Chapter 8.1: doom day.

1K 26 0
                                    

yiiieee. biglang dumami yung reads a? haha. comment na din kayo and vote. please? :)

-----

     Darwin's POV

Ang bilis ng araw. Sabado na agad. Walang pasok kaya masaya. Haha. Pero ngayong sabado wala ako sa mood.

Mabilis lang akong nagprepare ng sarili ko. Gwapo na ko kaya di ko na kailangan pang magtagal sa pagaayos.

Pumasok na ko sa kotse ko. At padabog na isinarado ang pinto.

Di ako galit. Inis lang. Magkaiba yun. Wag na kayo umangal. Badtrip ako e.

Binuksan ko yung makina at yumuko sandali. Ewan ko ba! Tss. Naiinis ako kay coach e. Alam niyo kung bakit?

flashback...

Pagdating ko sa court di pa nagstastart yung practice. Buti naman.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa mga Dragons. Nakaupo lang kasi sila sa bench.

Di pa man ako nakakalapit nakita na agad ako ni Aaron.

"Hoy Dar! Tara na dito bilis! Late ka nanaman!" Biglang sigaw ni Aaron. Aba't sinisigawan na niya ko a? Malilintikan to sakin mamaya.

Naglingunan tuloy sakin yung iba kong mga team mates pati na din yung mga manonood. Woah! Daming tao dito ngayon a? Anong meron?

Oo alam kong madami talagang nanonood pag may practice kami pero bat dumoble ata?

"Waaaaah! Ayan na si papa Darwin! Ang gwapo niya talaga!"

"Kyaaaaaah! Tumingin sakin si Darwin! Aaaahhh! I'm gonna die!"

"Darwin! I love you!"

"Pakasal na tayo papa win!"

"Pakiss ako Darwin!"

Tss. Sigaw yan nung mga babae na nanonood. May bakla pa nga ata e. Mga miyembro ng fansclub ko. Sikat nga ako diba? Wag na kayo magtaka. Gwapo kasi ako e. Macho pa. Haha. *smirk*

Nginitian ko na lang sila saka pacool na lumapit kina Aaron. At dahil sa pag ngiti ko. Ayun. Ang ingay na dito sa buong court. Nagsisigawan silang lahat. Nagtatatalon pa nga. Puro babae at bakla lang naman kasi sila e. Kung may lalake man kokonti lang.

Di sa pagmamayabang pero...

Ganyan talaga ako kagwapo. Haha. Laging tinitilian ng mga babae.

Nakalapit na ko sa bench kung nasan sina Aaron.

"Grabe ka talaga Darwin! Haha. Ang angas mo pre! Para kang ipis e! Pag nakikita laging tinitilian ng mga babae. Hahaha." Sabay tapik ni Bryan sakin. Team mate ko. Loko to a? Icompare ba naman ako sa ipis?

"Gago! Anong ipis ka dyan. Sa gwapo kong to icocompare mo ko sa ipis!" Tas binatukan ko. Mukha ba kong ipis? Ang gwapo ko namang ipis kung ganun.

"Hehe. Sorry." Tas nag peace sign siya sakin saka umupo ulit. Takot sila sakin e. Haha.

"Ugh! Nadead tuloy ako! Ang ingay kasi e! Oliver patahimikin mo nga sila!" Siniko ni Francis si Oliver. Tss. Hawak hawak nanaman ni Francis yung psp niya. Hanggang dito dala niya yan e.

"Ewan ko sayo. Dun muna ako kay babes ko. Tawagin niyo na lang ako pag magstastart na yung practice." Tumayo si Oliver tas pumunta sa girlfriend niya ata. Basta umalis siya. Haha.

Biglang napatingin ako kay Aaron. Nakatingin lang siya sakin tas nakangiti ng alanganin. Haha. Sabi na nga ba e. Alam niyang may kasalanan siya kaya nanahimik.

"Jayden ako dyan." Sabi ko kay Jayden. Katabi kasi siya ni Aaron. Natawa na lang siya tas tumayo din. Pero bago siya tumayo tinapik niya muna yung balikat ni Aaron saka umiling iling. Haha. Si Aaron naman yumuko na lang.

Tinabihan ko siya at inakbayan.

"Ayos makasigaw ha? Ganyan ka na ba ngayon?" Tas ngumiti ako ng nakakaloko. Haha. Sigaw sigaw ka pa ha?

"He... Hehe... A-ano... Ka-Kasi... Ang tagal e... Hehe... Ang tagal nung... Nung ano... Nung practice... Wa-wala ka pa kasi e... Hehe." Napakamot na lang siya sa ulo. Hahaha. Halatang kabado siya e. Haha. Nahalata niyo din ba?

"100 push ups and 200 sit ups." Sabi ko sakanya then tumayo na ko. "Practice na! Dun na sa gitna! Bilis!" Nauna na kong pumunta sa gitna. Naririnig ko pa na inaasar nila si Aaron. Haha. Akala niya a? Sigawan daw ba ko?

"Mr. Anderson late again huh?" Si coach yan. Nakasimangot pa. Tss. Bad mood siguro. Inaway nanaman ata nung girlfriend niyang 10 years na mas bata sakanya. Haha. Pidopilya yan si coach e. :)

"Sorry coach.". Yan na lang ang sinabi ko. Pag badtrip yan di ko na sinasagot ng pabalang. Magkakagulo lang kami e.

"50 push ups." Tas umupo na siya dun sa bench niya. Hala? Ano sabi niya? Ayos a?

end of flashback...

Haba ng flashback ko no? Di naman talaga naiinis na pinarusahan ako ni coach. Ang kinaiinisan ko e kung kailan pa madaming nanonood saka niya ko parurusahan. Madalas naman akong late sa practice ha? Tss.

Pinaandar ko na yung kotse ko. Hays. Naiinis nanaman tuloy ako pag naiisip ko kung san ako pupunta at kung anong gagawin ko dun. Bakit ba parang ang pangit ng araw na to?

Di ko namalayan andito na pala ako sa tapat ng bahay kung san dapat ako pupunta.

Bago ako bumaba ng kotse yumuko ulit ako. Ganito kasi ginagawa ko para mawala ang inis ko e. Nung ready na ko saka ako bumaba at nagdoor bell.

Maya maya lang may lumabas na sa pinto at binuksan ng konti yung gate.

"Sino pong kailangan niyo sir?" Tanong nung babaeng nakadamit pang maid.

"I'm Darwin Anderson." Sagot ko. Wag kayong mamilosopo! Alam kong tinatanong niya kung sino kailangan ko at hindi kung sino ako. Kaya wag na kayo magsalita ok? Bad trip ako ngayon.

"Ah. sir Anderson. Iniintay na po kayo nina ma'am. Pasok po kayo." See? Pangalan ko ang magic word para makapasok.

Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa bulsa ko saka naglakad papasok nung bahay. I mean. Mansion. Pero mas malaki ng konti yung mansion namin.

Pagpasok ko ng pinto sinalubong agad ako ni Mrs. Sanchez.

"There you are! We thought you'll never come." Tas bumeso ako sakanya as a sign of respect.

"Have a sit. Pababa na siya." Sabi naman ni Mr. Sanchez. Tinanguan ko na lang siya. Di ako komportableng kaharap siya. Tss. Tagal naman kasi nung fiancee ko e.

Oo mamemeet ko na siya. Pero wala naman akong pakialam sa itsura niya. Basta magaling sa kama ayos na ko.

"Eheem. Darwin thank you for coming. We really appreciate it." Sabi ni Mrs. Sanchez. Nginitian ko lang siya. Labag kaya sa loob tong ginagawa ko. Kundi lang dahil kay dad. Tss -_-

"There she is! Darwin meet our... Eheem... Daugher. Your fiancee." Tss. Ang awkward nung pagpapakilala. Di naman na kailangan nun e.

Tumingin na lang ako dun sa babaeng pababa ng hagdan. Nakayuko siya kaya di ko makita ang mukha. Aish! Bat kailangan yumuko? Pangit ata siya e. Tss. Mabobored ata akong kasama to.

Ng malapit na siya samin tumayo na ko para salubungin siya. Kailangan mag panggap akong gentleman sa harap ng parents niya no.

Hinawakan ko yung kamay niya. Napatingin siya sakin kaya nagkasalubong ang mga tingin naman.

Shet!

"Ikaw?!" Sabay naming sabi.

Well. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Mukhang mag eenjoy ako nito. Hahaha XD

-----

haha. i know alam niyo na kung sino sila. haha.

kung di niyo pa alam.

alamin niyo. haha. de joke lang.

labyu guys.

vote... comment... follow.

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon