Chapter 3.1: first kiss ♥

1.7K 25 0
                                    

warning ulit...

may mga mura po ang scene na ito.

dun sa mga taong uber sensitive wag na ipagpatuloy ang pagbabasa if ayaw niyo ng mga mura.

and pag kay Darwin po talaga sometimes may mga mura and sex scenes.

yun po yung character niya e.

naexplain ko na :)

Labyu :*

-----

     Darwin's POV

Shet! Andito siya. Bakit ganun? Kung kailan ako umiiwas saka ko siya makikita! Punyeta naman oh!

Di niya ko pwedeng makita ngayon! Kaya dahan dahan ako naglakad na ko palayo sakanya. Mukha nga ako gago e. Tss. Nasa mall pa naman. Pero mas ok na to. Kesa makita niya ko no. Gwapo naman ako kahit mukhang gago e.

Kaso shet ulit! Lumingon siya! Nakakagago naman talaga oh!

Tumakbo na ako at nagtago sa unang store na nasa gilid ko. Alam ko mukha na kong tanga pero wala akong pake! Gwapo padin naman ako e.

Naglalakad ako ng patalikod para bantayan kung dumaan na ba siya. Segurista ako e. May angal? Halikan kita dyan eh!

Shet naman kasi! Bakit ngayon pa?!

Kaya nga ako nagmall para makalimutan yung mga dapat kalimutan e. Tapos dadagdag pa tong babaeng to. Aish!

Ang gulo ko no?

Oks lang yan. Ipapakita ko na lang sainyo yung abs ko mamaya pag natakasan ko na si Aya.

Sino si Aya? Mamaya ko na lang din ikekwento. Pag natakasan ko na siya.

Pag nandun na tayo sa condo ko. *winks*. Dala ka foods ha?

"Aray naman!" Bigla na lang may nagsalitang babae sa likod ko. Natapakan ko ata yung paa niya.

"Sorry miss!" Sabi ko kahit di ko pa siya nililingon. Ang ganda ng boses niya pero pinipigilan ko lang ang sarili kong lumingon.

Baka nga kasi biglang makita ako ni Aya. Mahirap na. Iba yung babaeng yun e.

"Pwede tuma.. blah blah blah..." Di ko na pinapansin yung sinasabi nung babae sa likod. Ang daldal naman niya. Tss. Halikan ko siya e. Intayin lang niyang lingunin ko siya.

Ay gago! Nakita na ko ni Aya. Anong gagawin ko?

Isip... Isip... Isip...

Alam ko na.

*****

     Chantelle's POV

Nakakainis tong lalake na to! Magsosorry e nakatalikod? Diba sakin siya nagsosorry? Bat dun siya nakatingin!

Anong klaseng sorry yun? Tss. Wala man lang manners. Iniinis ata ako nito e.

Ayaw pa umalis sa harap ko. Anong trip niya? Nakadrugs ata to e.

"Pwede tumabi ka? Nakaharang ka po e. At saka tapak tapak mo padin yung sandals ko." Pinipilit kong hilahin yung sandals ko. Pero waepek e. Laking tao kasi nito e.

Hala? Parang walang naririnig? Bingi ba to?

Bingi nga ata. No reaction siya e. Baka nga bulag din siya. Nagsorry siya sa harap niya e. Ang sama ko naman ata kung kinainisan ko siya. Disabled na nga yung tao tas aawayin ko pa.

Itutulak ko na sana siya ng dahan dahan. Kasi naman. Di ako makakadaan sa gilid niya. Tapak tapak padin kasi niya yung paa ko e.

Pero biglang...

(O.O)

Nafreeze ako sa kinatatayuan ko. Waaaah!

Paano ba naman.

Try mo kayang bigla na lang lumingon at ilapit ng isang STRANGER ang mukha niya sa mukha mo? AS IN MALAPIT NA MALAPIT.

So hindi siya bingi at bulag? Baka adik nga to.

Nakafreeze padin ako ng bumulong siya.

"Miss wag kang gagalaw or sisigaw." Medyo linapit niya yung kamay niya sa braso ko. Waaahh! Holdap ba to? Aaaah! Adik nga siya!

Pero ang gwapo naman ng holdaper na to. Infairness ha? Ay este? Hoholdapin na ko lumalandi pa ko. Delete... Delete...

Di na lang ako nagsalita kasi baka mamaya may dala tong baril or kutsilyo. Waaaaaahhhh! Baka patayin niya ko! Bata pa ko! Madami pa kong pangarap! Mag mamasteral pa ko tas mag dodoctoral tapos magaasawa and magaanak ng dalawa! Tapos yung panganay lalake para maalagaan niya yung bunsong babae!

Bibili padin ako ng resthouse sa batanggas na malapit sa beach! And dadalhin ko dun sina mommy at daddy! Waaah! Aalagaan ko padin sila pag tumanda na sila! Madami pa kong gustong gawin sa buhay!

Pumikit na lang ako. Dapat pala nangumpisal na ko bago ako nagmall. Huhuhu.

Baka oras ko na. Baka patayin na ko ni kuya gwapong holdaper. Ano daw?

Nagdadasal na ko sa lahat ng mga santong kilala ko ng biglang.

PAK!

*****

     Darwin's POV

PAK!

Shet! Nakita na niya ko. Nasampal pa.

"How dare you Darwin?! You make me wait for so many months then you'll mingle with other girls lang pala ha?! You betrayed me! I hate you!" Hinarap niya ko sakanya at sinampal ulit.

PAK!

Naginit na ang dugo ko kaya nung akmang sasampalin niya ko ulit hinawakan ko na kamay niya.

Nakakarami na siya ha?! Sinisira na niya ang napakagwapo kong mukha.

Sa sobrang pagkabwiset ko. Gusto ko siyang pikunin.

Alam ko na! I'm sure maiinis si Aya dito. *evil laughs*

Binitiwan ko na yung kamay ni Aya saka hinirap ulit yung babae kanina.

"No!" Sigaw ni Aya.

Sorry kung sino ka man na babae ka.

-----

sorry guys. i know its bitin.

Labyu :*

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon