What's happening

706 12 0
                                    


Hi guys! Another UD! Pambawi po to! Sorry talaga! Sana support niyo padin tong story ko! Comment kayo! And favorite na din! Thank you so much for the support 😍

-----

Darwin's POV

Mukha lang akong tangang nakatingin sa laptop ko, totoo ba yung sinabi ni Jay? Darating kaya talaga siya?

Shet shet shet. Bakit?! Nakauwi na siya? Bakit ngayon pa? Di ko na siya kailangan. Ayoko siyang makita.

After all these years? Anong tingin niya?! Bigla siyang magpapakita samin na parang walang nangyari? Lakas ng loob ah! Kakaiba talaga siya. Tss. Nawala talaga ako sa mood.

"Your highness perv! Tapos na po ako maghugas ng pinggan, may ipaguutos pa po ba kayo?" Dadagdag pa ata to.

Dahil sa inis ko, di ko na siya pinansin baka kung ano pa masabi ko, dumiretso na lang akl papunta sa kwarto.

Ewan ko ba! Pero hanggang ngayon ganito padin epekto niya sakin.

-----

Chantelle's POV

Tapos na ko maghugas ng plato, inayos ko na din yung kusina, ngayon ko lang napansin na malinis yung kusina ni Darwin!

Infairness ha? Kahit lalake siya at siya lang magisa dito nagagawa niya ayusin ang kusina niya, pero wait? Siya nga lang ba magisa?

Baka mamaya inaayos din to ng mga babaeng inuuwi niya? Or baka hanggang dun lang sila sa kwarto? Or baka umaabot sila sa sala? Kundi kaya dito din sila sa kusina nagaano?!!

OMG! Ano ba yang iniisip mo Chantelle! Tigilan mo nga! Aish!

Paglabas ko ng kusina nakita ko siyang nakaupo sa sofa, hawak yung laptop niya.

"Your highness perv! Tapos na po ako maghugas ng pinggan, may ipaguutos pa po ba kayo?" Pang-asar lang. Haha, as if naman maasar yan? Tss.

Bigla siyang tumayo at dumiretso na sa taas, sa kwarto niya, di man lang niya ko pinansin?

Ano kaya yun? May problema kaya siya?

----

"Hey bess! Are you alright? You look like malalim ang iniisip! Share!"

Andito kami ngayon ni Riana sa school canteen, katatapos lang ng class namin, ang bilis ng araw, Wednesday agad, malapit na mag Saturday. Di ko parin nasasabi kay Darwin yung usapan namin ni Daddy. Mukha kasing badtrip si perv e. Bakit kaya?

"Hello bess? What na? You're not making pansin me!"

"Ay sorry bess! Basta! Wala to, tara na! Order ka na food! Gusto ko ng pesto." Tapos inabot ko na kay Riana yung pera, tumayo na din siya at dumiretso sa counter.

Asan kaya si Chase? Di siya sumabay samin ah? Nagtatampo padin kaya siya sakin? Ano ba naman to! Lalake talaga ang problema sa buhay nating mga babae e! Agree ba kayo?! Napapaisip tuloy ako!

Maya maya dumating si Riana, "Bess?!" Medyo malayo pa siya tinawag na niya ko.

"Oh? San na yung food?!" Hanap ko, nagugutom na ko kakaisip eh!

"Wait! Look! Yung table over there! Right side bess, dulo!" Turo niya sakin.

Paglingon ko.

Ow. Okay.

Si Darwin, and the green dragons, may kaakbay siya na babae.

Di ko alam, pero nakaramdam ako ng inis, inis nga ba to? Bakit ako naiinis? Nagseselos? No way! Hindi no!

Ah! Wala kasi siyang respeto sakin. Tama! Pagkatapos niya hawakan yung kamay ko dito sa school, ngayon iba na kasama niya.

"How dare he?!" Tumabi sakin si Riana. "What do you want bess? Let's sugod them and sabunot that girl?!"

"Wag na bess, alis na lang tayo. Sa labas na lang tayo kumain."

Hinila ko na si Riana, papalag pa sana siya pero higpitan ko kapit ko sakanya, para kasi akong maiiyak!

Ano ba yan?! Bat ako iiyak?! Kainis ha?! Anong nakakaiyak sa sitwasyon ngayon?!

Malapit na kami makalabas ng canteen, pero biglang...

"Babe! Chantelle!" Tinawag kami ni Oliver.
Paglingon ko nakatingin na samin yung buong team, including Darwin, parang nagulat siya na nakita niya ko.

Galing talaga nito ni Oliver, Nice one, ganda ng timing.

"OM! I'm sorry bess!" Bulong ni Riana sakin.

"Tara dito!" Sigaw ulit ni Oliver.

Pigilan niyo ko. Makakasapak talaga ako.

"Bess?" Tinignan ako ni Riana, nag nod lang ako tapos dahan dahan kami lumapit sakanila. Nakakahiya kasi, ayoko naman ipahalata sa mga tao na may something sakin, baka magtaka pa sila. and ayokong ipakita kay Darwin na affected ako sa nakikita ko.

Di nga ba ko affected?

Hindi! No! Naiinis lang ako. That's it.

Malapit na kami sa table nila, actually, si Riana andun na katabi yung boyfriend niyang ang sarap patayin!

I forced a smile!

Nakatingin sakin si Darwin, di ko malaman facial expression niya, gulat na parang naiinis? Lakas ng loob ha? Siya pa maiinis? Tss.

Eto na. Kaya mo lumapit sakanya, kaya mong ipa--

"Chelle! Samahan mo ko!"

Huh?

"Tara samahan mo ko! Kumuha na tayo ng mga pictures ngayon, para sa project natin."

Si Chase, bigla niya kong hinila.

Juicecolored! Thank you so much Chase! I owe you! Nakahinga ako ng maluwag.

Paglingon ko kina Darwin, nakita kong parang galit siya, tapos nawala yung pagkakaakbay niya dun sa babaeng hipon!
Yes! Hipon! Sexy lang, panget naman. Eew, yan pala type niya. Kadiri ah?

"Riana, hiramin ko muna to ha? *sabay pat sa ulo ko.*, gagawa lang kami ng project."

Di na niya inintay magsalita si Riana, hinila na niya ko palabas ng canteen.

Paglabas namin ng canteen binitawan na niya yung mga kamay ko. "Sumunod ka Chelle."

"Saan?" Tanong ko.

"Basta. Tara!"

---

Sana nagustuhan niyo! Tatry ko magupdate daily! Or thrice a week!! Promise talaga yan! Haha 😘 Thank you talaga ng sobra!!

Don't forget to favorite and comment! Follow niyo na din ako! Let's be friends 😍


Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon