Chapter 15

884 20 0
                                    

Hi guys!! Annyeong Haseyo! ^_^v i'm back again! Hihi. Medyo pabibilisin ko po ang phasing ng story ha? Medyo feeling ko kasi ang tagal e :(

-----

Darwin's P.O.V.

[Hoy! Nasan kaba? Kanina pa ko tawag ng tawag! Sumunod ka na dito.]

"Ewan ko sainyo, mga leche kayo! Kanina kailangan ko kayo, wala kayo! Gago!" Nilipat ko yung channel sa t.v. Wala akong magawa tapos bibwisitin pa ko ni Aaron -_-

[Oh? Bakit galit agad? Chill lang!]

"Pakyu!"

[Pakyu too, punta ka na ha? Bye.]

toot... tooooot... toooot...

Gagong yun! Pinatay bigla yung tawag! Lagot sakin yun mamaya, pinatay ko na yung t.v tapos dumiretso sa kwarto ko para magbihis, tutal wala naman akong ginagawa dito sa bahay.

Pero nasan na kaya si Chantelle? ...

Kanina pa siya di umuuwi, akala ko nung iniwan niya ko sa mall dumiretso na siya dito, nasaan na kaya siya?

Bakit mo ba iniisip yun Darwin ha?

Mukha akong gago dito, kinakausap ko sarili ko. Nagdecide na kong lumabas ng bahay at dumiretso na sa bar na sinabi ni Aaron, nandun ang ibang team mates ko.

Pagpasok ko sa bar, syempre ang lakas ng tugtog, maraming tao kahit hindi weekend, kung nasa mood ako, maghahanap agad ako ng sexy na papayag sumama sakin sa motel o kahit sa kotse lang pwede na, pero dahil sa wala ako sa mood, hinanap ko na lang ang team.

Nakita ko sila, nasa pinakadulong table, habang naglalakad ako papunta sa direksyon nila, may lumapit na babae, sabi na nga ba e...

"Hi." I looked at her, i can't deny that she's hot, pero still, i'm not in the mood.

"Hello." Walang sigla kong sinabi tapos dumiretso na kina Aaron, pagdating ko sa table nakatitig sila sakin, parang may ginawa akong krimen, kahit si Francis ay tumigil sa paglalaro niya ng psp,

Tinaasan ko sila ng kilay bago umupo, "Problema niyo?!" Kinuha ko yung baso ni Aaron at nilagok ang laman nitong alak.

Lumapit sakin si Bryan tapos hinawakan ang noo ko, tinabig ko naman agad ang kamay niya, "pre, may sakit ka ba?" Tanong nito sakin tapos kinuha yung kamay ko at parang chinicheck ang pulso ko, dahil mukha siyang baliw ay binatukan ko siya.

"Tigilan mo nga ako! Ano bang problema ha?"

"Gago bry! Baka hindi lagnat yan, baka sapi yan!" Bigla namang nagsalita si Nigel, pinagsasabi nitong mga to?

"Hala ka vince! Sinapian mo si Darwin! Lumayas ka sa katawan niya!! Layaass!!" Mukhang gago na pinatong ni bryan ang kamay niya sa ulo ko, sinabayan pa ito ni aaron, at parang nagkikilos na may ginagawang ritwal, yung iba naming kasama tawa na ng tawa, maliban kay arth, na kain na ng kain. -_-

Dahil sa napipikon na ko sa ginagawa nila, tinignan ko sila ng masama isa isa, unang tumigil si jay, sumunod si jed, hanggang sa tumigil na ang lahat sa pagtawa, pero si aaron at bryan ay tuloy parin sa katarantaduhan na ginagawa, napansin siguro ni bry na hindi na tumatawa ang iba, kaya minulat niya yung mata niya, ng nakita niya kong masama na ang tingin, ngumiti naman to ng alanganin tapos dahan dahang umupo. Si aaron na lang... *evil smile*

Bumwelo muna ako ...

PAK!

"ARAAAAY KO!!!"

-----

"Pre! Uwi na ko ah? Kitakits na lang sa school!"

"Bro, una na ko. Ichacharge ko pa tong psp e."

"Bye! Pinapauwi na ko ni sweetheart e, hihi."

"Alis na ko, masyado ng late, baka marape pa ko sa lansangan, sa pogi kong to, haha."

"Bye."

"I need to go, too much alcoholic drinks may cause deterioration to your brain cells, and kailangan ko pa magaral para sa quiz. Ciao!"

Isa isa ng nagpaalam ang mga teammates ko, 1:24 a.m na din kasi, at may pasok pa yung iba sakanila bukas, including me. Pero di ko alam kung uuwi na ba ko o hindi,

"win, di bagay sayo mag-emo." Biglang nagsalita si jayden, oo nga pala. Di pa siya umuuwi, kaming dalawa na lang ang natira, wala kasi siyang pasok bukas e.

"Ge." Yan na lang yung nasabi ko.

Umorder pa kami ng alak, umiinom lang kami parehas. Walang kumikibo, di ko alam, close naman kami,. Baka siguro parehas lang kaming malalim ang iniisip ngayon, kaya hinayaan ko na lang, nakikinig na lang ako sa tugtog at sa ingay ng mga tao dito sa bar, di ko namalayan ang pagtakbo ng oras, 2:58 na pala.

"Pre, tara na." Yaya ko sakanya, pero tinignan lang niya ko, Nagkibit balikat na lang ako bago tumalikod, "una na ko."

"Darwin. She's back, i saw her."

-----

Paguwi ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto, bukas ko na lang iintindihin kung nakauwi na ba si Chantelle.

Humiga agad ako sa kama at tumingin sa kisame, this is definitely a bad day. Punong puno ang utak ko, a lot of things are on it, about dun sa nangyari samin ni Chantelle sa mall at tungkol dun sa sinabi ni Jayden sa bar. Fvck.

I need to have a plan... A good plan.

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon