Chapter 4: my loves ♥

1.8K 26 0
                                    

guys sorry po. i know na sinabi kong maguupdate ako nung isang araw.

may bigla kasing binigay na HW yung prof namin e.

anyways.

eto naman na yung update ko e.

enjoy :*

-----

     Chantelle's POV

Thursday ngayon kaya andito ako sa room. Iniintay si bess. Napaaga kasi pasok ko e. Di naman kasi ako nakatulog na maayos e. Well. Let me rephrase that. Di ako nakatulog kaya pumasok na lang ako.

Mukha na nga akong zombie ngayon e. Tss. Ang pangit ko tuloy dahil sa Darwin na yun. Hmp.

Naiinis padin ako pag naalala ko yung nangyari kahapon. Nakakainis talaga! Argghhh!

Nakakaloka! Yung Darwin na yun! Tss. Wag lang siya magpapakita sakin! Kundi baka masapak ko talaga siya. 

Nag walk out na nga lang ako kasi di ko alam gagawin ko kahapon. Haler? Di ko siya pwede dakdakan. Ayoko ng mahalikan ulit niya no! Baka bigla nung totohanin yung sinabi niya e. Yuck! Kaya iniwan ko na lang siya dun para kahit papano may pride padin diba? Hahaha :D

Pero wala na talaga ang first kiss ko. Huhuhu. Ang pinakaingat ingatan kong first kiss na nilalaan ko para saking magiging future husband. Ay wait! Future arranged husband! Pero kahit na. Dapat sa husband ko yun mapupunta e! Syempre kahit na arranged marriage lang e dapat ko pa din itrato siya na parang totoong husband diba? Or hindi ba dapat? Ah basta! Nawala na ang first kiss ko sa isang iglap lang. Huhuhu :'(

Habang nageemote ako dahil sa pagka divirginized ng lips ko. Biglang dumating si Riana.

"Hey bess! Early bird ang peg?" Binaba na niya yung bag niya saka umupo sa tabi ko. Tss. Isa pa tong babaitang to!

"Oo nga e. Ay wait! Galit pala ako sayo!" Tinalikuran ko siya. E paano ba naman. Iniwan niya ko kahapon para kunin sa kotse yung wallet niya tas di na siya bumalik kasi tumawag yung boyfriend niya. Tama ba yun? Diba hindi?

Kaya tuloy walang nagtanggol sakin mula sa Darwin na yun. Tss. Kung nandun si bess ay nako! Sure akong uuwi ng duguan yun si Darwin. Hahaha. :D

"I said sorry naman na e. Don't make tampo na bess." Hinawakan ni Riana yung kamay ko tas hinarap ako sakanya then saka nag puppy eyes. Aish! Ayan nanaman yang puppy eyes niya! I can't resist that kaya! Ang cute kasi niya e. Hihi.

"Hay! Ano pa nga ba magagawa ko? Pero next time itext mo ko or tawagan para naman alam ko." Hindi ko kasi kaya magalit dyan kay Riana. Parang kapatid na din kasi turingan namin e. Saka galit galitan lang naman talaga ako e.

Kahapon ko pa siya napatawad. Hahaha. Nag eemote lang ako. Sa Darwin naman na yun talaga ako galit e. Ay no! Nanggagalaite sa galit.

"Yes bess! I promise. *sabay raise ng right hand niya* Wait! Make kwento na about dun sa guy who stole your first kiss! I bet siya yung reasons that's why you look like zombie no? Make kwento na! Biliss!"  Sinusundot sundot pa niya yung tagiliran ko. Pansin niyo? Lagi siyang excited?

Kinwento ko naman sakanya ang lahat. Actually nasabi ko na sakanya yun kahapon over the phone pero not the complete details kasi puro sigaw lang ang nagawa ko. Naiinis kasi talaga ako e. So ayun. Kinwento ko na sakanya lahat ngayon pero take note, Pinipigil ko lang yung sigaw ko. Baka wala nanaman akong makwento e.

Nung natapos na ko magkwento tinakpan ko na yung tenga ko. Alam ko kasing sisigaw yan si Riana e. In 1... 2... 3... Huh? Bat wala? Tinignan ko siya. Aba't namumula? Anyare?

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon