Party

660 12 0
                                    

CHANTELLE'S POV

Habang naglalakad na ko pauwi, napaisip ako, ano bang meron ngayong araw? Bakit parang ang sweet ni Darwin? And ang moody naman ni Chase? Meron ba kong di alam? May nasabi ba kong di dapat? May nagawa ba kong dap-

"AY PALAKA!"

"Gwapo ko namang palaka." OMG! Ang gwapo nga namang palaka nito! Haha.

"Sorry Jayden! Ano kasi e.. Nagulat kasi ako. Hehe. Sorry talaga." Bigla kasi siyang sumusulpot! Nahahawa nadin ata siya kay Chase, kabute lang te? Ganern?

"Kanina pa kaya kita tinatawag, mukhang malalim iniisip mo ah? Di mo ko pinapansin eh. Nakakatampo." Tapos nagpout siya!

Shemay! Si Jayden nagpout?! Wag kang ganyan! Baka ikiss kita dyan! Waaaaaahh!

Aish! Chantelle magtigil! Nagagaya ka na kay Darwin. -_-

"Sorry talaga, dami kasing projects eh, tapos malapit na magfinals. Haha. Stressed lang." Well, medyo totoo din naman. Hays. Ano ba to. Juice colored.

"Haha. Sabagay, anyway, iinvite kasi kita this Sunday, may party kasi sa bahay, birthday ng kapatid ko, ayaw kasi payagan ni Riana si Oliver e, naisip ko sana kung pwedeng.. Hehe. Ano, sumama ka para payagan na siya? Haha." Tapos napakamot siya sa ulo! Ang cute niya talaga! Ang gwapo! Hays.

Ngumiti na lang ako. "Sunday? Sige. Pupunta ako."

Ngumiti din siya, matutunaw nako, Lord, pwede mo na ko kunin! "See you! Thank you ha?!"

No Jayden, thank you. Napawi mo yung mga iniisip ko. Sana ikaw na lang yung papakasalan ko.

----

8:43 p.m.

Nagugutom na tuloy ako. Paguwi ko kasi kanina diretso review, may quiz kasi kami next meeting eh.

*knock knock

"Buhay ka pa?" Tss. Ang timing talaga nitong perv na to. Di na lang ako sumagot. And yes! Nilock ko na talaga yung pinto. Haha. Baka pumasok nanaman siya ng walang paalam eh.

"Oy! Bahala ka dyan. Alam ko gising ka. Nagorder pa naman ako ng pizza sa baba."

Wait? Pizza?

"Tara na! Baba na tayo. Gutom na ko!"

----

"Hoy ano ba?! Hinay hinay sa pagkain! Kababaeng tao nito pang construction worker ang kain!"

"Pake mo ba?!" Sagot ko habang puno padin ng laman yung bibig ko. Haha.

Pizza is love.

"Tss. Kadiri nito." Tapos kumain na din siya.

"Mas kadiri ka kaya! Perv!"

"Halikan kita dyan eh." Yan nanaman po siya!

"Che. Kumain na lang tayo."

"Ikaw maghugas ng plato ah?" Tapos tumayo na siya. "Pagsilbihan mo naman ang fiancee mo! Hahaha."

Ano daw? Medyo nangilabot ako ah?!

Pero sige, tutal nilibre naman niya ko eh. And may kasalanan pa ko sakanya, remember yung sa mall? Di muna ako aangal.

-----

Darwin's POV

Green Dragons 🏀

Jayden Rowans: Sa linggo ha? Wag kayong mawawala.

Oliver Rodriguez: Sorry pre. Negative, ayaw ni babe e. 😞

Bryan Hernandez: Oo, wag ka magalala, di naman kami parang ex mo e, nawawala na lang bigla. Hahaha. 😂

Kadiri ka Oliver, under!

Jedrick Aragon: K.

Oliver Rodriguez: Gago bry! Inlove lang.

Vincent Pascua: Eeww. Magbebreak din kayo. Walang forever. 😹

Jayden Rowans; Don't worry Oliver. I got u man!

Darwin Anderson: Ingay niyo! Tahimik!

Aaron Sebastion: Oy! Nagagalit na si Master, tahimik na kayo!

Arthur Jacobs: Jay? Madami ba foods?

Tss. Ang ingay ng groupchat! Daldal ng mga to. Tinurn off ko na lang yung notif.

Sobrang boring! Gusto ko sana magpunta sa bar kaso tinatamad ako.

Oo! Tinatamad din ang mga gwapong kagaya ko no!

Nagscroll na lang ako sa facebook. Syempre, tinitignan ko mga profile pic ng mga sexy na babae! Fvck, nagiinit ata dito ah?!

*pop out sounds*

Jayden Rowans: Pre? Punta ka ba?

Darwin Anderson: Oo.

Jayden Rowans: Ininvite siya ni mommy.

SHET.

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon