Chapter 11: New classmate.

1K 18 0
                                    

Guys!! Sorry sa late na update, may problema si Ms. Author sa school e, may activity kasi kami, and vice president ako ng SC, kaya ayun! Kailangan ayusin, nagupdate lang ako talaga kasi medyo free ako ngayon.

Anyway, thank you pala kay Lalalicious18!! Phone gamit ko kaya di ko madedicate sayo yung chapter na to e :( Pero thank you ulit sa comment at votes!

Thank you din kay shey0unqpark! Thank you din sa votes!

Anyways, eto na po!! :D

-----

"Hay juice colored! Ewan ko ba sa lalaki na yun bess! Napaka-moody! Siguro may red tide!" Tapos humagalpak ako ng tawa, hahaha, baliw lang e no? Joke ko tapos tawa ko din! ... Ewan, napakasaya ko lang talaga ngayong araw. Bakit kaya?

Dahil sa nangyari kahapon na nakita ko ulit si Chase? Hays, ewan! Basta alam ko masaya ako!

"Don't make pansin na lang him! Papa Chase is there naman na e!" Tinignan ko lang si Riana, gaga talaga to! Nakwento ko na kasi sakanya yung nangyari, yung iyakan portion and everything!

Anyway highway! Nasa classroom kami ngayon, iniintay yung prof namin sa first subject.

"Good morning class." Ay! Andyan na pala siya, umayos na kami ng upo ni Riana.

"Good morning maam!" Bati ng buong class.

"Ok, so kahit malapit ng magend ang sem na ito, meron tayong new student! Kung magtataka kayo, naipasa niya lahat ng binigay na special exam ng mga professors sa bawat subject. Kaya ngayon, nagrequest siya na dito sa section na ito ipasok, so Mr. Villegas, pumasok ka na."

Nagulat naman ako sa narinig ko! Mr. Villegas? Hindi kaya si? Pero impossible, tumingin ako sa pintuan, hinihintay pumasok ang new student, ganoon din naman ang mga classmates ko.

Unti unti pumasok yung new student, nakapamulsa, tinignan ko siya mabuti, hanggang sa inangat niya yung mukha niya.

Hala? Siya nga! Tama ang hinala ko...

"Wow ang hot niya ah?"

"Correct ka te!"

"Matalino pa! Biruin mo napasa lahat ng special exams!"

Yan ang bulungan ng mga babae na kaklase ko, nananaginip ata ako!

"Mr. Villegas, introduce yourself." Sabi nung prof.

Nakatulala padin ako. Nakatingin lang sakanya.

"I'm Chase E. Villegas." Simple niyang sinabi, tapos ngumiti.

"Shems! Nahulog ata panty ko sa ngiti niya!"

"Ang gwapo niya! WAAAAHHH!"

Sabi ulit ng mga kaklase ko, jusko! Akala mo mga nakakita ng artista.

"Class, quiet! Nakakahiya sa new student oh! So Mr. Villegas, you may take your seat." Tapos turo ni maam dun sa upuan sa bandang harap.

Biglang lumingon sakin si bess, kinalabit ako tapos ngumiti ng nakakaloko! OH EM GEE! Alam ko na ata nasa utak nitong bruha na to! Pinaningkitan ko siya ng mata, pero ngumiti lang lalo siya! Patay!!!

"Maam! He may occupy my seat na lang po, malabo na po ang eyes ko e! I can't see the whiteboard properly na po! Chase! You seat here na oh!" Pinipilit kong hilahin pababa yung kamay ni bess at takpan yung bibig niya, pero di ko keri! Kaya ayun. Kinuha na niya yung gamit niya tas dali daling pumunta dun sa upuan na para dapat kay Chase!!

"Ok." Sabi lang ni Chase tas tumingin sakin bago ngumiti!

Gusto kong sapakin sila parehas ni bess!

Si Chase kasi binigla niya ko, di man lang niya sinabi na mageenroll siya dito! Saka paano niya nalaman na dito ako nagaaral? Eh kakakwento ko lang sakanya kahapon ah? Tss, marami siyang dapat ikwento!

At syempre si Riana, kasi pinagtitripan ako ng bruha! Pinag laloveteam kami ni Chase! Kaloka te! Mag BBF lang kaya kami! Malisyosa everlu talaga tong babaeng to!

-----

Guys! Sorry sa sabaw na update!, gaya po ng sabi ko, may problema po sa school, promise aayusin ko yung next update, and mas mahaba! :)

Comment and vote please! :*

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon