Chapter 14

985 19 0
                                    


Guys! Pakirefresh po yung story, may dinagday po ako sa last chapter! Sinama ko na yung supposed to be part 2. Haha. Kaya baka di niyo mabasa. Irefresh niyo lang po. Salamat :*

-----

Darwin's P.O.V

Missed me eh?! Haha.

Nandito kami ngayon sa timezone, hays, pinilit lang naman ako ni Chantelle kaya sumama ako dio. boring kasi sa bahay e. Yung mga team mates ko naman may kanya kanyang lakad. Wala rin ako sa mood makipagsex. Nakakatamad din pala minsan yun no? Haha. Kaya ayun. Si Chantelle ang binibwiset ko... speaking of her. Nasan na kaya yun?!

Naglakad lakad ako, hinahanap siya,

Yun oh! May chix...

Sexy? √√√√

Maputi? √√√

Maganda? √√√√√√√

Lumapit ako sa chix, nung napansin niya na palapit na ko ngumiti siya, syempre, nginitian ko din. Ako pa ba?!

"Hi miss!" Sabay kindat, mas effective yan e. "I'm Dar-"

"Hello kitty!!!!!" napatigil ako ng may sumigaw, si Chantelle! Sakanyang boses yun, dali-dali akong tumakbo sa lugar kung san ko narinig yung sigaw niya, baka kung ano ng nangyari dun. Tanga pa naman minsan yun.

Naabutan ko siya na nakatalikod, "Hoy! Anong nangyari? Anong problema?!" Medyo natatarantang tanong ko.

Tinignan niya ko. Tapos tinuro yung toy machine sa harapan niya. "Kasi! Hello kitty oh!!" Tinignan niya ulit yung toy machine. "Gusto kong kumuha!"

Yun lang yun?! Kaya siya sumigaw dahil dun? Napakamot na lang ako sa ulo. Hays. Ang mga babae talaga.. "Akala ko naman kung ano na. Leche naman kasi makasigaw diba?" Tinitigan ko yung toy machine, dahil dyan kaya siya sumisigaw? Yung totoo? Di ko talaga minsan magets ang mga babae.

Tinignan ko na lang siya maglaro, sayang yung chix kanina, iniwan ko pa para lang manood maglaro tong babaeng to.

Nabored na ko kakapanood sakanya, kaya tinulak ko siya.
"Hindi mo makukuha yan, ako na nga." Tapos ako na yung naglaro. Madali lang naman to! Magaling din ako dito no. Haha.

Medyo nagfocus ako dun sa toy machine, natagalan lang ako sa pag galaw nung claw kasi umaalog alog pa kaya inintay ko munang magstop. After a minute. Nakuha ko rin. Kinuha ko yung hello kitty stuffed toy at pinakita kay Chantelle. "Sabi sayo magaling ako e."

She stared at the stuffed toy. Para siyang naiiyak na ewan. "WAAAAAAAHHH-!!!" Nagulat ako ng bigla siyang tumalon talon, parang nasasapian to! Ganito ba talaga ang mga babae?! Tinignan niya muna ulit yung stuffed toy tapos kinuha ito. At tumalon talon ulit.

Nagulat ako sa reaction niya, pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa,

she hugged me.

Mga ilang minuto din akong di nakapagsalita, di ko alam paano magreact. Masyadong awkward yung situation, pero syempre, bilang ako si Darwin Anderson, iinisin ko siya.

"Sige chansing pa." Oh diba? Haha. Dahan dahan niyang inalis yung pagkakayakap niya, iniintay ko ng sigawan niya ko or kundi kaya batukan o saktan, yung normal na ginagawa ng babae kapag maiinis, pero bigla siyang tumalikod tapos naglakad palayo.

Anyare dun? "Hoy! Saan ka pupunta?" Sinundan ko siya syempre, kakalabitin ko sana siya pero bigla siyang nagsalita.

"Uwi na tayo." Tapos dire-diretso na siyang bumaba ng escalator. Uwi? Agad?

Married to a PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon