Chapter 8.2: doom day.

1K 18 0
                                    


guys sorry sa super late update.

busy busyhan ang author niyo e. haha. well. eto na po ang update ko.

enjoy :)

-----

     Chantelle's POV

Sa sobrang kaba ko di ko malaman ang gagawin ko. Tss. Ewan ko nga ba kung kaba tong nararamdaman ko e. Basta ang alam ko lang mabilis ang tibok ng puso ko. Di ko maexplain e!

Narinig ko na bumukas ang main door sa baba! Syempre alangan namang sa taas diba? Tss. -_-

Grabe! Feeling ko lalabas na sa dibdib ko yung heart ko. Haha. Kahit wala naman akong dibdib. Hahaha. E flat e! Magagawa ko?

Ayt! Tama na nga! Bababa na ko kahit kinakabahan ako. Baka mamaya kaladkarin pa ko ni mommy pababa. Nakakahiya sa fiancee ko. Tss.

Dahan dahan akong bumaba. Naririnig ko na nagsasalita sina mommy sa baba. Kinakausap siguro yung fiancee ko? Ayt! Mas kinabahan ako. Gwapo kaya siya? Sana kasing gwapo siya ni Jayden! Haha. Landi ko na talaga -.-

Yumuko ako habang bumababa. E kasi naman e. Di ko alam kung pano yung reaction ko pababa. Kung naka smile ba or naka serious face. Ang awkward naman kasi e. I'm sure kasi na nakatingin sila sakin.

After 94226589 years malapit na din ako sa dulo ng hagdan. Pero nakayuko padin ako. Buti nga di ako nauntog or something e. Haha.

Nakikita ko lang yung sapatos ng fiancee ko na papalapit sakin. Oo! Alam kong sakanya yun kasi imposible naman na kay daddy yang shoes. Basta alam ko yung fiancee ko yan! Wag na kayo magulo!

Nagulat na lang ako ng hawakan niya yung kamay ko kaya naman napatingin ako sakanya.

OMYGASH!

"Ikaw?!" Sabay pa naming sabi.

Shete naman oh! Bakit siya pa. Waaah! Gusto ko na mamatay! Now na! Patayin niyo na ko! Please! Waaaah! Huhuhu. Bat siya pa naging fiancee ko?

Lord ano po bang nagawa kong kasalanan at kailangan niyo kong parusahan ng ganito? Kunin niyo na lang po ako please!

Nakita ko siyang ngumisi! Argh! Nakakainis naman oh! Nakangisi pa siya habang ako gusto ko ng mamatay!

Sinamaan ko lang siya ng tingin!

"Eheem. Ah eh. You know each other?" Nakalimutan ko. Andito pala sina mommy.

"Yes!" Siya. "No!" Ako. Sabay ulit naming sabi kaya nagkatinginan ulit kami. Argh! Nakakainis na ha?

"Ha? Ano ba talaga?" This time si daddy na yung nagsalita.

"We're schoolmates." Siya. "I don't know him." Ako. Sabay nanaman? Napipikon na ko a? Tss.

Napakamot na lang sa ulo si daddy. Si mommy naman nakatitig lang saming dalawa. Naweweirduhan na siguro siya samin. Epal kasi tong mokong na katabi ko e! Aish! Di pa namatay! -_-

Ayoko din kasing malaman nila na magkakilala kami. Mas lalo na at di maganda yung first time na pagkikita namin ng manyak na katabi ko. Mas lalo naman yung second time! Waaaah! Ayoko na maalala yun. Delete... Delete...

"Mommy. Daddy. I will talk to him for awhile." Tas hinila ko na si Darwin papuntang garden. Wala na kong pake kung maweirduhan sakin si mommy. Di kilala tas hinila basta basta? Weird diba?

*****

     Darwin's POV

Nakangiti lang ako habang nakatitig sakanya. Haha. Nakakatawa kasi yung reaksyon niya e. Umupo ako sa isa sa mga bench dito sa garden nila. Di ko naaappreciate yung mga bulaklak. Pero ngayon masasabi ko na maganda yung garden nila. Sino kaya nagaalaga nito? Siguro yung gardener?

"Hoy manyak! Nakikinig ka ba sakin? Ang sabi ko bakit ikaw pa yung naging fiancee ko ha?!" Tumingin ako sakanya. Nakatayo siya sa harapan ko tas nakalagay yung dalawa niyang kamay sa bewang niya. Haha. Ewan ko ba pero natatawa na lang ako sa reaction niya. Haha. Kanina pa din niya kong tinatawag na manyak. Tss. Bahala siya kung anong gusto niyang itawag sakin.

"Aba malay ko?! Di ko din naman gustong maging fiancee ka no! Ang daldal mo kaya." Tas ngumiti ako ng mapang asar. Haha. Trip ko lang mangasar ngayon.

"Tss. Ewan ko sayo. Akala ko pa naman kasing gwapo at bait ni Jayden magiging fiancee ko. Kabaliktaran pala niya." Medyo mahina yung pagkakasabi niya pero narinig ko padin siya. Sino si Jayden?

"Sinong Jayden?" Tanong ko sakanya. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Ha? Bakit ganyan reaksyon niya?

"Ah... Eh... Wala ka na dun!" Tinalikuran niya ko. Aba? Ang sunget talaga nitong babaeng to. Tss. Mukha magiging challenging to a? Haha.

"Ok. Kahit sino pa man yang Jayden na sinasabi mo sigurado akong mas magaling padin akong humalik kesa sakanya. Mas magaling din ako sa kama. Wanna try? Pagdating natin sa bahay?" Ngumiti nanaman ako ng nakakaloko. Bigla siyang lumingon sakin tas hinampas ako.

"Ang bastos mo talaga! Waaah! Manyak! Sabi ko na nga ba e! Waaah! Ayoko ng tumira sa iisang bahay kasama mo! Kadiri ka talaga!" Hinampas hampas padin niya ko habang nagtatatalon siya. Ang abno talaga ng babaeng to no?

Umiling iling na lang ako tas tumayo and hinila siya.

"Let's go inside. Kanina pa tayo nandito. Iniintay tayo ng parents mo." Akala ko papalag pa siya pero sumunod naman.

*****

     Chantelle's POV

Nagpahila na ko sa manyak na to. Kasi naman. Ewan ko ba. Pero biglang pumasok sa isip ko ang magiging buhay ko kasama siya.

Haler? Baka habang buhay ko na siya makakasama? Titira na din kami sa iisang bahay simula ngayon.

Oo eto yung problema ko simula pa nung isang araw. Sa hindi ko malamang dahilan sabi ni daddy kailangan ko na daw tumira kasama ang fiancee ko kahit di pa kami kasal. Nakakaloko lang no?

Kung nagtataka nanaman kayo kung bakit di ako umaangal. Si daddy kasi ang palaging nasusunod samin. Pag decision niya yun ang susundin. And pag di mo sinunod. I'm sure di niyo gugustuhin na malaman kung anong gagawin niya.

Hays. Di na ko pwedeng mag back out. Forever ko ng makakasama tong pervert na nakahawak sa kamay ko. Tss. Teka? Nakahawak sa kamay ko?

"Bitawan mo na ko! Chansing ka na e!"

















-----

there you go guys! haha. so the fun starts now!

titira na sila sa iisang bahay! haha. ano kayang mangyayare sakanila?

abangan! :D

vote... comment... follow.

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon