Chapter 13

1.1K 15 0
                                    


Hi sainyo!! Sorry medyo may pagkasabaw yung mga last UD ko! Babawi ako ngayon! Medyo mahaba to. And moment lang nila Chantelle at Darwin, Haha.

Sana pagpasensyahan niyo ng onti, di ako marunong gumawa ng mga kilig scene, oh siya! Tama na daldal! Eto na po!

-----

Today is tuesday, kaya wala akong pasok. Syempre, nandito ako sa bahay. Si Darwin? Ewan ko dun sa pervert na yun, baka tulog pa, buti nga wala siya. Walang manggugulo.

Hmm, ano kayang pwedeng magawa? Usually kasi pag walang pasok aalis kami ni Riana, magmamall, shopping, yung usual na girl thing. Pero may lakad sila ngayon ni Oliver, yung boyfriend niya, anniversary kasi nila. Nakakahiya naman kung makikisama ako no! Third wheel lang ang peg?

Nagopen na lang ako ng laptop, magfa-facebook na lang siguro muna ako.

Pag open ko ng fb ko, may 1 friend request. Sino kaya to?

Ericka Jane Lopez • 113 Mutual Friends

Ha? Sino siya? Ang dami naming mutual friends, kadalasan mga ka-schoolmates ko, baka taga-RU din siya? Inopen ko yung profile niya.

Ang ganda niya! Ang puti! Ang sexy! Hindi kaya poser to? -_- pero hindi e. Ang dami niyang pictures! Ang ganda niya talaga, nakakatomboy!! Haha. De joke lang ;)

Nagscroll ako sa profile niya, taga Richmonde siya dati, pero parang nasa States na siya ngayon, yung mga pictures niya kasi mukhang hindi dito sa Pilipinas. Scroll lang ako ng scroll, tinignan ko na din yung mga album niya,

There's this one thing that catch my attention. Picture nilang dalawa ni Darwin, magkaholding hands, tinignan ko yung date. 3 years ago na... Ano kayang relasyon nila sa isa't isa?

Kahit may idea na ko, ayoko pa din mag assume, pero bakit kaya niya ko in-add? May alam kaya siya tungkol samin ni Darwin?

"Alis tayo!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa pinto.

Speaking of the devil...

"Ayoko, tinatamad ako umalis." Sinungaling ka Chantelle, wala ka ngang magawa dito sa bahay e.

Pumasok na siya ng tuluyan tapos umupo sa sofa, kinuha niya yung unan tas pinaikot-ikot sa mga daliri niya, yung ginagawa pag sa bola ng basketball. "Tara na kasi! Wala akong magawa e."

"Tinatamad nga ako, saka wala din akong pera." Pagdadahilan ko, oo bored ako. Pero ayoko naman lumabas kasama yang manyak na yan no! Di totoo na wala akong pera, ako pa ba? Hahaha.

Tumingin siya sakin, yung tingin na bored, haha. Halata sakanya na wala din siyang magawa. Parehas kami. "Ano ba yan! Libre ko!" Pinapaikot pa din niya yung unan sa daliri niya, edi siya na magaling!

Pinatay at sinarado ko na yung laptop, mamaya ko na iisipin yung nakita ko sa facebook. Inilagay ko iyon sa desk sa tabi ng kama saka humiga, di ko pinansin yung sinabi ni Darwin.

Naramdaman ko na tumayo siya sa sofa. Narinig ko rin yung footsteps niya palapit sakin, "Hoy!! Wag kang matulog, umalis na kasi tayo! Dali na, libre ko lahat. Wala kang gagastusin kahit singkong duling." Pagpupumilit niya.

Di parin ako nagsasalita. Haha. Ngayon lang ako makakabawi sakanya, aasarin ko muna siya. XD

"Chantelle!" Tapos binato niya ko ng unan! Aba! Loko to ah! Kahit binato niya ko di parin ako umiimik. Pinikit ko yung mata ko. Para kunwari natutulog.

"Tatayo ka dyan o hahalikan kita!" Umiral nanaman yung pagka-pervert niya! -_- pero di ako nagpadala. Nakipikit padin ako. Haha.

Biglang nanahimik, di na nagsalita si Darwin, saan napunta yun? Naghintay ako ng mga 2 minutes pa siguro, wala pa rin.

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon