Yey!! Marunong na ko magdedicate!! ^O^ Dedicated to Lalalicious18! Thank you talaga sa support mo! Labyu :*
And sa iba din!! thank you sa mga nagbabasa ng MTAP!! sana mag comment din kayo and vote! para malaman ko yung mga insights niyo about my story!! first story ko kasi to e. hihi. so anyway!! eto na po!! enjoy :*
——-
Nagising ako ng may mga luha sa mga mata ko, bakit ganun? bakit ganun yung panaginip ko? i tried to erase those memories on my head, pero now, it still haunts me. past na nga e, meaning tapos na, andito na ulit si Chase. We will make new memories, pero ngayon nga lang, iba na... Kasi may Darwin na sa buhay ko, and now, he's the only key i have. kahit ayaw ko sakanya.
I want to start this day right, kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko, I went out of my room with a smile. dumiretso ako sa kusina, may pasok pala kami ngayon, kaso wala yung prof ko sa umaga, kaya mamaya na kong hapon papasok. I just want to rest. binuksan ko yung ref and kumuha ng itlog and bacon, nagugutom na ko -_-
habang nagluluto ako biglang sumulpot si Darwin out of nowhere, naalala ko nanaman yung eksena namin sa mall. Sa tingin ko i owe him an apology, masyado akong naging O.A sa pagreact. nilagay ko na yung bacon and egg sa lamesa, then tumingin ako sakanya, nagulat ako dahil nakatingin na siya sakin.
"Good morning." bati niya, pinikit pikit ko yung mata ko, anong nakain niya? "Wag kang magbeautiful eyes dyan."sabi nanaman niya.
Bumalik ako sa realidad. "Ah, good morning din, hehe, ano- ah, kain tayo!" di ko alam kung bakit pero may iba sakanya ngayon,
kumuha ako ng plato para saming dalawa tapos kanin, then umupo na ko sa harap niya, kumuha agad siya ng pagkain, ganun din ang ginawa ko, gusto ko na magsorry ngayon pero parang nahihiya naman ako, ewan! kaya ayun, tahimik kaming kumakain ngayon.
"First time ah?" nagulat ako ng magsalita siya, pansin niyo? lagi na lang ako nagugulat. haha. pero ano daw sabi niya?
"Ha? First time? Alin?"
Sumubo muna siya sa pagkain niya bago siya nagsalita. "First time natin magbreakfast na magkasama, tapos ikaw pa yung nagluto." tinignan niya ko tapos biglang kumindat. Nauulol na to. pero oo nga no? ilang araw na din kami na magkasama sa bahay na to pero ngayon lang kami nakapagbreakfast na sabay.
"Haha, Oh ano? Masarap ba luto ko?" pagbibiro ko, mukhang siya naman tong nagulat. yung totoo? uso ba laging nagugulat ngayon? hahaha.
"First time ka din hindi nagsunget sakin. Haha." tapos tumayo na siya at niligpit yung kinainan niya. "Anong oras pasok mo?" tanong niya.
tumayo na din ako, "1 pa, bakit?"
"Sabay na tayo."
***
kinuha ko na yung bag ko sa may backseat, "Thank you sa paghatid!" sabi ko sakanya, pero bago pa man ako makababa hininto niya ang makina ng kotse niya,
"Sandali!" kinuha niya din yung bag niya, "Hatid na kita sa room mo,"
Ha? si Darwin? ihahatid ako sa classroom ko? Teka — "Pero Darwin, ano-" di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla niyang binuksan yung pintuan at hinila niya ko,
"Wag kana magreklamo! Tara na." naglakad na siya, at take note, kinakaladkad niya ko. pinagtitinginan kami ng mga tao ngayon, lalo na yung mga babae na siguro may crush dito kay Darwin, pano ba naman kasi, hawak hawak parin niya yung kamay ko, and bukod kay Chase at Rhian e wala ng iba pang nakakaalam na fiancee ko siya, hindi naman siguro sinabi ni Darwin sa mga kaibigan niya no?!
Bago pa man ako mamatay sa mga titig ng mga die hard fans ni Darwin e nagsalita na ko, "Ah, pwede mo naman na siguro bitawan yung kamay ko?" tinry ko hilahin yung mga kamay ko, pero ayaw niya bitawan, problema nito? "Huy! Darwin, bitawan mo na! Chansing ka na e!" hinila ko ulit, this time binitawan na niya, pero bigla naman siyang tumigil sa paglalakad at lumingon sakin, muntik na tuloy ako sumubsob sa dibdib niya!
"Anong chansing ka dyan?!" tapos nakasmirk siya, hala ka Chantelle! Wrong choice of words, bakit dito mo ba kasi sa school sinabi yang mga yan e! buti sana kung nasa bahay lang kayo! Lagot!
"Hehe, ano kasi... ah- aheem, tara na ngaaa!" this time, ako na yung humila sakanya, baka kasi anong gawin ng pervert na to e, nasa school pa naman kami! moody din tong mokong na to e no? kaninang umaga parang ibang tao, may nalalaman pang pahatid hatid sa room, tapos ngayon -_-
***
"Huy bess! Make kwento na kasi! What happened between you and papa D?" Pangugulit sakin ni Riana, juice colored! Sabi ko na nga ba eto gagawin nito e, pero wait?
"Wait nga bess!! Bakit papa D? Saan lupalop mo nakuha yun?" Takang pagtatanong ko bago ko nakita sa rearview ko si Chase na palapit samin,
pinagdikit ni Riana yung mga kamay niya tapos nilagay sa may pisngi niya na parang nagdadaydream, problema nito? "Papa D. as in papa Darwin, i heard it from one of the beki kasi when i was buying foods, haha, so cute right?" tapos ngumingiti siya sa kawalan.
Anong meron sa araw na to? bat ang daming nagbabago? end of the world na ba? hays, oh well, Di ko na inistorbo siya inistorbo sa kaweird-uhan na ginagawa niya, baka mamaya kulitin nanaman ako nito, mas ayos na ganyan na lang siya. Hahaha,
"Chantelle, we need to talk." Nagulat ako ng may biglang humila sa mga braso ko, si Chase, and judging from his look, mukhang hindi maganda mood niya,
Yung totoo talaga? What's with this day, weird -_-
BINABASA MO ANG
Married to a Pervert
HumorMinsan talaga hindi sumasangayon satin ang tadhana. Sa dinami dami ng taong maaari mong mapakasalan. Paano kung mapunta ka sa taong wala ibang ginawa kundi matulog sa kama kasama ang iba't ibang babae? Sa lalaking ang hobby ay panunuod ng rated SPG...