cute mo lalo pag nakangiti ka"

Nafroze ako sa kinatatayuan ko, parang may mga kung anong naglanguyan sa tyan ko, nagtaasan din ang balahibo ko.

Unti unti kong inangat yung mga mata ko, oh shet!! Sabi ko na nga ba e. Boses pa lang kilala ko na.

"Ja-jay-den." Ang tangi kong nasabi, para tuloy akong tanga ngayon.

Chantelle! Umayos ka nga! Bawas ganda points yang ginagawa mo!!

Kasi naman!! Di ko naman inaasahan to, di ko ineexpect na makakasalubong ko si Jayden ngayon sa hallway, parang once in a blue moon kaya to! Sabi ko kasi sainyo diba? Magkalayo yung building namin.

Ang bango bango niya talaga, tapos ang gwapo niya pa lalo kasi nakauniform siya, hindi siya pawisan ngayon. Di gaya nung last na pagkikita namin sa basketball court. Ngayon he looks so fresh.

"Hi! Saan ka pupunta?" Nakangiting tanong niya. Kahit kailan talaga to. Lagi siyang nakangiti.

"Sa may ano, sa may C.R lang. Hehe." Pinilit ko magsmile din, baka sakaling madaan ng charm ko si Jayden.

Napailing nanaman ako, baka sa panaginip pwede pa, pero sa totoong buhay... Never.

Kumunot yung noo niya, medyo nawala yung smile niya. "Ha? Anong never?" Tanong nito.

Oh shet. Nasabi ko ata ng malakas. Ang tanga ko talaga.

"Hindi ka tanga!" Natatawang sabi nito.

Nasabi ko nanaman yung nasa isip ko, kahit kailan ka talaga Chantelle!!! Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ngayon. Hay. Sa harap pa ni Jayden ako nagkakaganito.

Kaya bago pa ko makagawa ng isa pang kahihiyan, "Ha? Wala yun, sige, mauna na ko! Kailangan ko na talaga magC.R e." Pagmamadaling sabi ko saka naglakad palayo, buti na lang di na niya ko tinawag. Di ko na din magawang lumingon. Nakakahiya kaya.

-----

Pumasok na ko sa loob ng C.R. Dumiretso ako sa lababo, saka ko binasa yung palda ko na natalsikan nga ng ketchup. Mukha siyang tagos -_- Buti na lang di napansin to ni Jayden.

"OMG!! I never felt like that before! He's really good at bed! I can't imagine that someone like him exists. It's like he's a sex god and i'm his slave!! Hay nako girl. Iba talaga siya sa mga nakasama ko sa kama." Biglang sabi nang isang babae na kakapasok lang, tinignan ko siya sa salamin, sexy siya, maputi, pero medyo may kaliitan yung height.

Bakit ko nga ba siya pinapakielamanan? Hahaha. Umiiral nanaman pagkachismosa ko. Parang iba kasi pinaguusapan nila e. Haha. Well. Iba talaga, wala yung 'parang' XD

"Ang swerte mo naman girl! Paano nga ba kayo nagkita? Magkadate kayo ganun?" Tanong nung kasama niya, maputi din and maganda, pero mas maganda yung unang nagsalita. Ang judgemental ko naman ngayon. Sorry.

Wala na kasi talaga akong magawa, ang tagal naman kasi maalis nung mantsa e, asar! Ilang beses ko ng kinukuskos kaya!

"Nope, i bumped into him at the bar. Then ayun, nagusap, he offered me a drink. Sino ba naman ako para tumanggi? Heart throb na ng school ang nagaya sakin. Hahaha. Then ayun, di na ata niya napigilan ang sarili. Sa ganda ko ba naman na to e." Sabi nung unang babae na pumasok habang nagreretouch siya nung red lipstick niya, napatigil naman ako sa pagkusot ng palda ko, sino kaya yung tinutukoy niya?

"Ah miss?" Nagulat ako nung lumapit sakin yung pangalawang babae, hala? Baka napansin nila na nakikinig ako sa usapan nila? Lagot.

Dahan dahan akong lumingon, "Ba-bakit?'' Medyo nauutal kong sagot, nakakahiya naman kasi. Baka magalit sila sakin, ang chismosa ko kasi e :(

"Aheem, tinagusan kaba? May soap ako dito, you want?" Nilahad niya yung sabon na nasa lalagyan pa.

Akala siguro niya tinagusan ako kaya ko nilalabhan yung palda ko? Gusto ko matawa, pero di pwede. May kasalanan pa ko sakanila.

Napatingin ako dun sa babae na nagreretouch ng lipstick, parang wala lang siyang pake. Tas tumingin ako dun sa kumausap sakin. "Ay! Hindi miss, thank you na lang, hehe. Ketchup lang po to. Salamat ulit!" Sabi ko tas piniga na yung basa sa uniform ko. "Mauna na ko, thank you."

Ngumiti lang yung babae, tapos nakipagusap na ulit dun sa babaeng unang pumasok. Di na ko nakinig sa usapan nila this time. Pero napaisip ako, sino kaya yung lalake na tinutukoy niya?

Aish! Bakit ko nga ba iniisip yun? Para tuloy akong tanga. Pakielam ko ba sakanila? Tumigil ka nga Chantelle!!! Problema ng iba pinoproblema mo! -_-

----

Hi sainyo!!! *kaway kaway*

Thank you sa mga votes!! Dumarami na po ang nagbabasa ng story ko! Thank you so much. Alam ko mukhang sabaw yung UD ko ngayon, pero promise po! Malaki ang magiging part nito sa buong storya! Thank you ulit!!

Feel free to comment po. Bad or good comment tinatanggap ko. Wag lang po masyadong hard! :)

Vote.. Comment.. Follow..

Lovelots :*

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon